Chapter 23

2.9K 63 8
                                    


Chapter 23

Bumalik na si Hayes sa trabaho. Naging busy nga siya dahil ang daming dapat gawin. Samantalang ako ay nandito lang sa unit at walang magawa. Wala naman kasi dito si Hazel at Scarlett dahil nasa bakasyunan pa. Si Levi naman ay busy sa kompanya dahil tinuturuan siya ni Liam kung paano magpatakbo. Si Zoe ay hindi ko alam kung nasaang partikular na lugar sa sulok ng mundo siya napadpad.

Hindi naman kasi sinasabi. Sa tuwing tinetext ko at tinatawagan, ang tanging sagot lang sa akin ay 'basta' o di kaya ay 'sa gilid gilid lang'. Wala na akong nakuhang matinong sagot mula sakanya. Itong si Kuya Zach ay busy naman ata sa pag-aaral niya. Ganoon din sila Mom and Dad, busy sa kompanya.

Dapata pala ay bago mag bakasyon, naghanap ako ng summer job na pwede kong pagkaabalahan. Nakakabagot na nandito lang ako sa unit buong maghapon. Sa gabi ko nalang nakikita si Hayes every weekdays dahil madalas akong late magising sa umaga, maaga kasi napasok iyon sa trabaho.

Kaya simula nung nagsasawa na ako sa ginagawa ko dito ay may naisip ako na gawin at nakasanayan ko na. Tutal ay sa umaga hindi ko laging naipagluluto si Hayes ng breakfast, ako pa nga ang ipinagluluto niya kaya nagigising ako na may pagkain na, ngayon naman ay ako ang magdadala ng pagkain sakanya sa opisina. Ito na yung pinagkaabalahan ko sa buong natitirang bakasyon ko. Nag-aral din ako ng mga ulam na hindi ko pa maalam lutuin.

I cooked chicken curry for our lunch. Nagdala na rin ako ng watermelon, brownies, rice, and water. Sumasabay na rin kasi ako sakanya na kumain sa office niya dahil iyon ang gusto niya. When I finished preparing the things I needed to bring, I drove my way to his office.

"Good morning po." bati sa akin ng mga empleyado ni Hayes na nadadaanan ko.

Kahit araw araw na ako dito ay hindi pa rin ako masanay na ganito nila ako tratuhin. Hindi naman nila kailangan na batiin pa ako ng pormal dahil hindi naman ako ang boss nila pero ang sabi ni Hayes ay masanay na ako dahil iyon daw ang dapat. Kaya kalaunan ay hinayaan ko nalang, binabati ko nalang sila pabalik at nginingitian.

Pagdating ko sa floor ni Hayes ay nandoon si Ate Leny, yung secretary niya. Siya lang ang tanging casual kong nakakausap dito. Bea nalang din ang pinatawag ko sakanya kaya Ate ang pinatawag niya sa akin. Naging close ko na siya at kung minsan ay siya ang nakakakwentuhan ko sa tuwing may meeting si Hayes. Kung minsan kasi ay dito na ako pinag stay ni Hayes at sabay na kami uuwi.

"Si Hayes po?" tanong ko.

"Nasa meeting pa hija, pero patapos na rin iyon. Binilin sa akin na hintayin na kita dito." sagot niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Ate, bagong putahe po. Chicken curry." sambit ko at inabot ang baunan na hinanda ko rin para sakanya.

Para sa aming tatlo ang lagi kong hinahanda. Tumatanggi pa siya noong una pero dahil nakulit ako ay wala na din siyang nagawa.

"Ikaw talagang bata ka, nasasanay na ako dito." sambit niya.

Tumawa ako. "Ayos lang po, sinasanay ko po talaga kayo. Pero sa pasukan po baka hindi na po ito araw araw." malungkot kong sabi.

Mamimiss ko din kasi ang ipagluto sila at makausap siya. Para ko na din kasi siyang nanay, ang bait niya.

"Hindi mo naman obligasyon ito, Bea. Salamat dito." pagpapasalamat niya.

"Kapag hindi po masarap, huwag niyo na po kainin." sabi ko, ngayon ko lang kasi ito sinubukan.

"Wala ka namang niluto na hindi masarap. Nagtataka nga ako at marunong kang magluto."

"Siyempre po, may kasabihan tayo. A way to a man's heart is through his stomach." sambit ko at parehas kaming natawa.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora