Chapter 24

2.9K 63 3
                                    


Chapter 24

Paulit ulit kong tinanong si Hayes kung ayos lang talaga sakanya na kausapin ko si Liam. At iisa lang ang sagot niya, ayos lang daw para sa ikatatahimik ko. Nasa opisina ngayon si Hayes at naging maayos din naman kami agad mula sa naging maliit na pagtatalo.

Mabuti nalang mahaba na ang pasensya niya pagdating sa akin at nagkaintindihan din kami sa dulo. Kinuha ko ang cellphone at ngayon na naisipan na kamustahin ang kaibigan. Inabot iyon ng limang ring bago niya sagutin.

"Bella!" masigla niyang bati sa kabilang linya.

"Hi, Liam." bati ko naman. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan.

"Napatawag ka?" tanong niya.

"Mangangamusta lang." sagot ko.

"I'm fine. You?" maikli niyang sagot.

"I'm doing great." I answered.

"Good."

Natahimik kaming dalawa. Ako ay naghahanap ng tiyempo upang may maitanong. Hindi kasi ako kumbinsido sa sagot niya na ayos lamang siya.

"Uh.. Liam. Hayes and Dahlia already broke up. Alam mo b-ba iyon?" tanong ko.

"Why are you saying me this?" he asked.

"Y-You didn't know?"

I heard him sighed. "I knew about it."

"Are you okay?" tanong ko ulit.

Alam ko kasing hindi naman talaga siya ayos. Halata sa boses niya.

"I'm just comforting her, if that's what you want to know. We're not together, she's still stuck to your husband." he frankly said.

That means, he's not okay. How can a person be okay if the one he loves is still into someone he hates the most? So yeah, stop asking Bea. He's obviously not doing fine.

"I know for sure that you're not okay. Just give me a call if you need someone." I said.

He will share if he wants to. For now, all I can do for him is to let him know that I am always here, his friend who's ready to listen. Wala akong balak pilitin siya at lalong wala akong balak na makialam sa mga desisyon niya.

He chuckled while I am here worrying about him.

"Copy that, Ate." he said.

Napasimangot tuloy ako. "Liam naman eh, seryoso nga kasi."

"Yeah, okay. I'll drop this call, I have a meeting to attend to." he said.

"Okay."

"Take care, Bella." he said and ended the call.

Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos namin na magusap. Alam kong kakayanin ni Liam kung ano man ang pinagdadaanan niya. Gusto ko lang masigurado kung anong lagay niya. Kaibigan ko pa rin siya.

Our classes started. The three of us are still blockmates. Well, some of our blockmates from last school year were almost the same. May mga nabawas lang which is I think normal in our chosen course. Hindi naman kasi maiiwasan ang mga estudyanteng nag drop dahil hindi na kaya o ayaw na sa course. Mayroon naman na hindi na nag-enroll ulit. At ang iba ay hindi pumasa sa qualifying exam kaya wala silang choice kung hindi ang mag shift ng course. Nakakalungkot dahil pare-parehas naman kaming naghirap, ayun nga lang ang iba ay hindi sinwerte o hindi lang talaga para sakanila.

Kaya ako ay nagpapasalamat dahil nakapasa ako at nasa ikalawang taon na ngayon ng kursong ito. Hindi ko sasayangin ang pagpasa ko, mahirap man ang kurso ay kakayanin pa din.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now