Chapter 27

2.8K 56 11
                                    

Chapter 27

Nagising ako at kinapa ang tabi ko. Tanging unan lamang ang nandoon. Kinusot ko ang mata ko at bumangon. Madilim pa din, akala ko ay umaga na. Nakatulog pala ako kanina pagkatapos mag paalam ni Hayes. Tinignan ko ang orasan at nagtaka dahil hanggang ngayon ay wala pa siya dito sa bahay. Alas tres y media na.

Lumabas ako ng aking kwarto at tinignan siya sa kanyang kwarto, nagbabaka sakaling doon siya natulog ngunit wala din akong nadatnan. Bumaba pa ako upang i-check din siya sa sofa baka doon na siya inabot at sobrang lasing niya pero wala din siya. Naikot ko na ang buong unit pero wala ni kahit isang bakas niya. Anong oras na bakit hindi pa rin siya nauwi?

Natataranta ako pabalik balik na naglalakad dito sa sala at nag-aalala para sakanya. Hindi ko alam kung saan sila bar pumunta at baka kung napaano na iyon. Baka napadami ang inom. Umiling iling ako upang iwaksi ang mga naiisip na hindi maganda.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at nag-isip ng pwedeng gawin. Tumingin ako sa phone ko. Kahit tawag o text ay wala akong nakuha mula kay Hayes. Sinubukan ko na rin siyang tawagan ngunit cannot be reached. Tinawagan ko ang numero ni Ate Leny, baka kasi sumama siya doon. Anong oras pa lamang at alam kong makakaistorbo ako sa tao pero wala akong choice. Si Ate lang ang mayroon akong contact sa mga empleyado niya.

"Hello?" sagot niya, wari ko ay nagising sa tawag ko.

"Ate Leny, sorry po at nakaistorbo ako. Hindi pa po kasi nakakauwi si Hayes, kasama po ba kayo sakanila?" sunod sunod kong tanong.

"Ganoon ba? Hindi ako sumama, hija. Pero alam ko kung saan sila."

"Pwede po bang malaman kung saan?" tanong ko.

Sinabi ni Ate Leny kung saan ang bar na pinuntahan. Nagpasalamat ako sakanya at hindi na pinahaba pa ang usapan dahil pupuntahan ko si Hayes. Pero hindi ba ay sarado na iyon? Mag-aalas kwatro na rin. Bahala na.

Nagsuot lamang ako ng jacket at kinuha ang susi ng kotse ko. Pinuntahan ko ang bar kung saan sila nag diwang ngunit tahimik na doon at wala ng tao. Mas lalo akong nag-alala dahil hindi ko din nakita ang kotse niya dito na nakaparada. Nasaan siya? Nasaan ka na ba kasi Hayes? Wala akong nagawa kung hindi ang umuwi ulit. Nagawa ko pang istorbohin at tawagan din si Liam upang mag tanong sakanya ngunit wala din siyang alam. Tinawagan na nga rin niya ang ibang nga kaibigan ngunit isa sakanila ay walang nakakaalam kung nasaan si Hayes. Ayoko na magtanong kay Scarlett dahil mag-aalala ang isang iyon.

Hindi na ako nakatulog sa pag hihintay na baka biglaan siyang mag text o tumawag. Or kung hindi kaya ay dumating siya ngunit nabigo ako. Hindi na nga ako nakapagluto at nakakain ng almusal. Sa muling pag tingin ko sa orasan ay alas diyes y media na. Dapat ko na bang i-report sa police? Kaso wala pang 24 hours. Paano kung may masamang nangyari talaga?

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang pagbukas ng main door. Mula sa kinauupuan ko ay tinakbo ko iyon at para akong tinanggalan ng malaking tinik sa dibdib nang matanaw ko si Hayes. Niyakap ko siya nang mahigpit at napaiyak na ako.

"Akala ko kung ano nang nangyaring masama sa iyo. Hindi ka man lang nag text o tumawag. Saan ka ba galing ha?" tanong ko.

Humiwalay ako sakanya at pinalo pa siya sa dibdib dahil sobra niya akong pinag-alala. Pinunasan ko naman agad ang mga luha ko. At least ay nakauwi siya nang ligtas at maayos.

"Na-lowbatt ang phone ko. Nalasing ako kaya kay Lucas na muna ako tumuloy. Ayaw na kitang istorbohin kaya sinabi kong sakanila na muna niya ako iuwi." paliwanag niya at umiwas ng tingin.

Lucas? Umuwi siya kina Lucas? Pero ang sabi sa akin ni Liam ay wala ni isa sa kanilang magka kaibigan ang nakakaalam kung nasaan siya. So paanong napunta siya kay Lucas? Bakit iba iyong sinabi sa akin ni Liam? Tatanungin ko na sana siya ngunit nag salita siya agad.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now