Chapter 34

3.5K 67 7
                                    


Chapter 34

"Mommy, ano po ang inasikaso mo kanina? Did you talk to Daddy already?" she asked.

Yes Haisley, we've already talked. Not because to let him know about you but because Mommy needs to be legally separated to him. I need to say it to her. I need to be honest. I promised her to meet her Dad and I'll do that. Once the annulment is done.

Kinandong ko siya sa akin at sinusuklay ang buhok niya gamit ang aking kamay. Nandito kami sa aking kwarto at kakatapos lang namin mag shower na dalawa. Sobrang pagod ko sa buong araw na pangyayari pero nawala ang lahat ng iyon dahil sakanya.

"Haisley, I have something to tell you." panimula ko.

"Ano po iyon?" tanong niya.

"I know you won't understand this yet. But Mommy wants to be honest with you."

Kumunot ang noo niya. I put some strands of her hair behind her ears. I am thinking of the right words. Right words to explain our situation clearly. Ayokong maging masama si Hayes sa paningin niya. It's her Dad and I have no intentions to make him look like a worthless father where in fact he doesn't know Haisley's existence.

"Your Daddy and I have a problem even before you came. Uh.. we can't be together anymore and live under the same roof."

"Ano pong problem?" inosente niyang tanong.

"That's only between me and your Dad, hmm?"

She nodded. "Pero hindi po ba dapat ay ayusin iyon?" she asked.

"Yes and there's only one solution for that."

"Ano po?"

"We need to be separated, Haisley. I mean, the three of us can't be together in one house. You will live with me and he can visits you whenever you want to." I explained.

"Hindi ko po maintindihan, Mommy. Ano po ba ang ginawa sayo ni daddy para maghiwalay kayo?" kuryoso niyang tanong.

"May hindi kami pagkakaintindihan. Parehas kaming may mali ng daddy mo. That's why we're trying to fix this, hmm?"

Kunot ang noo niya ay tumango nalang siya. Alam kong hindi pa rin niya masyadong maintindihan. Ang gusto ko lang malaman niya na kailanman ay hindi na kami pwedeng maging isang kumpletong pamilya. Hindi na kami pwedeng magsama ng tatay niya. Hindi niya makikita kami ng tatay niya na magkasama sa iisang bahay gaya ng isang pamilya.

Nasasaktan ako para sa anak ko. Kahit gaano ko kagustong bigyan siya ng buong pamilya ay hindi ko magawa. At sa parteng iyon ay sinisisi ko ang sarili ko. Kasi parang pinagkait ko sakanya ang pangarap ng isang batang magkaroon ng masaya at buong pamilya.

Kinabukasan ay trending pa rin ang pangalan ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko na masyadong binigyang pansin dahil huhupa din naman ang issue. At kung papatulan ko pa at magsasalita ako ay parang kukumpirmahin ko na rin ang nasa headline nila. I don't owe them an explanation. It's my privacy. Hindi nila kailangan na malaman lahat.

Ngayon ko i-meet ang lawyer na ipinakilala sa akin ni Kuya Zach. Kakausapin ko siya para sana malaman ko kung ano ba ang mga kailangan at dapat sa annulment.

"Good morning, Atty." bati ko.

Nandito kami sa law firm niya. Mas maganda kasi kung dito ko nalang siya kitain at kausapin kaysa lalabas pa kami. Mahirap na at may mga paparazzi. Baka madagdagan pa ang issue ko.

"Good morning Mrs. Smith, you may take a seat." she greeted back. Muntik na akong mapangiwi dahil sa tinawag niya sa akin.

"Thank you po." sambit ko at umupo.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon