Chapter 29

3K 62 4
                                    

Chapter 29

I stayed in a hotel. I couldn't stay with my family, I don't want them to know about it. Ayaw ko rin naman na guluhin si Zoe at Levi. Lalo na si Scarlett dahil kapatid niya iyon. Malaking gulo kung malalaman ng pamilya ko. At si Liam ay hindi ko alam. Paano niya nalaman? Kailan niya nalaman? Noong kausap ba niya ako ay alam na niya? At kailan pa? Kailan pa buntis si Dahlia? Kailan pa ako niloloko ni Hayes?

Ang dami kong tanong. Ang dami kong tanong na hindi ko gustong malaman ang kasagutan. Gusto ko nang maka-quota sa sakit na nararamdaman ko pero ang labo. Ano na ba ang dapat kong gawin ngayon? Papakinggan ko ba ang paliwanag niya? Ano bang paliwanag ang hinanda niya? I-elaborate ba niya sa akin kung paano at kailan nila ginawa ang bata? Tangina.

Kailangan ko nang makakausap. Mababaliw ata ako kung ako lang magisa. Hindi ko kaya, hindi ko na kayang bitbitin ito nang ako lang. Baka tuluyan na akong bumigay. Baka hindi ko na talaga kayanin.

That night, I called Hazel. I really need someone to accompany me right now. Kahit ngayon lang. Agad naman niya akong pinuntahan na sobrang pinag pasalamat ko. Siya lang ang makakausap ko ngayon. Sakanya ko lang kayang sabihin lahat.

"What happened? Why are you here? I mean, you should be home." sunod sunod niyang tanong pagdating niya.

Tinignan ko siya at kusang tumulo ang mga luha ko. May gripo ba ang mata ko ha? Yumakap ako sakanya.

"Bea."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Zel. Hindi ko na alam." I burst out.

"Sshh.." inalo niya ako at pinatahan sa mga susunod pang minuto.

Inabutan niya ako ng tubig nang medyo kumalma na ako. Nakatingin lang siya sa akin at alam kong hinihintay niya lang ako na magsalita. Huminga ako nang malalim at inilapag ang baso sa ibabaw ng lamesa.

"Promise me you won't tell this to anyone." panimula ako.

"I can't promise." she answered.

"Hazel, please." I pleaded. Sakanya ko pa lang unang sasabihin ito at sana ay huwag nang makarating kina Mom. Matagal bago siya tumango.

"I am thinking to have an annulment." I said.

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Why? You just celebrated your anniversary, right?" gulat niyang tanong.

I bitterly smiled at that. An unforgettable anniversary. Mga panahon na sobrang saya ko pa, namin. But why it turned out like this? Just why? I nodded with her question. I don't want to remember that day. Ang sakit lang maalala. Yung masayang nangyari bakit parang naging masakit na alaala? Kasi hindi ako sigurado kung totoo bang mahal ako ni Hayes? Kung totoo ba lahat ng pinakita niya?

"Zel.. she's pregnant." nahihirapan kong sabi.

"What? Who? I don't understand, Bea. What happened?" nag-aalala na niyang tanong.

"Dahlia. S-She's pregnant with Hayes' c-child." my voice broke.

Hindi pa rin ako makapaniwala, paano niya nagawa sa akin iyon? Paano niya ako nagawang lokohin nang ganoon kadali? Kasalanan ko 'to eh, ang bilis kong maniwala. Ang bilis kong mahulog ng paulit ulit.

"What the fuck?!" she yelled.

"That's why I am here. Kanina ko lang n-nalaman."

"Akala ko ay ayos kayo?" taka niyang tanong.

"Akala ko rin."

Akala ko rin talaga. Ang daming kong akala. Ganoon ako katanga.

"Kailan ka pa niya niloloko? Kailan pa ito, Bea?!" galit niyang tanong.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora