Chapter 30

3.4K 66 18
                                    

R-18. Read at your own risk.

Chapter 30

He was happy and shocked when I go home with him. And that decision I made was like torturing my own self. Yes, he is trying his best  to get back the old us where we used to be intimate, so am I. But in our current situation, it seems to be hard and impossible. I couldn't even fully trust him. 

I am trying to be the wife I used to be. We slept together. He drove me to school and picked me up. We are eating together. Medyo sinasanay ko na ulit yung sarili ko na kasama siya dahail para saan pa ang subok ko kung walang pagbabago diba? Naiilang lang ako minsan. Hindi man katulad noon pero may progress. Sobrang hirap lang talaga  ibalik.

"Take care." he said as we arrived in my school

I smiled and nodded. "You too." I said.

Pero parang sinusubok talaga kami ng tadhana. Parang tinitignan kung hanggang kailan namin kayang kumapit, kung hanggang kailan namin kayang lumaban. Bakit nakalimutan ko na may Dahlia nga pala? Na may anak nga pala sila. Kasama na ang pagsubok ulit sa relasyong ito ay ang pag tanggap ko kay Dahlia. Ang pag tanggap ko sa katotohanang magkakaroon si Hayes ng anak sa iba. 

Naging hati ang oras ni Hayes sa akin at kay Dahlia. Ayaw man niyang umalis at iwanan ako minsan pero wala siyang magawa. Si Dahlia ang nagdadala ng anak niya kaya hindi pwedeng basta nalang niya pabayaan at iwanan nalang ito. She became needy. Pinapayagan ko nalang si Hayes dahil konsensya ko pa kung may hindi magandang mangyari sa babae at sa kanilang anak. Wala na akong magagawa don, simula ngayon ay parte na sila ng buhay ko. 

Nakakamatay yung sakit na nararamdaman ko pero iniintindi ko siya, sila at yung sitwasyon. Gusto kong ako ang mas makaintindi sa relasyon namin. Sabi nga ni Hayes, lasing siya at hindi niya ito ginusto. Baka aksidente lang talaga. Pero ang tanong ay hanggang kailan? Hanggang kailan ko kakayanin? Hanggang kailan ko kayang magtiis? Mali ba itong ginagawa ko dahil parang kinukunsinte ko sila?

Ngayong araw ay nakatakda kami na mamasyal upang ipagdiwang nang simple ang aking kaarawan. Ito nalang ang hiniling ko sakanya, ang simpleng selebrasyon. Yung kaming dalawa lang. Akala ko magiging ayos anng araw na ito. Umaasa ako na sa isang buong araw na ito ay makalimutan ko man lang ang sitwasyson na mayroon kami. I want to escape  with him in this reality for just a day. 

Ngunit isang tawag mula sa cellphone ni Hayes ang sumira lahat ng akala ko, nang mga gusto kong gawin. Isang buong araw lang naman ang hinihingi ko, isang buong araw na masaya kasama siya. Mahirap ba iyon? Ang imposible ba ng hiling ko? Nag-aalala at taranta siyang tumingin sa akin.

"Azalea, she was rushed in the hospital." he said.

Tumingin ako sa mga mata niya, nakikiusap. Gusto kong ako muna yung piliin niya. Gusto kong iparamdam niya sa akin na ako lang. Please, ngayon lang. Hayes, piliin mo naman ako. At sa muling pagkakataon ay binigo nanaman niya ako. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit niyang mahalin.

"I'm sorry.." sambit niya bago nagmamadaling umalis.

I am watching the city lights. I wiped my tears. They won't just stop falling. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Naaawa na ako sa sarili ko. Nagmamahal lang naman ako, pero bakit ganito kasakit? Kanina pang tanghali simula noong umalis si Hayes. He's updating me on what's going on through text. 

"Azalea.."

I felt his arms around my waist. He's hugging me from behind. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga nang malalim.

"You're home." I said trying not to broke my voice but I failed. Humigpit ang yakap niya sa akin.

"H-how's Dahlia and the baby?" I asked and bit my lip.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon