Chapter 17

2.8K 73 17
                                    


Chapter 17

It's 11:00 in the morning when I woke up. It's Sunday kaya ayos lang na tanghali magising. Ano naman kaya ang kakainin ko? Tinatamad pa naman akong magluto. At baka umalis din si Hayes kaya pwedeng mag order nalang ako. Pero bababa muna ako para uminom ng tubig.

Habang pababa ay may naamoy akong mabango na nanggagaling sa kusina. Pagdating ko doon ay laking gulat ko nang makita si Hayes na nagluluto. Nakasuot siya ng apron at nakatalikod sa akin kaya hindi pa niya ako napapansin. Hindi ba siya aalis? Parang ngayon lang yan nagstay dito nang sunday ah.

I just shrugged my shoulders and get some water. Napansin na niya siguro ako kaya napalingon siya sa banda ko.

"Gutom ka na?" tanong niya.

Uminom muna ako ng tubig bago humarap sakanya.

I nodded. "Medyo."

Nakatingin siya sakin at tumingin sa suot ko. Nakita ko ang paglunok niya at pag-iwas ng tingin.

Nang matapos siya magluto ay nilagay na niya ang niluto niyang ulam sa lamesa. Nakahain na rin pala. Sinusundan ko lang ang mga galaw niya dahil bago ito sa paningin ko. Ngayon lang ata kami sabay na kakain dito.

Lumapit ako sakanya at dinungaw ang ulam na inihain niya. Napadikit ako sa may braso niya pero hindi ko na iyon pinansin dahil biglang kumalam ang sikmura ko. It's afritada!

Agad naman siyang lumayo sa akin na parang napaso. And I heard him whispering curses to himself.

"Pwede na bang kumain?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin at umiwas ulit. Nakita ko ang pamumula nang tenga niya at paulit-ulit na pagmumura. Huminga pa siya nang malalim na mas lalo kong pinagtataka. May sakit ba siya? Sa pagtataka ko ay lumapit ako ulit at hinipo ang noo at leeg niya.

"Wala ka namang sakit. Masama ba pakiramdam mo? Bakit ka namumula at nahihirapan huminga?" sunod sunod kong tanong.

Napadami kasi ang inom niya kagabi eh. Tumingin na siya sa akin at sa suot ko ulit.

"Are you really not wearing a brassiere anywhere, Azalea?" he asked.

Noong una ay nagtaka ako pero nang sulyapan niya ulit ang suot ko ay may bigla akong naalala. Nanlaki ang mata ko at agad na tumalikod sakanya at nilagay ang dalawang braso sa dibdib para matakpan. Shit, I am just wearing my dress silk nighties. Sobrang nipis nito!

"B-bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Do I need to tell it to you to wear your brassiere every fucking time? And why are you wearing a nighties and walking freely with only that damn thing?" irita niyang sambit.

"I-I slept and this is my sleepwear. A-and I thought you're not around so I didn't bother to wear my brassiere. Nasanay na din kasi ako." depensa ko sa sarili.

"Paano kung may bisita pala ako at lumabas kang ganyang lang, huh?" mas lalo siyang nairita ngayon.

"W-wala naman eh." sagot ko.

"So you'll wait for that to happen?" he asked.

I shook my head. Hindi ko nakikita ang itsura niya pero sigurado akong sobra na siyang naiinis sa akin.

"Fuck! From now on get used to wear brassiere before going out in your room." aniya at rinig ko ang mahihina pa niyang mura.

"Now, could you please change so we can eat?" tanong niya at tumango nalang ako bago tumakbo paakyat sa kwarto ko.

Nagpalit ako nang tshirt at shorts na pambahay. Nag-bra na din ako. Nandito lang naman ako sa bahay kaya hindi ako nag-aabalang mag-bra pero dahil kasama ko si Hayes, magsusuot nalang ako. Argh, nakakahiya talaga!

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now