Chapter 39

3.7K 71 3
                                    


Chapter 39

"Hayes, will you slow down?!" I yelled. Because he's driving like there's no tomorrow, like we can't reach my condo if he'll slow down.

"Tell me how can I do that, huh?" mariin niyang tanong.

Mas binilisan pa niya ang pagmamaneho kaya naman mas humawak pa ako. Para akong malulula sa bilis. He's over speeding. And fuck, this is a highway! Baka mahuli pa kami o maaksidente dahil sa ginagawa niya!

"Just slow the fuck down! Makakarating din tayo, Hayes!"

Hindi niya ako pinansin at talagang binilisan pa niya. Halos masuka suka ako nang makarating na kami sa parking ng building. Habang siya ay parang wala lang at bumaba ng kotse. Habang kinakalma ko ang sarili ko dahil sa kaba kanina ay bumukas ang pinto sa gilid ko.

"Baba." utos niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pwedeng mag hintay ka? Muntik mo na akong patayin!" galit kong sigaw.

He tsked and waited for me. Nakita ko kung gaano siyang hindi mapakali. Pagbaba ko ay agad niya akong hinila sa may elevator. Nagtaka ako nang pindutin niya kung saang floor ako.

"How did you know?" I asked.

"That's not important." he coldly said.

I groaned. Bigla kong naalala ang anak. Hindi nga pala ako umuwi kagabi at hanggang ngayon! Baka hinahanap na niya ako tapos ito pa ang madadala ko?

"H-Hayes, baka mabigla yung bata. Pwede bang sa ibang araw nalang-"

"No." tanggi niya.

"Pag-usapan muna-"

"Ako ba hindi mo binigla, Azalea? I have a lot in my mind right now so don't even suggest to put this off till tomorrow or any other day. I can't even waste a single second with what I've found out." he angrily said.

Wala nalang akong nagawa kung hindi ang isipin ang anak. Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Matutuwa ba siya? Ilang buwan niya na akong kinukulit tungkol dito. O mabibigla? Maiiyak? Nag iisip na din ako ng mga paliwanag ko kay Hayes at kay Haisley. At kung paano ko sila ipapakilala sa isa't isa.

Paglabas naming ng elevator ay nauna na akong lumabas at sinundan niya ako hanggang sa tapat ng unit ko. Matagal pa akong tumayo at huminga nang malalim. I looked at him who's now looking tense.

I slowly opened the door and Carl's voice welcomed me. "Bea, jusko! Saan ka ba nanggaling buti at nakauwi-" hindi niya natapos ang sasabihin at nanlalaki ang matang napatingin sa likod ko.

"Mommy!" I saw the crying Haisley running towards me and immediately hugged me. "You didn't go home last night and Tito Carl can't contact you." she cried.

Lumuhod ako para makapantay siya. Agad niya akong niyakap sa leeg. "Sorry. Something happened, Haisley." sabi ko at tinapik tapik ang likod niya.

Umiyak lang siya nang umiyak hanggang siya tumigil siya.

"Mom, who is he?" she asked and suddenly remember that Hayes is with me.

I looked at Carl and Manang Sonia. "Uh, Bea.. Kuha ko lang kayo ng maiinom." nauutal niyang sabi at umalis kasama si manang.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ni Haisley. Pinunasan ko ang luha niya at mga buhok na nagkalat sa kanyang mukha. Hindi niya inaalis ang tingin kay Hayes na nasa likod ko.

"Is he my daddy?" she asked while intently looking at Hayes.

"Haisley-" she didn't let me finish my words and walked towards him.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon