Chapter 36

3.4K 74 6
                                    


Chapter 36

Nagsimula ang photoshoot ko kinabukasan. Halos lahat ng designs nila ay aking sinuot. Simula umaga pa lang ay nag aayos na ako dahil sobrang daming kailangan gawin. Kailangan ay mag mukha talaga akong isang bride.

Parang ang labas kasi nito ay isa pre-nup. Ayun nga lang ay bride part lang walang groom. Nakakapagod pero nakaka enjoy naman dahil gusto ko ang aking ginagawa. Ang ganda din talaga ng mga designs nila, nakakataka tuloy kung bakit ang underrated. Wala ring tao dito bukod sa amin, baka nirentahan ng isang lalaki diyang ang buong villa. At hindi nawala sa akin ang pagkailang dahil nandito si Hayes. Buong araw lang niya akong pinapanood which is bago para sa akin. Ito ang unang pagkakataon na mapapanood niya ako sa shoot ko.

Kanina pa rin niya ako hindi nilulubayan. Pati sa pagsabay sa pagkain ay kailangan sumabay pa siya sa akin. Hindi ko na pinansin pa dahil baka gusto lang din niyang may kasabay, at kami iyon. Pero kahit na, siya yung boss namin dito eh.

Ngayon ay nasa huling gown na ako. Nandito kami sa may kama kung saan masasaksihan ang sunset. Nang matapos ay tinignan ko lahat ng kuha ko at magaganda iyon lahat. Pinasalamatan ko silang lahat, dahil gaya ko ay pagod din sila sa buong mag hapon.

"Sige una na muna kayo sa kwarto ko. Magpapahinga lang ako dito." sambit ko kina Carl.

Tumango naman sila at iniwan ako doon. Sa kwarto ko nalang kasi kami nagayos ng lahat. Sabi ko ay ayos na doon lang. Naka gown pa rin ako at kasalukuyan na nakaupo sa kama. Inikot ko ang aking paa dahil medyo ngalay iyon. Halos buong shoot naman kasi ay nakatayo ako.

"Let me massage it." biglang sumulpot si Hayes sa harapan ko. Lumuhod siya at inabot ang aking paa.

Hindi na ako nakaangal pa nang nagsimula na siyang mag masahe. Marahan niya lang iyon na iniikot at kung minsan pa ay pinipisil. Ayoko nang sabihin sakanya pero ang sarap niyang mag masahe. Hinayaan ko nalang siya na gawin iyon dahil wala na rin naman akong lakas para makipag talo pa. Masahe lang naman, hindi na big deal.

"Feel better now?" tanong niya at inangat sa akin ang tingin.

"Uh.. yeah. Thanks." sambit ko.

Tinanggal ko na ang paa ko sa pagkakahawak niya at tumayo na ako. Tumayo na rin naman siya.

"Bihis na ako." paalam ko at iniwan na siya.

Pagkatapos kong magbihis at maligo ay saglit akong nagpahinga, ganoon din sila. Sa oras ng pagkain ay naging mabilis lang dahil gustong gusto na rin talaga namin na matulog. Bukas kasi ng hapon ay uuwi na ulit kami, kaya mayroon nalang kaming umaga bukas para gawin nang malaya ang gusto namin.

Sila Carl ay nasa sarili na nilang kwarto at ako naman ay naisipan ko munang mag pahangin dito sa labas. Umupo ako sa buhanginan. Pinagmasdan ko ang madilim na dagat, pinakinggan ang bawat hampas ng alon at dinadama ang lamig ng hangin. Nakakamiss ang Pilipinas, lalo na ang mga beach na ganito. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nasa sarili mo kang bansa, ang payapa.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Kahit hindi ko naman lingunin ay kilala ko na kung sino. Kailan niya kaya ako titigilan at lalayuan? O kailangan ba na ako ulit yung lumayo?

"Aren't you going to sleep yet?" he asked.

"Nagpapahangin lang." sagot ko.

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko na siya pinaalis pa dahil wala din naman na mangyayari. At hindi lang naman ako ang may karapatan na maupo dito. Tumingin ako sa kalangitan na puno ng mga bituin at ang maliwanag na buwan. Kahit saan ata ako lumingon ay may nag papaalala sa akin tungkol sakanya.

Moon.

Stars.

"And for me you are my own kind of moon, baby."

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now