Chapter 5

2.8K 74 9
                                    


Chapter 5

"What? You want me to pretend?" gulat kong tanong. Bakit ba gustong-gusto nila na mag pretend ako?

"Alam kong hindi mo kaya." diresto niyang sabi.

Nahihiya akong tumango. "Yes, I don't want us to be more complicated. And you're his friend, why are you doing this?"

He sarcastically laughed. "Friend, my ass."

Nagtaka ako sa inasta niya. 

"Ask your husband, Bella." sambit niya nang makita ang pagtataka sa mukha ko.

"I don't know what's going on with you two. Pero hindi ko magagawa ang gusto mong mangyari, lalo na at hindi ko alam ang dahilan." paliwanag ko.

"Kapag sinabi ko sayo, mababago ba ang desisyon mo?" seryoso niyang tanong.

Tumingin ako sakanya ng matagal bago umiling. 

"Asawa ko pa rin siya, Liam."

Tumango siya at tumayo na sa sofa. "Right. And I pity you for being like that." Aniya sa seryosong tono.

"Pwede bang sabihin mo sakin kung saan nanggagaling lahat ng to?"

Nagkibit balikat siya sa akin. "Find the answers on your own." palaisipan niyang sagot sakin. 

"Anyway, merry christmas Bella." he said at dire-diretso ng umalis.

-----

Ang mga sumunod pa na araw ay nanatiling palaisipan sa akin iyon. Hindi na muling nagparamdam pa sa akin si Hayes. Sina Mom naman ay kinakamusta naman ako.

Papunta ako ngayon sa mall para mag shopping. Ngayon na lang ulit ako lalabas dahil nagmukmok lang ako sa penthouse. Ito nalang muna ang pagkakaabalahan ko ngayong araw. Gusto kong mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Liam. Gusto ko siyang makausap ulit pero di ko alam kung paano. Wala akong contact niya. At hindi ko din siya mahanap kahit saang social media accounts.

"I'm sorry." I apologized to the person I bumped into. "Gotcha!" when I found my phone inside my bag.

"Bea?"

Napaangat ako ng tingin. Sa dami-dami ng makakabanga ko pa. 

"Hayes' wife, right?" he asked.

I nodded. "Y-yes, uh William?" I am sure he's Hayes' friend.

Nakangiti siyang tumango. "Glad you remember me." he said and winked at me.

I slightly nodded and smiled. "Sorry nabangga kita, hinahanap ko kasi yung phone ko sa bag ko."

"Hindi kayo magkasama ni Hayes ngayon, so are you with your fam?"

Hindi agad ako nakasagot. He also knew? Alam siguro nilang magkakaibigan kung sino ang kasama ni Hayes ngayon.

"Yeah." pagsisinungaling ko.

"Nice to see you, una na ako." paalam niya na parang biglang nailang sakin.

"Okay, sorry ulit." sambit ko.

Aalis na sana siya nang may maalala ako. 

"William, if it's okay can I get Liam's number?" nahihiya kong tanong.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "I-I just wanted to tell him something. Pumunta kasi siya sa penthouse nung pasko hinahanap si Hayes may gusto atang sabihin uh-"

He laughed a bit. "Relax, Bea. I didn't say anything." Aniya. Nahalata siguro ang kaba sa akin. Ayoko lang na may isipin siyang iba.

"Y-yeah. Okay lang kung hindi mo na ibigay." sambit ko dahil ang awkward na.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ