Chapter 20

3.3K 73 21
                                    


R-18

Chapter 20

Kumain kami ng almusal at hindi ko maintindihan dito kay Hayes kung bakit naiirita sa presensya ng kapatid niya. Kanina pa kasi ito si Scarlett. Hindi pa rin makamove on sa pinost ni Hayes. Inaasar pa nga niya ang kapatid niya. Kilig na kilig pa rin daw siya sa amin at tinatanong kung totoong mahal na daw ba namin ang isa't isa.

Pansin ko pa ang pamumula ni Hayes sa bawat asar ni Scarlett dahil sa pinost nito sa instagram kaya mas lalo siyang inaasar nito.

Napapangiti nalang ako na umiiling sakanya dahil hindi rin ako sigurado. Basta masaya ako sa kung anong mayroon kami ngayon. At hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa ginawa ni Hayes.

"Bibigyan niyo na ba akong pamangkin?" biglaang tanong niya.

Sa pagkakataon na ito ay ako ang nahiya. Kahit kailan talaga itong si Scarlett.

"Scarlett!" saway ko sakanya.

"Pamangkin lang naman, Bea." sambit nito.

Pamangkin lang? Lang? Anong akala niya basta basta lang ang paggawa ng bata, huh? Para siyang nanghihingi ng isang bagay lang sa amin kung makapag salita ang babaeng ito. At paano naman gagawin iyon? Bakit ko naman iniisip ang paggawa?

Lumingon siya kay Hayes. "Kuya, I want a girl niece. Can you give me that?" she requested.

Aba, tignan mo ito nagawa pa talagang mag request. Ano ba ang naiisip nito? Hayes tsked and glared at her sister.

"Making a baby is not some kind of a joke, Scarlett." sambit nito.

"Hina mo naman. Baby girl lang eh."

"Mind your own business. And I respect Azalea, we're not gonna do it until she's ready." he seriously said.

Bigla akong namula. Ano ba bakit ba namin ito pinag uusapan? Nakakahiya na.

"Kuya, you're the sweetest. I'll get myself a boyfriend who's someone like you." Scarlett said.

Kung alam mo lang Scarlett. Kung alam mo lang ang mga nagawa niya, masasabi mo pa kaya iyan? Napailing nalang ako sa naisip. Nangyari na ang nangyari.

"Who's gonna get a boyfriend, Scarlett?" mariin niyang tanong sa kapatid.

Scarlett made a peace sign and smiled at her brother. "Huh? I don't know. Sino daw Bea?" maang maangan niya at tumingin sa akin.

"Ikaw ata? Rinig ko sabi mo ikaw." natatawa kong sambit.

"Hindi ko sinabi iyon. Bingi ka lang." sambit niya at inirapan ako. Tinawanan ko nalang siya dahil sa inasta niya.

Hapon na nang makauwi si Scarlett sa araw na iyon. Pumunta lang daw talaga siya para kumpirmahin ang pinost ng Kiya niya sa instagram. Gusto daw niyang makichismis kung ano na daw talaga ang mayroon sa amin. Pero parang buong mag hapon ay inasar lang niya ang kanyang kapatid na asar na sar naman sakanya. Kulang nalang ay hindi na sila magkasundo, ang kulit kasi nito ni Scarlett eh.

Malapit na matapos ang semester namin. Ibig sabihin ay makakatapos na din ako ng isang taon sa kolehiyo. Siyempre hindi rin mawawala ang madaming kailangan na ipasa. Bawat prof ay mga pakulo bago kami pakawalan sa subject nila. Ang daming pinapagawa at mahirap pa dahil sabay sabay silang lahat.

Compared to what I have gone through last midterms, I am now focus in studying. Mas may gana na ako, mas may inspirasyon para mas magaral pa.

Kasabay ko na mag-aral sila Zoe at Levi. Group study talaga ang ginawa namin para maturuan namin ang isa't isa sa mga lessons na hindi namin maintindihan. Napagdesisyunan namin na sa bahay nila Levi mag-aral. Nagpaalam naman ako kay Hayes at pumayag siya. Muntik na ngang hindi eh.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon