Chapter 28

3K 69 12
                                    


Chapter 28

"What time is the end of your class?" he suddenly asked.

"Four." I coldly said.

After months of him being distant and almost not going home, he insisted to drive me to school. I don't want to talk to him so I let him. I want him to explain why he acted like that for months. I dont want to ask anymore because I'm scared of the answer.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at kanina pa siya hindi tinatapunan ng tingin. Bakit kung kausapin niya ako ay parang walang nangyari sa amin? Parang hindi niya ako iniwasan at hindi pinansin.

"I'll pick you up by four, then."

"Why?" I asked.

"It's been a long time since we've eat together." he said.

Yeah. Napansin niya pa pala iyon? Matagal na nga. Tumango ako.

"Ako nalang ang pupunta sa opisina mo." sabi ko.

"Susunduin-"

"Ako nalang, Hayes." mariin kong sabi at hindi na siya umangal pa doon.

"Do we have a problem?" he asked.

I should be the one asking that not the other way around!

"None." sambit ko, salungat sa kung anong ikinikilos ko.

Nang huminto ang kotse niya sa tapat ng school ko ay bumaba na ako kaagad at hindi nagpaalam sakanya. Naibagsak ko pa ang pintuan ng kotse niya.

Wala akong gana at sa mood sa buong mag hapon. Sabagay ilang buwan na naman akong ganito. Nag aalala na nga sila Zoe pero sinasabi kong ayos lang ako. Ayoko nga sanang siputin siya pero hindi ako ganoon. Makokonsensya pa ako kung gagawin ko iyon. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang dumiretso sa opisina niya pagkatapos ng aking klase.

"Oh, Bea! Ang tagal nating hindi nagkita." nakangiting sambit sa akin ni Ate Leny.

Tipid akong ngumiti pabalik. "Oo nga po eh. Nandiyan po si Hayes?" tanong niya.

"Nandiyan sa loob." sagot niya.

"Sige po, salamat." sabi ko. Papasok na sana ako sa loob ng opisina ni Hayes ng may maalala akong itanong kay Ate. For my peace of mind, at least.

"Ate Leny, these past few weeks, busy po ba kayo dito? Late na po kayo nakakauwi?" tanong ko.

"Busy pa din naman, hija. Pero pagpatak ng alas singko ay nauwi na din, pinakagabi na ang alas syete. Ang asawa mo ay laging unang umaalis sa akin iyan." sagot niya.

I caught off guard. He's going home early? So why is he going home late and having the same alibi of being busy in work? Bakit kailangan pa niya mag sinungaling? Sabagay, nagsimula naman lahat ng ito mula noong nag sinungaling siya kung bakit hindi siya nakauwi ng gabing iyon.

"May problema ba?" tanong ni Ate Leny.

Umiling ako. "Wala po, sige Ate salamat."

Pumasok ako sa loob at naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair niya habang maraming papel sa kanyang harap. Napaangat ang tingin niya sa akin.

"Azalea-"

"Finish all those papers then we'll go." I cut him off. Umupo na din ako sa sofa.

"You sure? Is it okay for you to wait?"

"Yeah."

Habang naghihintay ay nilibang ko ang sarili ko ngunit mas nanaig ang mga sinabi ni Ate sa akin. Paanong nauuna pang umuuwi si Hayes sakanya kung laging madaling araw na nadating si Hayes sa bahay? Saan siya nagpupunta? Para saan pa at nagsinungaling siya sa akin?

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now