Chapter 38

3.6K 85 17
                                    


Chapter 38

Pagdilat ng mga mata ko ay isang pamilyar na kisame ang sumalubong sa akin. Dahan dahan akong umupo at hinawakan ang ulo kong masakit pa. Napasobra ako sa inom. Pinagmasdan ko ang aking paligid at hindi ako pwedeng magkamali. Biglaang bumukas ang pintuan at niluwa ang isang lalaking hindi ko gustong makita.

"Bakit mo ako dinala dito?" agad na tanong ko.

Ayokong bumalik dito. Ayokong mas maalala pa ang lahat. Ayoko dito sa penthouse kung saan nangyari ang lahat. Kung saan nagsimula at natapos ang lahat. Lumapit siya sa akin at tumigil sa gilid ng kama. Nilapag niya ang dalang tray sa kama.

"Kumain ka at pagtapos mo ay uminom ka ng gamot." aniya, hindi pinansin ang tanong ko.

Napaisip ako na mas maiging hindi niya ako hinatid mismo sa condo ko dahil baka makita pa niya si Haisley sa pagkakataon na hindi dapat.

"Just tell me if you need anything. Mayroon kang damit sa banyo kung gusto mong maligo." he said.

I nodded. "I'll go after this."

Lumabas na siya at hinayaan akong kumain doon. Naligo na rin ako para naman maayos ang hitsura pagkauwi. Hindi ko na alam kung paano pa siya nakabili ng mga damit basta ang mahalaga may suot ako. Inayos ko ang aking sarili at kinuha ang mga gamit ko na nasa gilid ng lamesa.

This room. My room.

My phone suddenly rang. It's an unregistered number. Baka kung sino lamang na tungkol sa trabaho ko kaya sinagot ko naman agad.

"Hello?" sagot ko.

"Bea.." sabi sa kabilang linya. Natigilan ako sa nakilalang boses. Why is she calling me? Gaganti na ba siya sa akin o kailangan ng umuwi ni Hayes sakanya?

"Sorry, wrong number-"

"Bea, this is Dahlia. Uh.. can we talk?" she cut me off. Hindi ako sumagot. Ano naman ang pag uusapan namin?

"Wrong number-" gusto kong panindigan na wrong number lang siya.

"I have something to tell you."

Napapikit ako nang muling maalala ang payo sa akin ng aking psychologist. Okay, I need this. I need to face this. I need to face her.

"Okay."

Sinabi niya na i-text nalang daw niya sa akin kung saan kami magkikita at pumayag ako. Bumukas ang pintuan at lumapit sakanya. Inilahad ko ang aking palad.

"Can I borrow your car?" I asked.

Hindi kasi ako makakaalis dito kung hindi ko hihiramin ang kotse niya. Matatagalan naman ako kung magpapasundo pa ako. At lalo naman na hindi ako pwedeng mag commute.

His forehead creased. "Why? Uuwi ka na ba? Ihahatid-"

Umiling ako. "May pupuntahan pa ako. Pahiram nalang muna ng kotse mo." putol ko sakanya.

"Ihahatid-"

"Hindi na, Hayes. Kung ayaw mo ay mag commute-"

"Okay, fine."

Kinuha niya ang susi sa kanyang kwarto at binigay iyon sa akin.

"Ibabalik ko din mamaya." sabi ko.

"Okay, take care." he said, nag aalinlangan pa na payagan akong umalis na ako lang.

Umalis na ako at habang tinatahak ang daan patungo sa kung saan kami magkikita ay mas lalo akong kinakabahan.

A cemetery.

Nang makarating ako ay sobrang tagal ko pa bago bumaba. Tama ba ito? Handa ba akong makausap siya? Hihingi lang ako ng tawad sakanya dahil sa nagawa ko. Pero bakit dito pa? Gusto ba niyang mas makonsensya ako? Nang maipon ko na ang lakas ng loob ko ay bumaba ako at natanaw siya na nakaupo sa harap ng isang puntod. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya, hindi malaman kung sno ba ang dapat na maramdaman. Dapat ba ay galit ako sakanya? Hindi ko alam.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon