Chapter 4

2.6K 67 32
                                    


Chapter 4

"Lumabas ka pa." Iritado niyang sabi.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at makikita ang pagkabagot at pagkairita sa mukha niya. Hindi kasi ako makapili ng susuotin ko. Tsaka mabilis na ako natapos mga 1 hour lang naman ako nag-ayos kasama na pagligo ko don.

"Sorry." sabi ko at sumunod na sakanya palabas ng penthouse.

Isang sasakyan nalang ang dadalhin namin papunta sa restaurant. At yung kotse niya nalang para siya na din ang magdrive. Nang umandar na ang kotse ay marami akong gustong itanpng sakanya. Pero baka labag na yon sa rules? Kasi may gusto akong malaman.

"Say whatever it is, stop staring." iritado niyang sambit.

Huminga ako ng malalim. "P-paano kung magtanong sila sa kung anong plano natin sa holidays?" tanong ko.

Natahimik siya sa tanong ko. "I mean.. aalis ka diba? Sasabihin ba natin yon?"

"Of course not!" mabilis niyang pagtutol. "Ako na ang bahala."

Hindi nalang ako sumagot. Siya na daw ang bahala eh. Alam kong gagawa siya ng paraan para maging maganda ang palabas mamaya. Pagdating ay agad siyang bumaba ng kotse. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at nagulat nang bumukas ang pintuan ko.

This is part of it Bea. Umiwas ako ng tingin at agad na bumaba. Dumausdos ang kamay niya sa aking baywang. Halos mapatalon ako sa eletrisidad na dala non sa akin.

"Seriously? If you kept on reacting that way, they'll wonder." he whispered to my left ear.

"I'm sorry, j-just not used to it." I said.

Nakakainis kasi kahit simpleng paghawak lang niya sakin, iba na agad mag-react ang katawan ko. Sa simpleng pagkausap niya, ayos na sa akin. Nakakainis kasi alam kong hindi tama. I am breaking a rule.

Pagdating ay kami nalang pala ang kulang. We greeted each other, nung kasal pa kasi ang huli namin pagkikita kita. Pinaghila ako ni Hayes ng upuan at umupo naman siya sa tabi ko.

Kumain muna kami at tsaka nagsabi kung ano ang mga plano nila. Hindi ako kumportable kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot sa mga tanong.

"Hayes, we'll go to New York." her mom said. "Ito ang unang pagkakataon na hindi ka namin makakasama." malungkot na dagdag niya.

"Hon, kasama naman niya si Bea. At ganoon talaga ang buhay may asawa na." sabi naman ni papa.

"Yeah, I know."

"Same here, Evelyn. Simula ngayon masanay na tayo." sambit naman ni mom.

"Saan niyo ba balak magpasko, Hayes?" tanong ni dad.

Ginapangan ako ng kaba. Napatingin ako kay Hayes. Sinulyapan niya ako saglit bago tumingin kay dad. 

"We'll just stay at our penthouse lang po." kalmado niyang sagot.

Umiwas ako ng tingin sakanya at itinuon naag ang paningin sa dessert na nasa harapan ko. 

"Why? Kuya, pwede naman kayong mag-out of town din." Scarlett suggested.

"Maganda kung ang unang pasko namin ay sa Penthouse. It's our home." Hayes answered.

Nakita kong sabay-sabay silang napatango at sumang-ayon sa sagot niya. He's good with this. At lying and pretending.

"Do you want to come with us?" Bulong ni Kuya Zach sa tabi ko. Tumingin ako sakanya at nakangiting umiling. 

"I'm fine, Kuya. I'm with Hayes naman." I assured him para hindi na siya mag-alala. At alam kong may tiwala siya kay Hayes kasi mgkaibigan sila.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon