Chapter 3

2.7K 70 30
                                    


Chapter 3

Tanghali na ako nagising dahil sa pagod kagabi. It's Sunday and wala pa naman akong pasok kasi semestral break namin. Tinignan ko yung kwarto niya at sobrang ayos pa din gaya ng kagabi. Hindi talaga siya umuwi.

Tinignan ko yung fridge at ang daming stock. Good thing, marunong akong magluto. Tinuturuan kasi ako sa bahay at pati na rin ni Lola Elizabeth dati pa.

I decided to cook sinigang because it is my favorite. Mag tanghalian na rin naman. I prepared everything and after almost an hour ay luto na. Naligo muna ako para fresh na din at pagkatapos ay kumain na ng magisa. Medyo madami ang niluto ko dahil baka biglang umuwi si Hayes at kumain din.

Nang hapon ay dumating ang mga regalo na aming natanggap. Sila mommy na siguro ang nag-asikaso kagabi at pina-deliver nalang dito. Sinimulan kong buksan iyon isa-isa. Wala rin naman akong magawa kaya ito na ang pinagkaabalahan ko. Okay lang naman siguro kay Hayes na ako nalang ang magbukas ng mga ito.

Karamihan ay mga kagamitan sa bahay. Meron din akong nakitang regalo na lingerie, shocks. Hindi lang isa ang ibinigay kundi lima. Tapos nabuksan ko din ang mga regalo ng kaibigan ni Hayes na sana hindi ko nalang ginawa. Boxes of condoms. Napalunok ako at itinabi nalang iyon. Nang matapos na ako ay itinabi ko ang mga hindi pa gagamitin.

It's already past 6 at wala pa din si Hayes. Should I text him? No, Bea! He said not to intervene with his whereabouts. Pero nag-aalala ako. Right, I'll text.

To Hayes:
Are you going home tonight?

Habang naghihintay sa reply niya ay ininit ko yung sinigang. Madami pa naman yon. Naghain ako sa lamesa para sa aming dalawa kahit hindi ko sigurado kung uuwi ba siya. Nang makalipas ang dalawang oras ay kumain na rin ako dahil wala rin naman siyang reply.

I spent the rest of the night watching the netflix in our living room until I fell asleep. The sudden sound of the door wake me up.

"Hayes, you're too heavy." she said. Nakaakbay sakanya si Hayes at nakahawak naman siya sa baywang nito bilang suporta. Lumapit ako at tinulungan siyang maihiga ang lasing na si Hayes sa sofa.

"Kagabi pa siya umiinom hanggang kaninang umagang magising siya." she said.

Naiilang ako. Bakit alam niya. "Uh, thank you sa pag-uwi sakanya." sabi ko at ngumiti sakanya.

Ngumiti din siya sakin. "Ikaw na ang bahala sakanya." sabi niya at tumalikod na para umalis.

"Dahlia.." pagtawag ko. "D-do you know where he stayed last night?" I asked.

"At Noah's with the gang. They just called me to pick him up at hinatid ko nalang dito." paliwanag niya at tumango ako bago siya umalis.

"Hayes, kaya mo bang tumayo?" mahina kong tinapik ang mukha niya para magising.

"Hmm.." he groaned.

"Lilipat kita sa kwarto mo." pagpapaalam ko kahit hindi ko sigurado kung naiintindihan niya ako.

Sinubukan ko siyang itayo pero agad niya akong hinila kaya napaibabaw ako sakanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lapit ko sakanya. He is hugging me.

"Uh, Ha-"

"Dahlia.." he called and hugging me tighter.

I am Bea. Pinilit kong ilayo yung sarili ko sakanya pero mas lalo pa niya akong niyayakap. 

"C'mon, you need to-"

"Shh.." placing his index finger on my lips. "I just need you. Only you, Dahlia. You know that, right? We'll work things out again." he said.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now