Chapter 37

3.5K 69 7
                                    

Chapter 37

Habang pauwi galing Siargao ay hindi ko na muli pang kinausap o tinapunan ng tingin si Hayes. Ramdam naman niya ang gusto kong mangyari kaya hindi na din siya tumabi pa sa akin sa eroplano at hindi na din ako kinausap pa. Pero ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. HIndi ko inaasahan na magagawa ko pang umiyak nang ganoon sa harap niya at hayaan siyang yakapin lang ako sa kabila ng pagpupumilit ko sa annulment. Naiinis ako dahil ginulo niya ang isip at desisyon ko.

Sunod-sunod ang shoots ko. Mas pabor ako sa ganito ako ka-busy para hindi ko masyadong naiisip si Hayes, ang annulment at ang nararamdaman ko. I am making my work as my escape to my awful reality. Pero sadyang hindi nga talaga titigil si Hayes. Sa tuwing may photo shoot ako ay lagi siyang nagpapdala ng pagkain sa studio, hindi lang para sa akin kung hindi para sa buong team. Minsan ay siya pa mismo ang nagdadala ng mga iyon.

Hindi ko alam kung paano niya nalalaman ang lahat ng shedule ko dahil bawat trabaho ko ay wala siyang palya sa pagpapadala ng pagkain o pagpunta. Pati sa kung nasaang lugar ako ay alam niya. Para bang binigyan siya ng isang buong kopya ng schedule ng trabaho ko. Mabuti nalang at puro sa studio ang shoot ko, walang ibang taong nanonood kung hindi ang team lang. Kaya hindi naman na lumalabas ang issue kung anong mga ginagawa ni Hayes.

Hindi ko siya kinakausap dahil busy ako. At kahit naman hindi ako busy ay hindi ko siya kakausapin. Nagpapasalamat lang ako kapag siya mismo ang nag-aabot sa akin ng pagkain ko. Nagagawa pa niya kung minsan na mag stay sa studio hanggang sa kung anong oras akong makauwi. Wala naman siyang ginagawa kung hindi ang tignan lang ako hanggang sa makasakay ako sa kotse at makaalis. Nakikita kong umaalis na din naman siya kapag umandar na ang sinasakyan ko. Natutuwa naman ako sa effort niya pero hindi ko pinapakita at sinasabi.

Hindi ko pa muling kinakausap si Atty. dahil nagiisip isip pa ako. Hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Haisley. Sa araw-araw kasi na uuwi ako ay lagi niya akong tinatanong kung nakausap ko na daw ba niya ang daddy niya o kung kailan daw sila magkikita. Wala akong masabi sakanya kung hindi 'busy pa si mommy or busy pa ang daddy niya sa trabaho'. Naiyak pa nga siya minsan dahil ang tagal daw at hindi na daw siya makapag hintay. At ang tanging nagagwa ko lang sa mga oras na iyon ay ang amuhin siya at patahanin sa pag-iyak kasi wala akong ibang maisip na pwedeng gawin. Kaya lalo akong naguluhan. Lalo akong nagkakaroon nang dahilan para umatras. Dahil kay Haisley.

"Bea, nag text sa akin si Kuya Robert. Nasiraan daw ang sasakyan pabalik dito." nag-aalalang sambit ni Carl.

Nauna ng umuwi ang glam team. Iba naman kasi ang inuuwian nila. Si Carl ay sa akin nasabay dahil PA ko siya at sa akin siya nauwi.

"Hindi daw ba kayang gawin agad?" tanong ko.

Umiling siya. "Gabi na kasi at sarado na din ang mga pagawaan. At madilim na din sa daan hindi na niya magagawa pa." sagot niya.

Tumango tango ako. Medyo may katandaan na din naman si Kuya Robert at mahirap na kung ngayon ko pa sakanya ipapagawa ang kotse. At sarado na nga rin naman ang mga talyer. Shocks, bakit ngayon pa ito nangyari? Pagod na pagod na ako. Gusto ko nalang mahiga ako at magpahinga sa kama ko.

"Grab nalang tayo." suhestiyon ko dahil iyon lang naman ang tanging pwede namin na sakyan.

"Mag book na ako." sabi niya kaya tumango nalang ako.

Umupo nalang muna ako habang naghihintay kami. Si Carl naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko. Isa-isa na rin nagsisiuwian ang mga nandito. Ilang minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ang grab. Sabi kasi ni Carl, ang na-book niyang grab ay malayo pa sa location namin. Kumbaga iyon na ang pinakamalapit sa amin.

"What's the problem?" isang tinig ang aking narinig na nagmula sa likod ko.

"Uh.. ano po kasi.." tumingin sa akin si Carl at hindi matuloy ang sasabihin.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now