Chapter 31

3.4K 70 26
                                    

Chapter 31

I became busy with my studies and taking care of our annulment at the same time. Sinusubukan kong bawiin ang mga bagsak ko. Hindi ko alam kung kaya pang pumasa ako. Tinutulungan pa din naman ako ni Zoe at Levi. Lagi nalang silang nandiyan para sa akin at nakaka guilty kasi hanggang ngayon tinatago ko pa rin sakanila ang mga nangyari. At hindi ko na rin naman sila nabibigyan pa ng oras. Babawi ako pagtapos ng lahat ng ito.

Si Hazel ay hindi nagustuhan ang desisyon ko dahil pinipilit pa rin niya na i-demanda ko ang dalawa pero wala na siyang magagawa. Sinusuportahan nalang niya ako sa lahat ng ito. Si Scarlett naman ay hindi ko na nakakusap pa,  bagama't ang isang iyon ay wala pa rin kaalam-alam. Ayokong sa akin manggaling. Mas mabuti kung si Hayes na ang magsasabi sakanyang pamilya. At si Kuya Zach naman ay galit na galit. Sinabi ko na sakanya ang tungkol sa annulment at ang dahilan nito. 

"Kuya, will you calm down?" I said after saying everything to him.

"No, I will kill that fucking asshole." galit niyang sambit.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Mom at sa kwarto ko dati. Dito ko nalang pinili na kausapin siya. Tumayo siya at lalabas na sana ng kwarto ko pero pinigilan ko siya.

"Kuya please, I just want to end this. Help me  with the annulment." pakiusap ko pa.

"Just let me give him a lesson, Bea. I can't sit still after hearing what he did for hurting you."

Hinawakan ko siya sa braso at hinila ulit paupo. "Nag-usap na kami at ayos na. Annulment nalang." mahinahon kong sabi.

"Are you really going to give him that, huh? He should be put behind bars together with his whore!" sigaw niya.

Huminga ako nang malalim. Nag iisip ako ng paraan para kumalma si Kuya. Tama bang sinabi ko pa sakanya ito? Mukhang ayaw din niyang palagpasin ang ginawa ni Hayes sa akin. Pero nasa akin pa rin ang desisyon, ang hinihingi ko langa ya ng tulong niya. Baka may kilala siyang abogado or kahit ano na pwedeng makatulong. Nataranta ako sa sunod niyang sinabi.

"Then I have no other choice but to say this to our parents." seryoso niyang sambit.

"Kuya no, please. Sasabihin ko din sakanila kapag maayos na ang lahat. Kuya tulungan mo lang ako, please naman." naiiyak ko ng sabi.

He deeply sighed. "Will you be happy after this?" he asked.

Tinignan ko siya at tumango bilang sagot. Kailangan kong maging masaya, hiwalay man o hindi, kasama man siya o hindi.

"Okay, I'll help you."

Iyon ang naging pag-uusap namin. Tinulungan na nga niya akong mag asikasoa ng annulment ko. Hindi pa rin humuhupa yung galit niya at gustong gusto sugurin si Hayes pero napipigilan ko. Ang sabi ko ay gawin nalang niya ito para sa akin, para sa ikakatahimik ng buhay ko.

Sa mga araw na busy ako ay nararamdaman ko ang pagod ng katawan ko. Nagsasama pa rin kami ni Hayes, sinusulit ang mga araw na magkasama pa kami. Hindi na ako nagpapahatid pa sakanya sa school at sundo. Inuunti unti ko nang tanggalin siya sa sistema ko. Yung mga nakasanayan ko ang inuunti unti ko ulit na hindi makasanayan. Para hindi biglaan.

Mabilis akong mapagod at mabilis sumama ang katawan ko. Hindi ko na binibigyan pa ng pansin iyon dahil ang dami kong kailangan habulin sa school. Hindi ko pwedeng indahin ang sakit ko. Wala akong oras para intindihin pa ang sakit.

"Why did you follow me here, Dahlia?"

"I want to be with you and I am so bored na. At tsaka bilin ng doctor na mas nakakabuti kung may kasama ako lagi." she said.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now