Chapter 35

3.6K 68 6
                                    


Chapter 35

Hindi ko na masyadong naasikaso pa ang annulment dahil biglaan ang daming offer sa akin dito sa Pilipinas. My manager and so as my glam team are still on a vacation. Pare-parehas kasi namin napagdesisyunan na magbakasyon kami bago ako umuwi dito sa Pilipinas. Katulad ni Carl ay mga Pilipino din silang lahat at naunang umuwi sa akin dito sa Pilipinas.

Mas gusto kong makatrabaho ang mga kababayan ko sa ibang bansa at madali lamang na pakisamahan. Mabuti nga at nakilala ko sila lahat kung hindi baka mas humirap ang buhay ko doon.

"Bea, I'll fix your schedule. At i-send ko sayo yung mga nag offer ng endorsements." sambit ni Miss Emma.

She's my manager. Well, hindi lang naman ako yung hinahandle niya. Marami din iyan sa ibang bansa at dito kaya sobrang busy niyan at hirap sa trabaho pero sobrang galing mag manage. Alam niya kung ano ang mga dapat at hindi dapat na kunin kong offer. Hindi naman kasi lahat matatanggap ko. May mga pagkakataon talaga na natatanggihan ko sila. Kailangan.

"Yes po, thank you." I answered.

"Mabuti nalang at hindi din nagtagal ang issue mo. Pero ang gwapo talaga ng asawa mo." aniya.

Napangiwi ako. "Miss Emma.."

Tumawa siya sa kabilang linya. "Alright. Next week, okay?" paalala niya.

"Copy."

"Doon nalang tayo magkita. Kasabay mo na naman ang glam team and Carl, right?" she asked.

I nodded. "Opo. May tanong po pala ako."

"Ano iyon?"

"Bakit daw po sa S-Siargao yung shoot? I mean, I will just have a wedding gown photoshoot. Pwede naman sa studio nalang sa Australia, pinauwi pa talaga ako dito sa Pilipinas?"

"Hindi ko din alam eh. Mas maganda raw kasi kung dito sa Pilipinas since it's a local brand. And it's perfect to shoot with nature." she explained.

Tumango tango nalang ako at natapos na ang usapan namin. Sa dami ba naman kasi ng lugar bakit doon pa? Kung sana ay hindi ko agad ito napirmahan, hindi ko naman kailangan na umuwi pa dito sa Pilipinas.

Sa linggong iyon ay inasikaso ko ang mga offers at ang pag lipat namin ni Haisley ng condo. Isang araw bago ako pumuntang Siargao ay nag impake na ako. Three days and two nights lang naman ako doon. Si Carl ay nandito na rin sa condo ko dahil personal assistant ko siya at ang glam team ay kikitain ko nalang sa airport bukas.

Ang araw ng pag-alis ko papuntang Siargao ay pahirapan pa. Si Haisley at Manang ay pinasundo ko sa driver nila Mom para doon muna sila sa mansion hangga't wala pa ako. Umiyak pa si Haisley kasi aalis ako at ilang araw na mawawala.

"Baby, Mommy will be back naman." sabi ko habang pinapatahan siya sa pag iyak.

"I want to go with you." iyak niya.

"Ganito nalang, sabihin mo kung anong gusto mong pasalubong then Mommy will buy it for you." sambit ko, sana ay kagatin na niya ito. Mahuhuli na ako sa flight ko.

Pinunasan niya ang luha niya. "Talaga po? Kahit ano?" nahikbi pa rin niyang tanong.

I hate it when she's like this. Gusto ko siyang isama pero hindi pwede dahil trabaho yung pupuntahan ko hindi galaan. Kung isasama ko naman siya ay masasanay siya. At baka marami pang makakita sakanya. I'm hiding her from this world I am in. Hindi dahil ikinahihiya ko siya, kung hindi gusto ko nang tahimik na buhay para sakanya. At baka malaman din ni Hayes, mabilis pa naman kumalat ang balita. Kaya nga pag nalabas ako noon sa Australia kasama siya ay todo ang pag disguise ko para hindi ako makilala. At hindi naman ako masyadong nagpupunta sa mataong lugar. Nagkataon lang talaga noong araw na nakasalubong ko si Tita at nakilala ako.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now