Chapter 15

3K 59 10
                                    


Chapter 15

Simula kanina ay kinukulit na ako nila Zoe na sumama sakanila sa bar bukas. It's for us to unwind after a hell week. Pero tumanggi ako dahil nga bawal. Nine in the evening ang curfew ko kaya hindi talaga pwede.

Hindi ko rin naman alam kung paano mag paalam kay Hayes. Naabutan ko na naman siya dito pero minsan lang dahil naging busy ako. Medyo ayos na naman ako ngunit may kaunting takot pa rin sa kanya na baka gawin niya ulit. Pero sa pag kakakilala ko naman sakanya ay hindi niya na kayang gawin ulit, nabigla lang talaga siya noong gabing iyon.

Kung magpang abot man kami ay kaswal lang kaming nag-uusap. Na parang wala talagang nangyari. Medyo naiwas pa din naman ako pero mas lamang siya. Parang sinasadya niya na hindi umuwi ng bahay para umiwas nalang din. Parang siya nalang yung nag-adjust. Pero nakakainis kasi lamang pa rin sa akin ang pag-aalala para sakanya.

Nag text naman ako sakanya kapag may mga biglaang lakad. Sa tingin ko kasi ay kailangan ko pa din magsabi o mag paalam sakanya.

"Zoe, kayo nalang." this time it's a face time, dahil siguro nainis na sa chat.

She made a face. "Bea, dali na. We don't have any school works na naman."

"Maybe next time, Zoe." I said and smiled at her.

Lalo siyang sumimangot sa akin. "What's your problem ba? You kept on declining my invites these past few months."

She's right. Nasama naman kasi ako noong hindi pa ako kasal kay Hayes dahil pinapayagan ako nila Mom.

I shook my head. "Nothing. I-I just want to rest and an alone time, Zoe."

She rolled her eyes. ""Or your husband might not allow you to go with us?"

Natigilan ako pero ngumiti pa din ako ng tipid. "I respect his decision too, Zoe."

"He's controlling you, Bea!"

"Zoe-"

"Don't tell me the same lines, Bea. I'm not dumb to not even noticed."

Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim. "I'll go next time. Gusto ko lang talaga mag pahinga ngayon."

"As what I expected, Bea. Lagi naman." may halong pag tatampo sa kanyang boses.

"I'm sorry." I sincerely said.

Ngayon naman ay siya na ang umiwas ng tingin at tumango. "Bababa ko na."

"Sige. Sorry talaga, Zoe." sambit ko at binaba na niya.

Nag chat pa ako nang sorry ulit pero nag react lang siya ng like. Huminga ako ng malalim at nalungkot. Gusto ko naman kasi talagang sumama kaso natatakot ako. Baka maulit yung dati at hindi rin naman ako papayagan kapag nag paalam ako.

Tumayo na ako at huhugasan na sana ang baso nang makita ko si Hayes. Naka corporate attire pa din siya. Kanina pa ba siya? Bakit hindi ko man lang naramdaman o kahit narinig man lang ang pag sara at pagbukas ng pinto?

"K-kanina ka pa?" I nervously asked.

Ang kamay niya ay nasa mag kabilang bulsa ng slacks. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at mahahalata mo na puyat siya. Saan naman kaya siya napuyat?

"Few minutes ago." he answered.

Napalunok ako at tumango.

"M-mayroon pang ulam at kanin baka gusto mong kumain. Palagay nalang sa ref pag katapos mo." tinuro ko pa ang ulam at nag lakad na.

Hindi pa man ako nakakalayo ay nag salita na siya.

"You can go with your friends."

Agad akong napaharap sakanya. Ngunit nakatalikod siya sakin at naghain para makakain. Umupo na siya at nag simulang lagyan ng kanin at ulam ang plato.

Chaotic Marriage (CEO Series #1)Where stories live. Discover now