The Thief

1.2K 141 16
                                    

CHAPTER THREE

SUMMER OF 1995

Nagising si Olivia sa malamyos na tunog ng wind chimes. Kagaya noong unang beses nyang narinig, naghatid ito ng kapayapaan sa puso at isipan nya. Napamulat sya ng mga mata. Ang mga puno ng chico ang sumalubong sa kanyang paningin.

Ang mala-anghel na mukha ng babae ang sumagi sa isipan nya; ang misteryoso nitong ngiti at ang makapal na kakahuyang tinahak nya bago nya marating ang napakagandang lugar na iyon.

Totoo ba ang lahat ng nangyari? She was back on her comfy chair at the back of her grandmother’s brick house. She remembered fainting on the beautiful woman’s arms. She did her best to stay conscious but knowing she would be alright, she succumbed herself to sleep.

“Olivia,” tawag sa kanya ni Ate Aika, ang isa sa mga kasam-bahay ng Lola nya. Lumabas ito mula sa pinto at lumapit sa kanya. “Nakatulog ka yata.” Nakangiting yumuko ito para pulutin sa sahig ang librong binabasa nya kanina.

Bago sundan ni Olivia ang puting aso, iniwan nya ang Wizard of Oz sa upuan. The watermelon tree crossed her mind. She shook her head. Baka panaginip lamang ang lahat. Marahil nakatulog sya at nabitawan ang libro.

“Hinahanap ka ng Lola mo. Kumain ka na raw ng miryenda. Gumawa sya ng paborito mong cake,” muling sabi ni Ate Aika. “Ayos ka lang ba?” Napalitan ng pag-aalala ang tono nito nang hindi kumibo si Olivia at mabilis nitong dinama ang noo nya.

“I’m okay,” Olivia assured Ate Aika and gave her a quick smile.

Dismayadong pumasok sa bahay si Olivia. Kahit masarap ang Strawberry Shortcake ng Lola nya, matamlay pa rin syang kumain.

“Ang lalim yata ng iniisip mo, iha,” her Lola said. Nang tumingin si Olivia rito, may amusement sa mga mata nito. Magkaharap silang kumakain sa wooden dining table na nasa kusina. “Hindi ba masarap ang siesta mo?”

How could she tell her Lola without being weird? The last thing she wanted to do was make her grandmother think she’s going crazy. “I had a strange dream.” 

“Tell me about your strange dream,” her grandmother urged as she drank from her glass of cold lemonade.

Ikinuwento nya ang lahat sa Lola Esmeralda nya. Tahimik lamang itong nakinig hanggang sa natawa ito nang banggitin nya ang watermelon tree at ang mala-anghel na babae sa panaginip.

“I know, it’s really an odd dream, Lola,” Olivia said shyly. Medyo napahiya sya sa sarili para isiping totoong nangyari ang mga iyon. “Pero ang ganda po ng lugar na iyon. Parang paraiso.” And she wanted to go back, only if the place really existed. Knowing it was just a dream, she was disappointed again. “What’s more strange about it was,” she hesitated and looked at her Lola, who looked back with encouragement on her face, “it felt real.” She sounded ridiculous.

“Maybe it is real,” Lola Esmeralda said and winked at her.

Olivia was relieved. She knew she could count on her Lola. Hindi sya nito huhusgahan sa mga sinasabi nya. Kung Lolo nya ang nakarinig ng kwento nya, paniguradong iisipin nitong nababaliw na sya.

Pilit na iwinaksi ni Olivia ang panaginip na iyon. Baka nadala lamang sya sa binabasang libro. Hindi naman sya si Dorothy para mapadpad sa Oz. Maybe her Lolo was right, she shouldn’t be wasting her time reading unrealistic stuff.

Her Lola Esmeralda loved giving her and Pris children’s books. Hindi magawang kontrahin ito ng Lolo nya. “Hayaan mo silang namnamin ang pagkabata, Rodolfo,” her grandmother said sternly when Olivia’s Lolo showed disapproval.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now