Mirror

768 116 21
                                    

CHAPTER ELEVEN

SUMMER OF 1995

Tiwala si Olivia na tutuparin ni Ate Umi ang pangako nitong hinding- hindi mawawala ang mga ala-ala nya tungkol dito, kaya naman mahimbing pa rin syang nakatulog nang ihatid sya nito sa bahay.

Ngunit hindi mapigilang mainis ni Olivia nang ipasundo sya ng Mommy at Daddy nya kinabukasan para magcelebrate ng birthday nya sa Ilocos. Ginising sya ng maaga ng Lola nya dahil dumating ang driver at kotse ng Daddy nya para sunduin silang maglola.

“Hindi po ba pwedeng sila na lang ang pumunta rito?” Halos maiyak na sabi ni Olivia kay Lola Esmeralda, na noo’y ine-impake ang mga gamit nya.

“Gusto ng mga magulang mo na makita mo rin ang Ilocos,” paliwanag ni Lola Esmeralda. “Nami-miss ka na rin ng kapatid mo. Mas makakapaglaro ka na kasama nila ngayong mas masigla ka na.”

“But I don’t want to play with them, Lola.” Olivia wanted to say but she kept her mouth shut. Ayaw nyang madismaya sa kanya ang Lola.

Pris’s friends were nice to her but she wasn’t close to them. Lagi syang niyayaya ng mga itong makipaglaro pero lagi syang tumatanggi. Napapahiya sya sa sarili sa tuwing hihingalin sya kapag napagod.

“Alam kong ayaw mong umalis dahil sa kaibigan mo.” Lola Esmeralda gently stroked her face. “Naiintindihan kita. Ngunit gusto ka ring makasama ng pamilya mo. Pwede naman tayong bumalik dito. Your friend will always be here.”

“I hope so,” Olivia said softly. Pakiramdam nya hindi na nya ulit makikita si Ate Umi kapag umalis sya. “Can I see her before we go?” She’d been running her fingers on her woven bracelet.

When Lola Esmeralda permitted her, Olivia took off to see Umi. She ran fast until she reached the vineyard and saw Umi picking grapes. Alam nitong nariyan sya ngunit patuloy lang ito sa pagpitas ng mga ubas. Pinagmasdan lamang ito ni Olivia.

“Magkikita pa rin tayo, Olivia.” Nasa mga ubas pa rin ang atensyon nito. “I’ll see you on your birthday.”

Isang linggo pa ang hihintayin nya pero hindi na pumalag pa si Olivia. Sapat na sa kanya ang mga salita nito para mapawi ang pangamba nya.

“Mami…mami-miss kita, Ate,” mahina at nahihiyang sambit ni Olivia.

Ngumiting tumingin sa kanya si Ate Umi. “Spend time with your family and friends.” Olivia nodded in understanding. “I’ll always be with you.” Umi reached for Olivia’s bracelet and touched one of its crystals. The wind inside swirled.

Kahit mabigat ang kalooban, sumama sila ng Lola nya sa Ilocos. Nang madaanan ang kulay bughaw na dagat malapit sa kalsada, sumigla ang pakiramdam ni Olivia. Napakaganda ng mga tanawin. Hindi nakakapagtaka kung bakit nagustuhan ng pamilya nya ang probinsya ng mga Ricamora.

Matagal ng kaibigan ng Daddy ni Olivia ang pamilya ng mga Monteciello kaya naging bestfriends sina Pris at Jessica. Dumagdag bilang family friend nila ang mga Ricamora nang magkakilala ang mga Mommies nila noong ipinatawag sa Principal’s Office ang kapatid nya at dalawa nitong kaibigan. Inimbita ang lahat ng mga Ricamora na magbakasyon sa Ilocos at mukhang nawili ang mga ito dahil tatapusin nila ang summer vacation doon.

The Ricamora’s old Spanish style residence had a view of a turquoise blue beach with coconut trees aligned near the shoreline. Olivia’s body yearned to go swimming the moment she laid eyes on the stunning view.

Because she had asthma, she was recommended to take swimming lessons and she was a natural. Her annoyance for being dragged from her Lola’s farm slowly dissipated, especially when her sister ran up to her and hugged her excitedly.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now