Babe

653 78 27
                                    

CHAPTER THIRTYTHREE

SUMMER OF 2005

Olivia waited for her body to hit the ground after the Minokawa dropped her suddenly while still on flight. She would hit the tall tree full of watermelons. If she could hold on to one of its branches she might survive.

Napabalikwas ng bangon si Olivia. Habol ang hiningang tinignan nya ang sarili. Kinurot nya ang pisngi. Nakumbinsi syang buhay pa nang masaktan sa ginawa.

Nakasuot na sya ng puting pajama. Nasa isang malaki at malambot syang kama na puro puti rin ang kumot at kunan. Presko ang malaking kwartong yari sa kahoy kahit walang air con. Natural na pumapasok sa loob ang hanging galing sa labas ng floor to ceiling na bintana. Nasa isang sulok ng kwarto ang wooden desk na may lamp shade at ilang libro sa ibabaw habang nasa tabi niyon ang isang geometric tree bookshelf, na punong- puno ng libro.

Makintab ang random patterned floor ng kwarto. May sariling sala set na malapit sa bintana at may bar din sa loob. Kita mula roon ang ilang makukulay na bote ng inumin. Hindi nga lang malaman ni Olivia kung alak ang laman ng mga iyon dahil hindi sya pamilyar sa design at pangalan na nakalagay sa mga bote.

Nakahawi ang manipis at puting kurtina kaya kita mula roon ang kulay berdeng burol na may iba’t- ibang kulay na mga bulaklak.

“Nasaan ako?” Mabilis na tumayo si Olivia at binagtas ang daan patungo sa balkonahe ng kwarto.

Mas namangha sya sa kagandahan ng lugar. Tinatawag sya nang malinis na batis sa may kanang bahagi ng lupain. Tila walang hangganan naman ang luntiang mga burol.

Parang kumakaway sa kanya ang makukulay na bulaklak sa ibaba. Huminga sya nang malalim at sinamyo ang sariwang hangin habang nakahawak sa handrail ng balkonahe.

“Nagustuhan mo ba?” Nagulat sya nang may magsalita mula sa kaliwa nya.

Napangiti si Olivia. “Ang ganda rito.” Pero mas maganda ang babaing nakatayo sa dulo ng balcony at mala-anghel sa puti nitong pants at sleeveless blouse habang hinahangin- hangin ang nakalugay nitong buhok. “Nasaan ako? What is this place?”

“It’s my home.” Medyo maputla pa rin si Erin.

Dahan- dahang lumapit dito si Olivia. Hinaplos nya ang pisngi nito.

“I’m glad you are safe,” Olivia whispered. Hindi na nya pinigilan ang sariling yumakap dito. She inhaled her watermelon scent. Her body shivered when Erin hugged her back and placed a gentle kiss on her forehead.

“Akala ko hindi ka na magigising…” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Erin habang ito naman ang humawak sa magkabilang pisngi nya.

Olivia frowned. “How long was I out?”

“Five days.”

“What?!” Pakiramdam nya’y isang araw lang ang lumipas. “Paano sina Ma’am Kathy? Baka hinahanap na ako.” Kung nakarating ito sa Lola nya, tiyak na may search and rescue nang nagaganap.

“Boris already took care of that. Ma’am Kathy thinks you are back home because of an emergency. Wala kang dapat isipin kundi ang magpagaling para makauwi ka na.” Binitawan sya nito saka tumingin sa malayo. “Ayoko nang maulit ang nangyari, Olivia.”

There was something on Erin’s tone that bothered her. “Sino ang babaing iyon?” Hindi ito sumagot. “She almost killed me. I deserve to know the truth.”

“Hindi ko hahayaang saktan ka pa nya. Ipinapangako kong hindi ka na nya guguluhin.” Napakalungkot ng boses nito.

Nag-init ang mga mata ni Olivia. Nagbabadya ang mga luha nya. “Bakit hindi mo sagutin ang tanong ko? Sino ba ang babaing iyon?” Nanatiling tahimik si Erin. Ni hindi sya nito nililingon. “You intend to sever ties with me. You intend to erase my memories. Tell me I’m wrong.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now