Hope

582 76 26
                                    

CHAPTER THIRTYTWO

SUMMER OF 2005

Olivia had been running in the dark woods for some time. She needed to escape. She couldn’t stop, or whoever was going after her would devour her.

Sino nga ba ang humahabol sa kanya? O dapat bang mas tamang itanong kung ano ang tumutugis sa kanya? Aswang ba? Mga Kontaminados kaya?

Madilim. Malamig. Tanging ang yabag at hininga nya ang naririnig sa kakahuyang iyon. Matatayog at makakapal ang mga punong nadadaanan nya. Kahit munting bituin sa langit hindi magawang makasilip para gabayan sya.

Binilisan nya ang pagtakbo nang marinig ang ungol ng mabangis na nilalang na kanina pa sumusunod sa kanya. Batid nyang katapusan na nya kapag naabutan sya.

Kailangan nyang makarating sa lugar na iyon para sa kanyang kaligtasan. Pero saan nga ba sya patungo? Wala syang ideya kung saan. Ang alam lang nya’y, naghihintay sa kanya si Erin.

Napatigil sya. Habol nya ang hininga. Paano kung mapahamak si Erin kapag doon sya nagtungo? Paano kung saktan din ito ng humahabol sa kanya?

“Mamamatay si Eirene dahil sayo.” Isang pamilyar na boses ang nagsalita. Biglang lumitaw sa tabi nya ang magandang babaing may berdeng mata. Kumikinang ang tiara nitong gawa sa tila nagyelong patak ng tubig.
“Lumayo ka sa kanya kung ayaw mong madamay sya.”

“Sino ka ba?!” Ngunit naglaho ito.

Palakas nang palakas ang mga yabag ng tumutugis sa kanya. Kailangan nyang magmadali. Kailangan nyang linlangin ang kalaban.

Paano nya gagawin iyon kung hindi nya alam kung saan sya patungo?

“Karapat- dapat ka nga ba, mortal?” Sunod nyang narinig ang dumadagundong na boses.

Napaatras sya nang sunod na lumitaw ilang metro mula sa kinatatayuan nya ang higanteng ibon. Ramdam nya ang malakas na kapangyarihan nito. Halos manginig ang buong pagkatao nya habang tinititigan sya ng mapanuring mga mata nito.

Ang mga balahibo nitong pinaghalong itim, pula, dilaw at kahel ay mga tila matutulis na espada. Sandata ang bawat parte ng katawan nitong yari sa metal.
Kalaban ba ito o kakampi?

Sumiklab ang apoy ilang metro sa gilid nya. Kulay asul ang alab na unti- unting pumalibot sa kanya at tumaas nang tumaas kaya’t nakulong sya.

Biglang nabitak ang lupa sa kinatatayuan nya. Napaatras sya bago pa man mahulog. Isang malaki at malalim na bangin ang nabuo sa harapan nya. May mga batong nalaglag pababa sa ilog.

Nalusaw ang mga bato nang tumama sa rumaragasang tubig. Malinaw ang kulay ng ilog ngunit nagbubuga ito ng usok at mabahong amoy na parang nabubulok na basura.

Nawala ang apoy sa unahan nya. Kakahuyan at alitaptap ang naghihintay sa kanya sa kabilang dako. At para marating iyon, isang luma at yari sa kahoy na hanging bridge ang dapat nyang tawirin.

“Nasa dulo ng tulay ang kaligtasan mo.” Nasa tabi na naman nya ang babaing nakasuot ng tiara.

“Tulungan mo ako.” Isa pang tinig ng babae ang umagaw sa atensyon nya bago pa man sya makahakbang sa tulay.

Napasinghap sya nang makita ang isang babaing nakasuot ng puti ngunit nanlilimahid sa duming balabal ang nakakapit sa isang malaking bato. Nakatalukbong ito kaya hindi nya ito masino. Mahuhulog ito sa bangin anumang sandali.

“Isang tao lamang ang maaaring tumawid sa tulay.” Tama ang babaing may kulay berdeng mata. Luma at mukhang marupok ang tulay. Isang tao lamang ang kakayanin nito. “Kung gusto mong makita pang muli si Eirene, tawirin mo na ang tulay at iwanan mo na ang isang iyan.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now