Beyond the Woods

811 94 13
                                    

CHAPTER NINE

SUMMER OF 1995

Fresh air, watermelon scent, melodious wind chimes and faint murmurs greeted Olivia’s senses before she opened her eyes. Nasaan na sya, ang unang tanong na pumasok sa isipan nya.

Ang huling naaalala nya ay ang pagpasok nya sa kakahuyan para puntahan si Ate Umi. May nasalubong syang napalaking toro, na muntik ng manakit sa kanya kung hindi lang dumating ang isang tikbalang para saklolohan sya.

Her body went rigid. Tikbalang? Kinilabutan sya. Totoo ba ang mga nakita nya?

“Muntik na syang saktan ng isang Sarangay.” Narinig ni Olivia ang boses ng tikbalang.

“Maraming salamat sa tulong mo, Mario.” Olivia’s body relaxed when she heard Umi’s soft voice.

Agad na nagmulat ng mga mata nya si Olivia. Mga naglalakihang dahon na pinaghalong kulay berde at kahel ang unang nasilayan nya. Nakahiga sya sa lilim ng isang napakatayog na puno, na may maraming bungang pakwan.

Pakwan? Bumilis ang tibok ng puso ni Olivia. Nawala ang takot nya at napalitan ng saya.

Olivia blinked her eyes many times to make sure she wasn’t hallucinating. The wind blew ruffling the leaves and making the watermelons above swayed.

Umupo si Olivia mula sa pagkakahiga. Kumpara sa pinanggalingan nyang kakahuyan at sa farm nila, maaliwalas ang paligid at kitang-kita ang asul na langit.

Pinagmasdan nyang mabuti ang kinaroroonan nya. Nakaupo sya sa isang malambot na puting banig na nakalatag sa pinong damuhan. Narinig nya ang pagbagsak ng tubig mula sa isang talon at kita naman nya sa may di kalayuan ang ilog na tila ine-engganyo syang tanggalin ang suot nyang maong na jumper at puting shirt para magtampisaw at maligo.

Nahagip ng mga mata nya ang maayos na nakatuping kapote at bota nya sa damuhan. Tumayo sya para mas maikot ang paningin. Mula sa kinatatayuan kita nya ang matayog na bundok na natatakpan ng ulap ang tuktok nito.

Muling ibinaling ni Olivia ang atensyon sa mga pakwan. Nang mapagmasdang muli ang itaas na bahagi ng puno, may tree house doon na gawa sa kawayan. Parang masarap na musika sa teynga nya nang muling tumunog ang mga wind chimes na nakasabit sa labas ng bahay.

Olivia was a bit startled when someone playfully pinched her left cheek. “Totoo ang mga nakikita mo. Hindi ito panaginip.” It was Ate Umi, who was smiling at her amusedly. She was pale but her wounds were gone. She managed to look beautiful on her loose white top and faded jeans even if she appeared weary.

Umi’s irises were still orange. Olivia wondered what it meant but she dismissed that question because she was happy to see her friend.

“Ate Umi!” Hindi na sya nangiming yumakap sa beywang nito nang mahigpit. Nalanghap nya mula rito ang amoy ng watermelon.

Marahang hinaplos ni Umi ang kanyang buhok. “You disobeyed your grandmother.” She gently ruffled Olivia’s hair. “Pareho tayong mananagot sa kanya,” biro nitong dugtong. “Huwag mo nang uulitin ito, Olivia. You were almost hurt. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa’yo. Wala akong mukhang ihaharap sa Lola mo.” Sumeryoso ang tono nito.

“Sorry, Ate. Gusto lang kasi kitang makita,” pinunasan ni Olivia ang pumatak nyang luha nang bumitaw sya kay Umi, “at pasalamatan sa mga ginawa mo para sa akin.” Malakas din kasi ang kutob nyang si Umi ang dahilan kung bakit bumuti ang kalusugan nya. Simula nang magpunta sya sa kakahuyan noong unang pagkakataon, mas naging masigla na ang pakiramdam nya.

“Hindi ko hahayaang may mangyari sa’yo, Olivia.” Umi kneeled to be eye level with Olivia. “Kaya ang gusto ko lagi kang mag-iingat at aalagaan mo ang sarili mo.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now