First Friend

1K 127 19
                                    

CHAPTER FIVE

SUMMER OF 1995

Olivia didn’t know if she just imagined it, but the beautiful woman's eyes flashed with different colors as she laughed mirthfully when she called her a thief. But it suddenly vanished and returned to its normal light brown color.

Tila musika ang tawa nito. It was infectious too that Olivia found herself smiling. She waited for the woman to stop.

Nang tumigil ito, nakatitig lamang ito kay Olivia, na noo'y hindi rin maalis ang tingin sa magandang mukha ng babaing ito. Marami na syang nakitang mga artista sa network nila kaya pangkaraniwan na sa kanya ang makakita ng mga babaing may taglay na kariktan.

Ngunit ngayon lamang sya nakakita ng kasing-ganda ng mang-uumit na ito. Kakaiba ang kagandahan nito. Habang tumatagal mas paganda ito nang paganda. Maihahalintulad sa isang diyosa.

Hindi kaya diyosa nga ito o diwata ng kakahuyan kagaya ng biro ni Lola Esmeralda? Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ito mahuli-huli nina Mang Erning.

"Diwata po ba kayo?"

Amusement flashed on the woman's face. She just smiled at Olivia mysteriously for a brief moment then shook her head. Olivia was disappointed and at the same time scolded herself for wishing that fairies existed.

"Kung ganun, ikaw ang nang-uumit ng mga ubas ni Lola," seryosong sabi nya.

Tinitigan syang muli ng babae. "Ako nga," pagkukumpirma nito. "Isusumbong mo ba ako?" Nawala ang ngiti sa mga labi nito at seryoso itong tumitig sa mga mata nya.

"Bakit mo ninanakaw ang mga pananim ni Lola?" Sa halip ay tanong nya rito. Hindi mukhang pulubi ang babae para maging desperada itong magnakaw ng makakakain.

Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae kaya naman lalong lumitaw ang ganda nito. "Hindi ko naman ninanakaw ang mga ubas na ito." Kumuha ito ng isang pirasong ubas saka isinubo. Napapikit ito na tila ninanamnam ang bawat kagat sa prutas. Nang matapos itong ngumuya, dumilat ulit ito at ipinukol ang tingin kay Olivia. The beautiful woman gave out a satisfied sigh. "Napakatamis at napakasarap. Nakakaadik. Kahit kainin ko ang mga ito buong araw, hinding- hindi ko pagsasawaan."

"Kung hindi pagnanakaw, anong itatawag sa ginagawa nyo?” Olivia didn't want to sound disrepectful to someone older than her but she's curious with this woman.

"Tinitikman ko lang ang mga ubas," the woman said like it was the obvious answer.

"Nag-iiba po ba ang lasa ng mga ubas araw-araw?" Olivia couldn't hide her sarcasm.

Tumawa ang babae. "Sabihin na nating gustong- gusto ko talaga ang lasa ng mga ubas na ito. Have you tried them yourself?"

Of course she did. Nauunawaan ni Olivia ang sinasabi nito. Masarap ang mga ubas sa farm nila kaya naman napaparami rin sya ng kain kapag hinahainan sya ni Ate Aika bilang dessert.

"Kung hindi ka diwata, sino po kayo?"

Tinapunan sya ng misteryosong ngiti ng babae. Napaisip rin si Olivia kung bakit laman ng panaginip nya ang babaing ito kung ngayon lamang sila nagkita?

"Ako si Umi," pakilala ng babae at inilahad ang kanang kamay nito. "Ikaw, anong pangalan mo?"

Hindi agad nakasagot si Olivia. Napatitig lamang sya sa kamay nito. May ilang hakbang ang pagitan nila nito at hindi nya malaman kung dapat ba nyang tanggapin ang pakikipagkamay nito. Paano kung masamang tao ito kagaya ng kinatatakutan nina Ate Aika? Baka dakpin sya nito.

Olivia and Pris were often warned about kidnappers. Alam nilang magkapatid na galing sila sa isang mayaman at prominenteng pamilya kaya hindi malayong may magtangkang kunin sila at ipatubos sa malaking halaga.

Watermelon DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon