Osculation

536 75 12
                                    

CHAPTER TWENTYNINE

SUMMER OF 2005

“I was murdered.”

Olivia was at a loss for words. How would someone respond upon hearing something horrible?

“I worked for the Bureau of Biodoversity Management, hoping to help my mother.” Erin didn’t notice her shock. “Nanghihina na sya dahil sa palala nang palalang polusyon sa mundo. It’s getting more and more difficult for her to transform into her human form. Mas madalas syang manatili sa Elondres.”

Nananabik na lumabas si Keithia at makihalubilo sa mga tao. Gusto rin nitong ito mismo ang lumalaban sa mga Kontaminados kasama ng mga anak nito at mandirigmang Kampilan.

Masaya si Erin sa trabaho nito. Bawat proyekto na naisasagawa ng ahensya, pakiramdam nya’y paghilom ng kalikasan. Maraming dapat gawin para malinis ang kapaligiran kaya isinubsob nito ang sarili sa trabaho.

Volunteer din ito sa iba’t- ibang organisasyong may layuning alagaan at protektakahan ang Inang Kalikasan. Walang pagod itong naghatid at nagbigay ng edukasyon sa mga tao kahit karamiha’y walang interes. Umaasa itong sa isang daang nakinig, may dalawa o kahit isang magkaroon ng pagpapahalaga sa kalikasan.

Hanggang sa isa sa mga kaibigan ni Erin ang lumapit para humingi ng tulong tungkol sa Investigative Report na tina-trabaho nito. Isang journalist ang kaibigan ni Erin at may impormasyon itong natanggap na ang Head Director ng ahensya ay tumatanggap ng lagay para aprobahan ang ilang minahan at factory na hindi pumasa sa standards.

Lihim na nagsaliksik si Erin at nadiskubre ang dokumento ng mga mining and manufacturing companies na kahit magdudulot ng pagkasira sa kalikasan ay binigyan ng permit. Ayon pa sa journalist, involve din ang pamilya ng direktor sa illegal logging.

Dahil malapit si Erin sa Undersecretary, ini-report nito ang ilegal na gawain ng Direktor ngunit nagkamali ang dalaga ng pinagkatiwalaan.

Tinanggal sa trabaho si Erin at nakatanggap din ito ng pagbabanta sa buhay. Pinaulanan ng bala ang tinitirhan nitong bahay sa Maynila. Namatay naman ang kaibigan nitong journalist sa isang car accident ngunit alam na ni Erin na kagagawan ito ng mga kalaban.

Napilitang umuwi muna si Erin sa tatay nito sa probinsya para magpalamig. Ngunit hindi ibig sabihin ay sumusuko na ito sa adhikain.

Isa ng Kapitan ng Barangay ang tatay ng dalaga. Nalaman ni Erin mula sa ama na isang mayamang negosyante ang gustong bilhin ang lupain ng buong barangay para patayuan ng pabrika.

Kahit may relocation at alok na malaking halaga, tumanggi ang mga mamamayan na ibenta ang kanilang mga sakahan at lupain.
Maging ang Mayor ng bayan ay kinukumbinsi ang mga tao para sa mas ikauunlad ng lugar at magbigay ng kabuhayan sa mga tao.

Hindi nagpatinag at nagpasilaw sa pera ang mga tao. Matinding galit ang nadama ni Erin nang malamang kapatid ng Undersecretary ang mayamang negosyanteng bumibili ng lupain.

“Nasa paanan ng bundok ang barangay namin. Bukod sa patatayuan ng pabrika, balak minahin ang bundok.” Ikinuyom ni Erin sa galit ang mga kamao nito. Nagkulay pula ang mga mata nito.

Pinagsisihan ni Olivia na alamin pa ang kwento ni Erin. Tila ipinaalala nya rito ang isang mapait na nakaraan.

Isang tahimik na gabi, napuno ng panaghoy, sindak at kamatayan ang tahimik na barangay. Ilang armadong mga lalaki ang sumunog sa lahat ng palayan at taniman ng mga residente. Ang ilang mga lumaban ay pinaulanan ng bala kagaya ng ama ni Erin.

Ngunit hindi pumayag si Erin na masaktan ang ama kaya ang dalaga ang sumalo sa mga balang para kay Artemio.

“I’m sorry.” Hindi nagdalawang isip na yakapin nang mahigpit ni Olivia si Erin nang maglandas ang mga luha sa pisngi nito. “I’m sorry.” She was sorry for making Erin relived the pain. “I’m sorry.” She was sorry that Erin had to endure such cruelty. If she could only take away her sorrow, Olivia would.

Sumabay ang paggapang ng tila kuryente sa buong katawan ni Olivia sa mahigpit ding yakap na itinugon ni Erin. Ang samyo ng mabangong amoy ni Erin ang pumuno sa pagkatao ni Olivia. May kung anong nagising sa loob nya ng mga sandaling iyon kasabay ng pagtunog ng mga wind chimes.

Napatitig sila sa mata ng isa’t- isa habang patuloy ang malamyos na wind chimes. Hindi na magawang hanapin pa ni Olivia kung saan iyon nagmumula dahil ang buong atensyon nya ay nasa mga sari-saring kulay na naglalaro sa mga mata ni Erin.

Bumaba ang mga mata ni Olivia sa mapang-akit na labi nito. Hindi na nya malaman kung anong nangyari. Naramdaman na lamang nyang magkahinang na ang kanilang mga labi.

Tila naging isa ang masayang himig ng windchimes at ang tibok ng puso ni Olivia habang dahan- dahang nilalasap ang mainit na halik at haplos ni Erin sa mukha nya, pababa sa braso nya hanggang sa ikulong sya sa mga braso nito.

Pakiramdam ni Olivia tila sya lumilipad sa kakaibang ligayang nadarama ng mga sandaling iyon. Ang tunog ng mga wind chimes ay nagdiriwang kasabay ng mga imaheng lumitaw sa isipan nya. Ang brick house sa farm ng Lola nya, ang ubasan, ang kakahuyan kung saan nakita nyang binagtas ng sarili nya hanggang sa makalabas sya at tumambad sa harapan ang matayog na puno ng Watermelon.

Pagmulat ng mga mata ni Olivia, wala na si Erin. Ang mga puno sa labas ng bintana ang bumati sa paningin nya. Amoy nya ang aroma ng pini-pritong itlog mula sa kusina. Dinig nya ang kalansing ng mga kitchen utensils sa ibaba.

Anong nangyari? Nasaan si Erin? Paano sya napunta sa kama nya? Ang huling naaalala nya ay…

Napahawak si Olivia sa labi nya. Totoo ba ang halik na iyon? Ganoon ba sya kaliyo para hindi maalala ang mga sumunod na nangyari?

Napangiti sya. Hindi iyon ang first kiss nya. Ngunit iyon ang unang halik na may kakaibang sayang sumibol sa puso nya.

The kiss they shared felt natural. Like she had been waiting for it to happen for a very long time.

Weird. At sa isang babae pa. Bago sya sumama for volunteer teaching, nasa Ilocos sya kasama ng pamilya nya. Umamin sa kanya si Pris tungkol sa pagkatao nito at girlfriend na nito ang bestfriend na si Jessica.

Matagal ng napapansin ni Olivia ang palihim na sulyap ng dalawang iyon sa isa’t- isa kaya hindi na kataka-takang nagmamahalan ang mga ito. Nangako syang ililihim ang relasyon ng dalawa.

Wala syang naramdamang pandidiri sa mga ito. Kapatid pa rin nya si Pris at kaibigan naman si Jessica. Lesbian din ang bestfriend nyang si Rayanne. Hindi dahilan ang pagkatao ng mga ito para mabawasan ang pagmamahal nya.

Olivia always fancied boys she didn’t actually think she’d love another woman.

“Love?” Her mind teased. Her Lolo’s disappointed face loomed in her mind. What about her Lola? Matatanggap kaya sya ng mga ito kung sasabihin ang tungkol sa pagkatao nya?

She dismissed those thoughts in the meantime. She was more concern about Erin. What if she just caught Erin on her most vulnerable moment?

Paano kung nadala lang sila pareho ng kanilang mga emosyon? Paano kung isipin ni Erin na sinamantala nya ito?

Did Erin feel the same way about her? Olivia was aware that she’s out of Erin’s league. She was an immortal child of Mother Nature while Olivia was a mere mortal.

She scolded herself for overthinking. She had to overcome her sudden nervousness. How could she face Erin without being awkward?

Hindi na nya kailangang alalahanin kung paano haharapin si Erin. Dahil matapos nyang magmadaling maligo, magspray ng paborito nyang cologne at siguraduhing mukha syang presentable bago bumaba, sinabi sa kanya ni Ma’am Kathy na umalis na sina Erin at Miranda.

“What do you mean umalis? Sumama ba si Erin kay Miranda?” Sa kabilang bundok naka-assign si Miranda para magturo.

“Tapos na ang volunteer work nila.”

“Tapos na?”

Tumango ang guro. “Bumalik na sila sa Maynila.”

Watermelon DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon