Bodyguard

581 63 11
                                    

CHAPTER THIRTYNINE

2005

Pagkatapos ng date nila ni Erin, naging regular naman ang pagkikita nilang dalawa. Isa o dalawang beses syang pinupuntahan ni Erin. Bigla na lang itong palihim na kakatok sa kwarto nya pag gabi para dalhin sya sa tree house nito. Minsan madadatnan na lang nya itong kumportableng nakahiga sa kama nya habang nagbabasa ng libro at kumakain ng ubas na pinitas nito mula sa vineyard ng Grego Farm.

Matutulog syang nakayakap dito at magigising syang ang magandang mukha nito ang unang makikita.

Kapag abala sya sa kanyang mga projects at assignments, kuntento na itong nasa iisang kwarto lamang sila. Hihintayin sya nitong matapos o di kaya’y nagtatanong sya ng opinyon nito tungkol sa mga social relevant issues na pinag-aaralan nya.

Dadalhin sya nito sa bahay nito sa Basco kapag stressed na sya. Kumakalma ang isipan nya sa tuwing masisilayan ang magandang tanawin.

“Hot chocolate for your thoughts,” basag ni Erin sa iniisip nyang marketing strategy para sa isang major subject nang matapos ang dance practice. “And a slice of Strawberry Shortcake.”

“Babe!” Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa sahig ng dance studio at patakbong yumakap dito.

Pinupuntahan sya nito sa University kapag busy sya sa mga extra- curricular activities para dalhan ng paborito nyang pagkain.

Sometimes they’d walk on the streets, sipping hot chocolate, holding hands, oblivious in the middle of the crowd.

Olivia enjoyed kickboxing more with Erin as her sparring partner. She tried hard to focus on the fighting techniques being taught to her and not on Erin’s sexy figure.

“You have to build your stamina more so you can use my weapons without easily draining your energy.” Erin also trained Olivia how to properly use her bow and arrow. With Erin’s request, the weapon was recently infused again with pure essence of nature by the God of Fire, amplifying its power more to obliterate strong Kontaminados. “It would come to you whenever you need it.”

“But what about you?” Kung sa kanya napupunta ang sandata nito, paano nito dedepensahan ang sarili?

“I still have my sword. Hindi ako ganun kahina, Olivia. Huwag kang masyadong mag-alala.”

Olivia made sure to be by Erin’s side if she was wounded or weak after battling Kontaminados. Olivia knew her girlfriend’s responsibilities and that she’s powerful than the Kampilans but she couldn’t help fearing for her safety.

Olivia was glad that Erin shared her pain with her. She never sheltered her from the truth. One of the Kampilans would come for her and take her to Erin’s tree house. She’d accompany Erin even for just a short period of time as she replenished her strength.

Palaisipan kay Olivia kung anong nangyari kay Erin? Bakit tila mas may limitasyon ang kapangyarihan nito kumpara sa mga kapatid nito?

“Do you know what happened to Erin many years ago? Her powers were almost depleted.” Tinanong nya ang Lola nya pagkatapos ng meeting nila with other volunteers sa conference room ng The 11 Foundation.

Hinintay muna nyang makalabas ang mga tao para masolo nya ang Lola. Malakas ang kutob nyang alam nito ang kwento ni Erin dahil matagal ng magkaibigan ang dalawa.

Ilang beses na nyang tinanong si Erin tungkol doon ngunit lagi nitong iniiba ang usapan.

“It’s not my story to tell, iha.”
Na-frustrate lalo si Olivia. May point ang Lola nya ngunit gusto sana nyang malaman ang mga bagay na tungkol kay Erin.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now