Red and Gold

608 68 43
                                    

CHAPTER FORTYTWO

2005

Bago pa man tumama ang katawan ni Olivia sa karagatan, bumalik na ang kamalayan nya. Sinalubong nya ang mabagsik na tingin ni Archiel. Tila bumagal ang pagkilos nito kaya nang patamaan sya ng dalawang espada nito’y nagawa nyang sanggain ang mga ito gamit ang kaluban sa kaliwa at espada ng Minokawa sa kanan.

Sing-gaan ng hangin ang pakiramdam ni Olivia. Mabilis ang naging pag-atake nya kay Archiel, na nasorpresa sa pagkilos nya.

Hindi alam ni Olivia kung paano nyang nagawa, ngunit may sariling buhay ang katawang sunod- sunod ang pagtira nya ng espada kay Archiel, na hindi makasabay sa bilis nya.

Tanging pagsalag at pag-atras lamang ang nagawa nito hanggang sa nagkaroon ng pagkakataong magpakawala ni Olivia ng reverse roundhouse kick.

Tumilapon si Archiel sa malayo hanggang sa tumama ito sa isang malaking puno. Bago pa man makabangon ang Kampilan, sumugod agad si Olivia. Sinubukang umiwas ni Archiel ngunit bumaon pa rin sa tagiliran nito ang espada. Sinamantala rin nyang ibaon sa katawan nito ang palasong gawa sa umiikot na hangin.

Isang nakakabinging sigaw ang pumuno sa kagubatan.

Olivia was bewildered to see her right arm covered with a tattoo of the mythical bird. Holding the Minokawa’s sword and scabbard seemed surreal. She couldn’t believe she managed to wound Archiel.

She dropped on her knees to examine Archiel after sheating the sword. The wounds were deep, thick blood gushed out from it. Archiel kept moaning in pain.

“It’s working.” Olivia removed the arrow. She was relieved to see dark liquid came out from the wound , like what happened to Aurora when the Mandurugo was purified.

Archiel’s yellow and green eye colors came back, her fangs and nails withdrew. She was still in agony but the Kampilan was back on her human form.

Kailangan lamang ng agarang lunas ang sugat nito. Baka may kapangyarihan magpagaling ang Minokawa o kaya sina Mario.

Tinulungan nyang umupo at sumandal sa puno si Archiel, na bahagyang ngumiti. “Salamat, Olivia.”

“Huwag ka munang magsalita.” Marahang pinisil ni Olivia ang kamay ng Kampilan.

Lumapit sa kanya si Mario, na bagamat sugatan at nanghihina, kita sa mga mata nito ang pagkamangha habang pinagmamasdan si Olivia.

Ganun din ang iba pang mga tikbalang. Nakatayo ang mga ito sa likuran ni Mario habang nakatitig sa kanya ang mga ito.
Napaawang ang bibig nya nang sabay- sabay ang mga itong yumukod bilang paggalang.

“M-Mario, anong ginagawa nyo?” Nahihiyang sabi nya at pinigilan ito sa pagkakayukod.

“Ikaw nga talaga ang kabiyak ni Eirene.” Napangiting sabi ni Mario nang tumindig ito. “Nakuha mo rin ang basbas ng Minokawa.”

“Kabiyak?” Nag-init ang mukha nya. Para syang baliw na biglang kinilig sa narinig.

“Alam kong matagal ka ng minamahal ni Eirene. Bukod sa Puwersa ng Buhay na ibinigay sayo, ang pag-iibigan nyo ang nagdurugtong sa inyong dalawa.” Pagkasabi niyon ni Mario, lumitaw ang baging na pumupulupot sa braso nya. “Bukod sa karapat- dapat ka, nagawa mong gamitin ang kapangyarihan ng Minokawa dahil parte ka ni Eirene, ang kanyang kabiyak.”

“At dahil dyan, kaya ka kinamumuhian ni Verona.” Mahina lang iyon ngunit pinilit magsalita ni Archiel. “Hindi sya titigil, Olivia.”

“Kung ganun, harapin nya ako. Tigilan na nya ang paggamit sa iba para saktan ako.” Handang ipaglaban ni Olivia ang pag-ibig nya kay Erin.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now