Mandurugo

649 87 20
                                    

CHAPTER TWENTYFIVE

SUMMER OF 2005

Olivia’s strong will to live overcame her fear when the aswang’s sharp tongue and teeth were about to pierce her. She just realized that Anton must be telling the truth. She didn’t know how, must be her adrenaline and her refusal to die in the dark woods, but she managed to land a strong punch on the creature’s face.

The aswang didn’t expect that and was a bit startled. Olivia took advantage of the opening and launched a powerful uppercut then a roundhouse kick that would make her kickboxing instructor proud.

Walang oras para magbunyi si Olivia nang makitang tumulo ang dugo mula sa labi ng aswang dahil tila nag-aalalab ang galit sa mga mata nito. Nasaktan man nya ito pero hindi sapat iyon para matalo.

Parang hanging nawala sa paningin ni Olivia ang babae. Natagpuan na lamang nya ang sariling bumagsak sa lupa habang nakadagan sa kanya ang aswang. “Magbabayad ka!!!”

The aswang bared her teeth angrily. Olivia couldn’t move and escape. She closed her eyes and waited for a pierce on her throat when there was a loud thwack, then came a painful shriek from the creature.

When the woman came off her, Olivia scrambled immediately to get up. An arrow punctured the aswang’s skin below her shoulder. Thick blood flowed from the wound when she tried to remove the arrow, but it was buried deep and remained stuck.

The aswang whimpered in agony that Olivia amost felt sorry for her.

But where did the arrow come from?

The answer came as a surprise when she saw Erin, yielding bow and arrow, eyes scarlet in full rage. Erin was surrounded with bright light and invisible wind.

With difficulty, the aswang flew away.

“Ako na ang bahala sa kanya.” Napatingin si Olivia sa nagsalitang si Miranda, na tulad ni Erin, nababalutan ng liwanag ang katawan nito. Saglit na tumingin ang kulay asul nitong mata sa kanya saka tila kidlat sa bilis itong nawala.

Nanatiling nakatingin si Olivia kay Erin habang dahan- dahang nawala ang hanging pumapalibot dito. Naglaho ang sandatang hawak nito ngunit nanatili ang liwanag sa buong katawan nito.

Erin was her bright light in the middle of the dark. Anong klaseng nilalang ito? Sigurado syang hindi ito aswang. Diyosa ang naisip nyang kasagutan habang papalapit ito sa kanyang nagbabaga pa rin ang mga mata sa galit.

“Bago ka magalit,” nagawa nyang unahan itong magsalita nang tumigil ito sa harapan nya, “si Annette ang dahilan kung bakit ako nandito.” Kumunot ang noo nito. “Nakita ko sya. Humihingi sya ng tulong.”

“Sigurado ka bang si Annette ang nakita mo?”

Tumango si Olivia. “Kailangan natin syang hanapin ngayon din. Baka may nangyari sa kanya.” Ayaw nyang isiping nabiktima na ito ng aswang. “Erin…”

“Ihahatid muna kita sa bahay.”

“No. I’ll go with you,” Olivia insisted. She couldn’t just sit and wait.

Nakita siguro nitong determinado syang sumama o ayaw lang nitong mag-aksaya ng oras kaya pumayag din ito. “Okay. Stay close to me.” Hindi sya tumutol nang hawakan nito ang kamay nya.

Nagsilbing liwanag nya si Erin sa kakahuyan. Kahit natatakot pa rin sa mga nasaksihan at sa maaaring mangyari kay Anette, nagawa nyang kumalma dahil sa presensya ni Erin.

“Aswang ba ang nilalang na yun?” Pinutol ni Olivia ang katahimikang namamayani kanina pa. May kalahating oras na rin siguro silang naglalakad.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now