Falling

702 73 19
                                    

EPILOGUE

NOVEMBER 2019

Thunderous claps filled the large ballroom of Grand Riviera Hotel Makati after Adrian Marcelo gave an inspirational speech about his advocacies on helping the world be a better place at the Annual Charity Ball.

Dinaluhan ito ng mga naglalakihang personalidad kagaya ng mga celebrities, politicians, businessmen at mga philanthropists. Ang perang malilikom ay gagamitin para pondohan ang mga charity projects na makakatulong sa tao at kalikasan.

“Babe is right. Adrian looks suspicious. He did seem predatory,” bulong ni Pris sa tabi nya. Nangingiti sina Dominique, Kristine at Jessica, na mga kasama nya sa round table.  

“Will you stop calling her babe?” Inirapan ni Olivia ang kapatid. Mula nang ipakilala nya sa pamilya si Erin bilang girlfriend nya, agad na nagkasundo ang dalawa.

Pris was too gleeful to show Erin the never-before-seen Olivia’s silly childhood photos including the one her face was covered with icing because her sister accidentally pushed her while she was admiring her birthday cake that Lola Essie baked. Her sister even pointed out every flaw of all the men Olivia dated.

Erin in returned told Pris her opinion of Adrian and obviously her sister agreed. Her girlfriend bought some of Dominique’s paintings and put them in her room in Basco.

Alam ni Olivia na tatanggapin sya ng pamilya kahit ano pa sya. Susuportahan sya ng mga ito kahit sino man ang mahalin nya. Hindi pa man nya masabi ang lihim na mundo ni Erin, darating din ang oras na sasabihin nya ang totoo. Darating din ang oras na permanente nyang papasukin ang mundong iyon.

Olivia continued to bring success to Studio 11 and at the same time be a mind opener to people that protecting the nature was essential. A lot of them wouldn’t care but like what’s written in Erin’s sword, there’s still hope.

Patuloy ang naging operasyon ng mga Kampilan para mapangalanan at tugisin ang mga Kont- X, na nag-aanyong tao. Mas naging organisado ang grupo dahil pinamumunuan na ang mga ito ng isang malakas at hindi pa masinong Kont-X.

Nakakabahalang ilan sa mga Kont- X ay mga maimpluwensyang tao. Mga nagbabalat- kayong mabubuti sa harap ng iba ngunit may layuning maghasik ng lagim. Sila ang mga masasamang taong sinaniban ng mga malalakas na Kontaminados para mas lumakas ang pwersa ng mga ito laban sa mga Kampilan.

Ang pinakahuling nasukol ng mga Kampilan ay isang konsehal, si Yumi Saraza. Isang pagpapanggap ang ipinakita nito kay Olivia dahil involve pala ang pamilya nito sa illegal mining.

“Nasaan si Babe? Bakit hindi sya sumama rito?” Tanong ni Pris matapos nitong kumuha ng champagne sa dumaang waiter.

Naiinis syang tumingin dito. “I told you to stop…” Hindi na lang nya itinuloy dahil hindi sya nito papakinggan. “She’s working on something important.”

Ang totoo’y may meeting sa Kampilan Head Quarters. Dapat kasama nyang a-attend si Erin sa Ball ngunit biglaan ang pagpapatawag ng pulong ng mga mandirigma kaya sya na lamang ang nagpunta.

Kumaway si Alea Santos mula sa kabilang table. Ngumiti rin sa kanya ang girlfriend nitong si Vesper. Paniguradong laman na naman ang kaibigan ng Entertainment News kinabukasan dahil ipinost nito sa instagram account ang larawan ng kamay nitong may diamond ring at may caption na, “Can’t wait to say, ‘I do.’” Ngayon pa lang trending na ang #lovewins sa twitter.

Kita sa ngiti at kislap ng mga mata ni Alea na masaya ito lalo at on speaking terms na ito at ang ina.

Mukhang bored naman si Rayanne habang nakikinig sa katabi nitong si Liza Moretti, isang nagmamay-ari ng cosmetics company. Polite lamang na ngumingiti si Victoria sa babaing kausap ng asawa pero alam ni Olivia na gusto na nitong sakalin si Liza dahil panay ang hawak nito sa braso ni Rayanne.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now