The End

626 68 20
                                    

CHAPTER FORTYFIVE

JUNE 29, 2019

Olivia ran her tongue on her lower lip, tasting the sweet watermelon in her mouth. She could breathe again, thanks to the liquid someone had her drink. Probably her Lola Esmeralda. The sweet liquid doused the poison she drank. Energy flowed through her body as she raced after Erin in that dark place.

She followed Erin’s light. Olivia remembered everything. Her memories flashed before her eyes. She seemed to watch a secret story of her life and it came fast like a speeding bullet.

The memories were very overwhelming, her tears cascaded down her face. Her heart would burst any moment for feeling all kinds of emotions. The love and longing she felt for Erin was too great.

“Erin.” Kailangan nyang maabutan si Erin para magkasama na silang muli.

Bigla syang nadapa nang yumanig ang paligid. May narinig syang sigawan. “Hindi mo makukuha si Eirene!” Galit na boses iyon ni Sandrea. Inikot nya ang paningin ngunit wala syang makita kundi kadiliman. Sunod nyang narinig ang sigaw nina Boris at Miranda.

Miranda. Akala nya’y kaibigan nya ito ngunit bakit siya nito nilason? Nagkukunwari lang ba itong kakampi?

Tumayo si Olivia. Malayong- malayo na si Erin. Katiting na lang ang nakikita nyang liwanag nito. Akmang tatakbo syang muli nang lumitaw si Miranda sa itaas nya. Hawak nito ang espadang nakaumang ang patalim sa kanya.

The Bakunawa shield materialized on her left arm and warded off the attack, earning a death glare from Miranda, who showed her true form.

“Verona.” On her right, she gripped the Minokawa’s mythical sword in anger. “Hindi mo ba talaga kami titigilan?” Verona’s desperation over Erin was both pathetic and irritating.

Malaki na ang sakripisyo nilang dalawa ni Erin. Hindi na sya papayag pang guluhin pa rin sila ni Verona.

“Isang lason ang pag-ibig ngunit patuloy na hinahabol ng mga hangal na nilalang na katulad mo.” Dalawang boses ang lumalabas sa bibig ni Verona. Lalaki at babae. Malamig at matalim ang itim na itim nitong mga matang nakatingin sa kanya. “Kamatayan din ang kapalit, mortal. At narito ako para singilin ka. Uunahin kita at isusunod ko ang anak ni Keithia. Hindi nyo makakamit ang kaligayahan kahit kailan.”

Nagkulay pula ang mga mata ni Verona. Sumulpot sa kanang kamay nito ang isang pamilyar na mahaba at pulupot na itim na tungkod. Ang sandatang tumagos sa katawan ni Erin.

Hindi mapigilan ni Olivia ang poot na bumangon sa kalooban nya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. May kirot sa puso nya nang maalala kung paano salagin ni Erin ang para sa kanya.

Muling yumanig ang buong paligid. Nagbitak-bitak ang kinatatayuan nya. Kung kanina’y puro dilim, kita na ni Olivia na nakatayo siya sa isang lumang hanging-bridge na minsang nakita sa panaginip.

Bahagyang dumuyan ang nakasabit na tulay. Naputol ang lubid na hawakan nang mapahawak sya. Muntik na syang mahulog kung hindi lang sya napahakbang agad paabante ngunit lumangitngit naman ang apakang kahoy. Nasa gitna sya ng tulay. Kaunting kilos lang ay babagsak sya sa malinaw na tubig ng asido sa ibaba. Nalulusaw ang mga bato at lupang nahuhulog sa ilog. Umaalingasaw ang mabahong amoy na nanggagaling dito.  

Nakalutang sa hangin si Verona habang pinuno nang malakas na halakhak nito ang buong paligid. “Isang hakbang lang mortal. Naghihintay na sayo ang Ilog ng Karimlan. Dito nawala ang napakahalagang nilalang, kaya nararapat ding dito ang katapusan mo.” Nag-ipon ito ng itim na enerhiya sa kamay.

Walang matakbuhan si Olivia. Sinubukan nyang palabasin ang pakpak ng Minokawa ngunit walang nangyari. Naglaho ang hawak nyang espada at kalasag.

“Walang laban sa akin ang kapangyarihan ng ibon at dragon.” Itinira ni Verona ang itim na kapangyarihan kay Olivia.

Napakabilis. Hindi ito maiiwasan ni Olivia. Sumagitsit ang ilog sa ibaba. Patuloy ang pagguho ng mga bato at lupa sa paligid. Dito nga ba matatapos ang lahat?

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now