Savior

645 93 16
                                    

CHAPTER TWENTYONE

JUNE 29, 2019

Working as an executive for Studio 11 Network, Olivia was used to hearing all sorts of scandals and shocking bad news. She could handle them easily without losing her composure. But learning she was supposed to die unsettled her.

Kaya ba kung anu-anong nangyayari sa kanya? Galit ba sa kanya ang Tagabantay ng Tadhana?

“Naging maselan ang pagbubuntis ng Mommy mo sayo. She almost had a miscarriage but you and your Mom fought hard.” Her Lola continued her story. “Everyone was excited when your mother conceived you. Sinigurado namin na kumakain siya ng masusustansyang pagkain. Hindi namin sya hinayaang mapagod. Her doctor was always on call. She stopped working and stayed at home.”

Sumama rin ang Mommy ni Olivia sa farm para makalanghap ng sariwang hangin. Tulad nya, nagustuhan ng Mommy nya sa farm. Lingid sa kaalaman nito nakabantay sa kanya ang mga nilalang na naninirahan doon sa tuwing maglalakad- lakad ito sa paligid, sinigurong walang mangyayaring masama sa nagdadalan-taong babae.

Olivia’s mother stayed at the farm for three months. Kabuwanan na ni Elizabeth nang magpasiyang bumalik na sa Maynila. Sinundo ito ni Roman kasama ng driver na si Delfin. Nasa kalagitnaan ng biyahe ang mga ito nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Halos hindi makita ng driver ang daan. Kahit nagdahan- dahan ito sa pagmamaneho, huli na nang makita nito ang isang truck na bigla na lang sumulpot sa harapan.

“Your father and Delfin said there was no such accident happened. That your mother probably dreamed of it.” Naiiling na nangingiti ang Lola nya.

Sinubukan ng driver na iwasan ang truck ngunit madulas ang daan, hindi sapat ang road rail para pigilan ang napipintong trahedya kaya dumiretso ang kotse pahulog sa bangin. Akala ni Elizabeth na katapusan na nito. Dumaloy ang mga luha sa lungkot na hindi na nito masisilayan ang magiging anak.

Pabulusok na ang kotse sa kawalan nang may isang nagliliwanag na anghel ang bigla na lamang lumitaw sa harapan at pinigilan ang pagbagsak.

Kahit nahirapan, nagawang itulak ng mahiwagang babae ang sasakyan. Ramdam ni Elizabeth ang paglutang ng kotse hanggang sa maramdamang lumapag ito sa lupa.

Nawalan ng malay ang driver sa pagkabigla. Hindi magawang magdiwang ni Elizabeth nang mapansin ang dugong tumagos sa suot na bestida. Tila na-estatwa naman si Roman mula sa harapan nang makita ang asawa. Bumalik lamang ito sa sarili nang pumasok sa loob ang babae at tumabi kay Elizabeth, na napatitig sa kulay asul na mga mata nito.

“S-Sino ka? A-Anong kailangan mo?” Nautal sa pinaghalong takot at pagkamangha si Roman.

“Isang kaibigan.” Tinapunan nito ng tingin saglit ang lalaki saka itinuon ang atensyon kay Elizabeth. Ipinatong nito ang kamay sa tiyan ng nagdadalang-taong babae na tila sinusuri nito ang kalagayan.

Nagtama ang mga mata ni Elizabeth at ang anghel. “Gusto kong mabuhay ang anak ko,” nagsusumamo ang tinig nito.

Ngumiti ang anghel at marahang hinaplos ang tiyan ni Elizabeth. Nagliwanag ng pinaghalong kulay pilak at berde ang mga kamay ng anghel. Agad na huminto ang pagdurugo. At alam na ni Elizabeth sa mga sandaling iyon na ligtas ang magiging anak.

Napasandal ang anghel. Nagkulay kahel ang mga mata nito. Ang maputi at makinis na kutis nito ay lalong namutla. Pawisan ang mukha at leeg nito. Habol nito ang hininga at nanghihina.
Nagkatinginan ang mag-asawa.

Nagkasundong dalhin sa ospital ang misteryosong babae. Bago pa man makakilos si Roman para pagpalitin ang puwesto nito at ang walang malay na driver, nagsalita ang babaing huwag nang mag-abala pa. Pagkasabi nito niyo’y naglaho ito sa paningin ng dalawa.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now