Bonfire Story

648 79 19
                                    

CHAPTER TWENTYFOUR

SUMMER OF 2005

Olivia’s respect for teachers grew deeper when, after almost six hours of bus ride, they had to hike up a mountain for an hour and cross three rivers before reaching the community. It was totally dark when they arrived. Their local guide made sure they were safe.

Sa tinutuluyang bahay ng mga teachers malapit sa eskwelahan hinatid sina Olivia. Gutom at pagod silang lahat kaya mabilis nilang naubos ang pagkaing hinanda ng limang gurong na-assign sa lugar na iyon.

Excited ang mga guro sa activities na gagawin during the summer. Kahit hindi pa man nakakarating, nagpapasalamat na ang mga ito sa mga supplies na galing sa Foundation sa tulong na rin ng mga generous sponsors and donors.

Habang humihigop ng kape kinabukasan, nagkwento ang mga guro ng karanasan ng mga ito. Pare-parehong nasa mid-twenties ang mga ito. Bagamat wala pang mga sari-sariling pamilya, nilalabanan ang pangungulila sa mga magulang at kapatid dahil ilang buwan ang bibilangin bago ang mga ito makauwi.

Kahit may ipinatayong tatlong classroom sa liblib na pook na iyon, may mga bata pa ring naglalakad ng ilang oras para lamang makapasok sa paaralan. Delikado kapag umuulan dahil maputik at madulas ang daan.

“Minsan hindi ko mapigilang madismaya sa mga batang may pang-aral pero ayaw mag-aral. Samantalang may mga batang nagpupursigi kahit maglakad ng ilang milya nang nakapaa makarating lang sa paaralan. Kahit plastic bag lang ang gamit, nagti-tiyaga sila para matuto.” Naiiling at nalulungkot na sabi ni Ma’am Kathy habang hawak ng magkabilang palad ang tasang may mainit na kape.

Kasamang ibabahagi ng Foundation sa mga bata roon ang tsinelas, papel, panulat at pati mga educational books na makakatulong sa mga ito. May dala rin silang mga gamot na iiwanan sa mga guro dahil sa paaralan ang takbuhan ng mga magulang kapag maysakit sa pamilya. Milya ang layo ng pinakamalapit na health center.

“Ma’am Kathy, ilang araw nang hindi pumapasok si Annette. May sakit kaya sya?” Pinuntahan ni Olivia sa kabilang classroom ang guro matapos ang Araling Panlipunan class nya biyernes ng hapon. Nakapag-adjust na rin sya makalipas ang dalawang linggong pagtuturo sa tulong ni Kathy.

Hinintay munang lumabas ng guro ang huling estudyante sa classroom bago sumagot. Bakas sa mukha nito ang lungkot. “Baka nga. O di kaya’y hindi makaalis dahil tumutulong sa taniman nila.” Kumunot ang noo nito sa pag-aalala. “Huwag sanang…”

“Huwag sanang ano, Ma’am?”

“Mag-asawa.” Halos hindi masabi ni Ma’am Kathy. “Lima silang magkakapatid at hikahos sila sa buhay.”

“But she’s only twelve.”

May ibang magulang na napipilitang ipakasal ang mga babaing anak sa isang lalaking may kakayanang bumuhay at magbigay ng dote dahil sa kahirapan.

Nalungkot si Olivia para kay Annette. Sinabi nito sa kanya noong huling beses itong pumasok na pangarap nitong maging doktor kaya nagsusumikap itong mag-aral. Nais nitong iahon ang pamilya sa kahirapan.

“You don’t seem okay.” Napatigil sa paglalakad si Olivia nang marinig ang boses ni Erin. “May problema ba?” Nasa harapan na pala nya ito.

“W-Wala naman.” Pinilit ngumiti ni Olivia. Iwinaksi ang maaaring kalagayan ni Annette dahil baka may sakit lang ito. Pupuntahan nila ni Ma’am Kathy sa Linggo. “Nami-miss ko lang ang pamilya ko.” It was true but she was more bothered with Annette. “Lalo akong humahanga kina Ma’am Kathy. Hindi ko ma-imagine kung gaano silang nangungulila sa mga pamilya nila.”

“Kahanga- hanga ang dedikasyon nila,” sang-ayon nito.

Sabay silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang batis. Umupo si Erin sa isang bato malapit sa pampang. Namumutla ito.

Watermelon DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon