Cursed

552 59 7
                                    

CHAPTER FORTYSIX

The night after she received her recognition as one of Asia’s Heroes of Philanthropy, Olivia had a hard time sleeping. Probably because she drank coffee with Adrian before going home. She asked her sister to drink wine with her beside the pool.

Eyes drooping with sleepiness, Pris left her. Olivia was ready to hit the bed too but decided to wait for the sunrise. She poured another glass of wine and enjoyed its rich taste when she noticed a star falling from the sky.

“Am I drunk?” The star seemed to be heading towards her. She tried to get on her feet and run when she realized that it was. Before she could put a distance from it, something surrounded with bright light fell on the pool, splashing her dress with water.

Nabitawan nya ang wine glass sa pagkagulat. Nang tignan nya kung anong bumagsak sa tubig, isang babaing may mala-anghel na mukha ang umahon. Basang- basa ang suot nitong puting top at jeans.

“Sorry. I can’t control my powers yet. I just woke up two days ago from a very long dream,” the beautiful woman said. Her ocean blue eyes were mesmerizing that Olivia couldn’t take her eyes away from them.

Olivia was rooted on the spot. Her mind was swirling with confusion. Is she an angel? She couldn’t even get her mouth to ask.

The woman walked towards her. “One day, we’ll trully be together.” A mysterious smile displayed on her lips. Her eyes were filled with utmost longing as she gazed at Olivia. “In the meantime, you have to forget what you saw.”
 

JULY 2, 2019

Ang Tagabantay ang unang nasilayan ni Olivia nang magmulat ng mga mata. Nagsasalin ito nang malamig na inuming kulay pula sa isang baso. Napakarefreshing tignan kaya bigla syang nauhaw.

Bukod sa isang pitsel ng juice, may basket rin ng tinapay na hugis rektanggulo at iba’t- ibang pagpipiliang palaman ang nakapatong sa pangdalawahang mesang nakapuwesto sa tabi ng bintana.

“Magandang umaga,” bati ng Tagabantay nang mapansin nitong gising na sya. “Tamang- tama ang gising mo. Hinanda ito ni Boris para sa’yo.”

Bumangon si Olivia mula sa malambot na kama. Light brown at puti ang kulay ng maluwang na kwarto.

Nasaan sya?

“Nasaan si Erin?” Nadismaya sya nang napagtantong isa lamang panaginip ang muling pagtatagpo nila ni Erin. “I’m sorry,” nahihiya nyang dugtong. “Magandang umaga rin sayo.”

Ngumiti lang ang Tagabantay. Parang kahapon lang noong una at huli nya itong makita. Tila hindi lumipas ang maraming taon dahil hindi ito tumanda.

“Kumain ka muna para makabawi ka ng lakas. Natanggal na ang lasong ipinainom sayo pero mas maiging kumain ka para makabawi ng lakas. Food for the brain din ang tawag ni Boris sa mga yan. Sa dami ng impormasyong tinanggap ng isipan mo, sigurado akong kumikirot ang ulo mo. Alam kong marami kang gustong malaman sa mga nangyari. Masasagot din ang mga iyan.” Hinila nito ang upuan para sa kanya.

Lumantad ang suot nyang light blue green na pajama nang bumangon sya. Hinintay muna ng Tagabantay na makaupo sya saka ito umupo paharap sa kanya.

Kumalam ang sikmura nya nang maamoy ang tinapay. Hindi na sya nahiyang kumuha ng isa. Napapikit sya nang malasahan ito, malinamnam at mainit pa. Isang kagat lamang ay gumapang na sa katawan nya ang enerhiya. Nawala ang pagod nya. Nawala rin ang sakit ng ulo nya.

Mabilis nyang naubos ang isang baso ng watermelon juice. Nakailang tinapay sya bago namalayang hindi man lang nya inalok ang babae.

“I’m not usually discourteous.” Her cheeks burned with shame. The woman laughed, dismissing it when she apologized.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now