Useless Information

589 76 50
                                    

JUNE 16, 2021

Syempre hindi pa tapos. Title lang po ng chapter yung "The End." Hindi ko kayo basta- bastang iiwan na lang sa ere nang hindi nagpapaalam. Dahil meron na akong paganito, ibig sabihin matatapos na ang isa na namang akda. Aabalahin ko muna kayo bago magpatuloy. Bahala kayo kung babasahin niyo ito hanggang sa huli.

Kung nabasa niyo na ang ibang mga istorya ko, pamilyar na sa inyo si Olivia San Victores. Isa sya sa mga characters na gustong- gusto ko talaga. Beautiful, powerful and kind- hearted. Ilan sa mga mambabasa ko ang isini-ship sya kay Ramcel dati. Ngunit sa likod ng aking isipan, may ibang nakalaan para sa kanya.

Bago ko pa man matapos ang Since Nine Book 3, napagpasyahan ko nang gawan sya ng sarili nyang kwento. Wala pang plot pero gusto kong kwento nya ang susunod kong bubuuin. Noon pa man nagpasya na rin akong sumulat ng genre na matagal ko ng pangarap gawin. Fantasy.

Bata pa ako, mahilig na talaga sa fantasy. Dahil wala pa akong pambili at matipid ang aking mga magulang, nagkasya na lang ako sa pagbabasa ng komiks. Mura lang kasi dati. Puwedeng manghiram sa kapit- bahay pero mas madalas nangungupit ako sa tindahan namin para may pambili :p

Sinubukan kong sumulat ng horror noong tumuntong ako ng high school yun nga lang Horror- comedy ang kinalalabasan. Pag bigla kasi akong nakakaisip ng kalokohan, isinasama ko. Kagaya na lang nung isang chapter dito kung saan nagku-kwento ang isang volunteer tungkol sa aswang tapos bigla kong naisip yung pustiso. Hindi rin nakakatakot ang ending.

Nag-attempt din ako ng fantasy themed naman kaso ambisyosa ang lola nyo, high fantasy agad (recent ko lang nalaman na high fastasy pala yun). Dala siguro nang kakulangan sa world- building, hindi ko napanindigan, kaya hindi ko natapos. Ewan kung nasaan na ang notebook na pinagsulatan ko noon.

Matagal na nakatago ang kagustuhan kong bumuo ng fantasy story. Nakailang sulat na ako ng Romance at may ilang readers na rin ang nagsuggest na subukan ko naman ang fantasy. Kaya nabuo ang kwento ni Olivia.

January 16, 2020 noong una kong isinulat ang unedited Chapter 1, na naging PROLOGUE. Pagkatapos nun, hindi ko muna itinuloy dahil hindi pa buo ang kwento ni Olivia. Napaisip din ako kung itutuloy ko pa ba?

IIang buwan din akong nagpahinga afte tapusin ang Since Nine series. Sobrang busy sa work kaya hindi maisingit. Hanggang sa dumating ang March 16, 2020. ECQ. Lockdown.

Hindi ko sukat akalain na mararanasan ko sa lifetime na ito ang pandemic. Sino nga ba sa atin ang mag-aakala nun di ba? Alam kong maraming nahirapang mag-adjust. Maraming nawalan ng trabaho. Maramng business ang nagsara. Nakakatakot rin ang walang kasiguraduhang hinaharap. Kung ano na bang susunod na mangyayari?

Nakakabaliw. Nakakalungkot. Hindi mo alam kung anong iisipin mo. Idagdag pang mababalitaan mo ang mga hindi kanais- nais na kaganapan sa paligid. Hindi ka makagalaw. Hindi ka makauwi sa pamilya mo sa probinsya. Hindi mo makita ang mga kaibigan mo. Hindi mo alam kung stable pa ba ang trabaho mo? Kung saan kukuha ng pangkain sa araw-araw.

Marami sa atin ang dumating sa puntong mapapaluha ka na lang. Frustrated. Trapped. Yung pakiramdam na hindi ka makakawala. Nakaka-suffocate.

Hanggang sa mapanood ko ang maikling speech sa isang graduation. Tila nagising ako sa sinabi ng taong iyon. Saktong- sakto sa nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

"Take your hands off of what you can't control and get your hands on what you can change. As you and I continue on in life, we will find ourselves in so many situations out of our grasp. The only thing we can control is ourselves." Sinabi yan ng isang sikat na rapper. Si Min Yoon-gi or mas kilala bilang Suga ng BTS.

Isang ARMY ang aking significant other kaya minsan (madalas pala) pinapapanood nya ako ng mga videos nila kahit labag sa kalooban ko. LOL! Pero malaking pasasalamat ko that time dahil narinig ko ang sinabi ni Suga. Na-realized ko na maswerte pa rin ako dahil may trabaho pa ako at kasama ko ang ilang importanteng tao sa buhay ko.

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now