Home of the Winds

571 73 48
                                    

CHAPTER THIRTYEIGHT

SUMMER OF 2005

“Vespa!” Natuwa si Olivia nang makita ang kulay powder blue na scooter ni Erin. Ipapasyal daw sya nito sa date nila. She’d show Olivia the beauty of the Home of the Winds. “Ang cute!”

Nakangiting pinagmamasdan sya ni Erin habang nakasandal ito sa pader ng Honesty Store kung saan nakapark ang scooter nito.

Matapos syang sunduin ni Erin sa farm at pormal nilang ipinaalam sa Lola nya ang tungkol sa kanilang dalawa, pinakain muna sya nito sa tree house ng almusal. Ito mismo ang nagluto ng fried rice at crispy flying fish.

Ang tree house ni Erin sa likod ng property nina Olivia ay portal patungo sa tahanan nito sa Basco. Ang kinatatayuan ng tree house ay parte ng bayang sinilangan ni Erin. Nang mamatay si Erin, nagalit si Keithia at isinara sa mga tao ang ilang bahagi ng lupain. Naglaho sa paningin ng mga mortal ang lugar para hindi na muling tangkain pang sirain ang bundok na tanaw mula sa tree house.

Piling tao lamang ang nakakarating sa lupaing iyon. Sina Olivia at Lola Esmeralda ay kabilang sa mga pinagpalang makarating sa tahanan ni Erin.

Nilisan ng ama ni Erin ang ipinaglaban nitong bayan dahil nanganganib pa rin ang buhay nito. Namuhay ito ng payapa sa isang malayong bayan at doon na pumanaw.

Napasakamay man ng masamang negosyante ang natitirang lupain, ngunit bigo itong matagpuan ang bundok na nais nitong minahin. Isang malaking misteryo ang biglang paglalaho nito hanggang sa mawala na sa ala-ala ng mga tao ang bundok. May mga mangilan-ngilang nakakaalala ngunit nagmistulang mito na lamang.

Dahil malupit ang negosyanteng nagmay-ari ng lupain sa mga tauhan nito, ang mga mahiwagang nilalang na itinalaga ni Keithia sa lugar na iyon na magbantay ang nagparusa. Walang makikinabang sa lupain kung hindi ginintuang puso ang taong magmamay-ari.

Mabuting tao ang Lola Esmeralda ni Olivia kaya’t nakuha nito ang bendisyon ng kalikasan.

“Babe?” Tawag sa kanya ni Erin.
“Are you ready?”

“Y-Yes.” Medyo nautal pa sya. Lihim syang kinilig nang tawagin sya nito sa endearment nila.

Kinuha nya ang pink na open-face helmet mula kay Erin habang puti naman ang gamit nito.

Sa Honesty Store sila lumitaw ni Erin pagkatapos nilang mag-almusal. Isang kapreng nakatira sa Umbrella tree malapit sa tindihan ang nagbabantay sa scooter ni Erin. Ito ang tagamasid sa mga tao. Kung may magtangkang magnakaw sa tindahan, agad nitong ginagamitan ng mahika para makunsensya at huwag ituloy ang binabalak.

Napapikit si Olivia nang maamoy ang watermelon scent mula sa itim na windbreaker ni Erin nang sumakay sya sa likod ng Vespa.

Dala ang kanyang compact digital camera, sinigurado ni Olivia na kunan ang mga magagandang tanawing nadadaanan nila. Hindi na rin sya nangiming yumakap sa beywang ni Erin habang sakay ng scooter nito.

Napakarefreshing makita ang malinis na kalsada, kawalan ng traffic, kulay berdeng mga burol at maging ang bughaw na dagat.
Matagal na nyang gustong mkarating sa Batanes mula nang mapanood ang isang travel documentary tungkol dito.

“Hindi naman mawawala ang picture mo after a certain period of time di ba?” Tanong nya kay Erin pagkatapos nya itong kunan ng larawan sa may Vayang Rolling Hills.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now