Aurora

554 70 16
                                    

CHAPTER THIRTY

SUMMER OF 2005

“One month lang naman talaga ang pledge nina Miranda. May dapat din itong asikasuhin kaya kinailangan na nilang umalis.” Ipinaghain sya ni Ma’am Kathy habang walang kibong nakaupo sa harap ng hapag si Olivia. Hindi sya makapaniwala sa narinig. “Akala ko alam mo.”

Olivia sadly shook her head. She was very disappointed with Erin for not mentioning it last night.

Dahil ba hindi rin nito alam kung paano sya haharapin? O dahil balewala lang kay Erin ang halik na iyon?

Olivia thought they had a connection. Sinabi rin nito ang mga sikreto ng pagkatao nito ngunit bakit hindi man lang nito nasabing aalis na pala ito?
Unless…

“Via, ayos ka lang?” Nag-aalalang untag sa kanya ni Ma’am Kathy nang hindi pa rin nya ginagalaw ang pagkain nya.

“Opo…Okay lang po ako, Ma’am.”
Hindi sya masyadong nakakain sa pag-aalala kina Erin. Baka may emergency kaya hindi na nakapagpaalam pa sa kanya ang dalaga.

Olivia’s mind kept wondering over Erin the whole day. She was unfocused. She just gave her class seat work instead and let herself freely think about Erin.

Buong araw syang walang sigla. Napangiti lang sya nang makitang naghihintay sa kanya si Aurora sa labas ng eskwelahan.

May dala itong basket na may lamang mainit na tinapay at mga prutas. Sumama sya rito para magmiryenda sa tabing- ilog.

“Kumusta ka na, Aurora?”

“Maayos naman ang kalagayan ko.” Abala si Aurora sa paglalagay ng keso sa tinapay habang hinihiwa naman ni Olivia ang hinog na mangga. “Buong araw kang malungkot kaya naisipan kong dalhan ka ng pagkain.
Tamang- tamang bagong luto ang mga tinapay sa bakery ni Mang Emong.”

Nagtatakang napatingin dito si Olivia. Paano nito nalaman? “Pinapanood mo ba ako?”

Aurora smiled guiltily. “Ibinilin ka sa’kin ni Erin. Bantayan daw kita at siguraduhing ligtas.”

“Nakausap mo sya?” Tumango ito.
“Kailan?”

“Kagabi. Bago sya umalis.”

Nagawang puntahan ni Erin si Aurora pero hindi man lang sya nito ginising.

“May namumuong bagyo sa karagatan malapit sa Visayas. Isang normal na bagyong pinapalakas at pinapatindi ng mga Kontaminados. Kapag hindi ito mapipigilan, matindi ang magiging pananalasa nito sa mga tao,” paliwanag agad ni Aurora. She detected that Olivia was upset. “Hindi na sya nakapagsabi sa’yo dahil ayaw ka nyang mag-alala. Hinabilin ka nya sa’kin. At hindi ko hahayaang may mangyari sayo.”

“Babalik pa ba sya rito?” Lagot sa kanya si Erin kung nagkataon. Wala syang pakialam kahit mas matanda ito sa kanya ng maraming taon.

“Wala syang nabanggit.” Aurora was apologetic for not giving her a definite answer.

Iwinaksi muna nya si Erin sa isipan dahil umiinit ang ulo nya. “Posible bang may umatakeng aswang?” Bigla syang natakot para sa mga kasamahan. Hindi rin gugustuhin ng Lola nyang may mapahamak sa mga volunteers. Higit sa lahat nag-aalala sya sa mga taong nakatira roon.

“Naitaboy na nina Erin ang mga masasamang aswang pero gusto naming masiguro ang kaligtasan ng mga tao, kaya nagmamatyag pa rin ako gabi- gabi.” Hinawakan saglit ni Aurora ang kamay nya. “Alam kong mahalaga ka kay Erin, kaya titiyakin ko rin ang kaligtasan mo.”

“Salamat, Aurora.” Olivia was grateful. “Salamat din sa pagprotekta mo sa’kin laban kay Kitara. Hindi pa kita napapasalamatan tungkol dun.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now