Eighteen

557 69 18
                                    

CHAPTER THIRTYSEVEN

SUMMER OF 2005

Ang malamyos na himig ng wind chimes ang gumising kay Olivia mula sa panaginip nya. Bumalik ang mga ala-ala nya tungkol kay Erin mula noong una nya itong makilala hanggang sa huling pagkikita nila noong sumapit ang ikawalong kaarawan nya.

Kahit nagsara ang pinto ng hiwaga sa kanya, may mga pagkakataong nagpakita sa kanya si Erin. Iyon ang mga sandaling pakiramdam nya’y nag-iisa sya o kaya nama’y nasa panganib ang buhay nya.

“You’re important to me, Olivia. More than you know.”

Olivia remembered her thirteen year- old self trapped in a condo unit. The building was on fire. Thick smoke made it difficult for her to breathe; her hand clamped on her nose and mouth.

It was a pajama party gone wrong. One of her classmates invited them for a sleep over. They had fun watching movies and playing games before sleeping but they were awakened by a loud explosion and what they thought an earthquake. Everyone started panicking when they saw smoke seeping through the door. They all scrambled to get to an elevator but realizing it stopped functioning, they took the fire exit.

Alarm blared. Fire came out of nowhere.

Olivia’s heart pounded in fear. Her only focus was to get out their alive. Then a woman, carrying a crying baby, suddenly grabbed her arm and pleaded for her help. One of the woman’s daughters was still in the unit.

Tears streamed down the woman’s face, as she explained how she thought to have grabbed her daughter’s hand only to discover the young child wasn’t with her.

Olivia was one floor away from danger but she didn’t hesitate.

“Lumabas na po kayo. Ako na pong bahala sa anak nyo.” Batid ni Olivia na kailangan nang makalabas ng sanggol kundi maso-suffocate ito.

She opened the fire exit door and entered the smoke-filled corridor.

Agad na narinig ni Olivia ang tinig ng isang batang babaing humihingi ng saklolo. Nasa dulo ito ng corridor at hindi malaman kung saan tutungo. Ramdam nya ang init sa buong paligid. Ano mang oras ay matutupok na ang lugar kaya nagmadali syang lapitan at kinarga ang umiiyak na batang tingin nya’y nasa anim na taong gulang.

Bago pa man sila makatakbo palabas sa fire exit, gumapang na ang apoy sa kisame, ding- ding at maging sa daraanan nila. Wala na silang matatakbuhan pa. Sumabay na rin ang agos ng luha nya sa iyak ng bata.

Halos hindi na makahinga si Olivia. Tanging apoy at usok na lang ang nakikita nya. Unti- unti na ring nababasag ang mga salamin sa paligid.

Nakita ni Olivia na nagbitak-bitak na rin ang salamin malapit sa kinatatayuan nila. Pakiramdam nya’y tinutupok na rin ang balat nya sa tindi ng init.

Halos magpanic na si Olivia nang tumigil na sa pag-iyak ang batang karga. Nawalan na ito ng malay. Alam na ni Olivia na katapusan na nya.

Wala na syang hangin. Usok na lamang ang nalalanghap nya. Sinikap nyang ibaba ang bata at niyakap ito nang mahigpit. Dinig nya ang paglagablab ng apoy na gumagapang patungo sa kanila at ang tuluyang pagkabasag ng salamin sa likuran nya.

Naisip nyang nasa langit na siguro sya dahil may magandang anghel na naglakad sa gitna ng usok at apoy patungo sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha nitong tinawag ang pangalan nya.

Nalanghap ni Olivia ang mabangong amoy ng anghel. Napalitan ng preskong hangin ang usok na nagpapahirap sa kanya sa paghinga. Pakiramdam nya’y nalinisan ang lalamunan nya sa pamamagitan lamang nang pagsamyo sa amoy nito. “Watermelon, my favorite,” isip ni Olivia at nagawa nyang ngumiti sa gitna ng kamatayan.

Watermelon DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon