Trap

515 63 4
                                    

CHAPTER FORTY

2005

Six or ten more Kont- X dropped from the trees, surrounding them, making escape impossible for Olivia and Archiel.

“It’s a trap.” Archiel cursed, realization shown on her face.

“Trap?” Sinikap ni Olivia na huwag magpakita ng takot kahit halos mangatog na ang tuhod nya.

“Stay close to me. If you have a chance, use your weapon.” Lumitaw sa magkabilang kamay nito ang dalawang kampilan.

Tumango na lamang si Olivia dahil tila nanuyo ang lalamunan nya. Paano kaya nila malalagpasan ni Archiel ang sitwasyon? Nahirapan sina Erin na talunin ang isang Kont- X, paano pa kaya ang mas marami?

Kita sa namumulang mata ng mga Kontaminados na determinado ang mga itong patayin sya.

Lalong nagdilim ang mga makakapal na ulap. Nagsimulang umihip ang hangin, ngunit hindi ito tulad ng kay Erin na banayad. Ang hangin ng mga Kontaminados ay naghahatid ng kilabot sa buong katauhan ni Olivia. Pakiramdam nya’y katapusan na nya.

Isa-isang inilabas ng mga kalaban ang kani- kaniyang mga espada. Unang sumugod ang mga ito sa kanila nang sabay- sabay.

Bago pa man dumipensa si Archiel, nabitak ang lupa sa paligid ni Olivia. Lumabas mula roon ang makakapal na baging na may dahon at tinik. Pumalibot ito kay Olivia hanggang sa maging isang hawla na puprotekta sa kanya.

The cage was surrounded with green energy. Olivia saw the same protective barrier from Ate Rhoda. Same scenario. Same dangerous situation, only the Kontaminados were more powerful.

Olivia was not the same scared child as before. She had something to defend herself. Erin’s bow and arrow appeared on her hands.

She could feel the power vibrating beneath her fingers. She concentrated and drew force from the weapon just how Erin taught her. Her eyes focused on the enemies.

Kung dati- rati’y hindi makita ni Olivia ang mga Kontaminados dahil sa sobrang bilis, tila nagslow- motion ang mga ito.

Kita nya kung paano tumarak ang mga espada ni Archiel sa dibdib ng mga Kontaminados. Sa sobrang bilis nito’y apat agad ang napaslang at nalusaw nito.

Ginamit din ni Olivia ang pagkakataong magpakawala ng isang palaso. Namula sa galit ang leader ng mga ito nang mabawasan pa ang mga tauhan nito.

Naintindihan na ni Olivia kung bakit si Archiel ang itinalagang magbantay sa kanya. Kakaiba ang lakas ng Kampilan. Sa isang iglap nagawa nitong patumbahin lahat ng mga Kontaminados maliban sa isa, ang nakalaban ni Erin noon.

Isang itim na lagusan ang lumitaw sa likuran ng Kont-X. Mula roon, lumabas ang napakaraming Kontaminados. Nanlilisik ang pulang mga mata, nababalutan ng itim na usok at kita ang mga matutulis na ngipin habang nakangising nakatingin sa kanila. Ilan sa mga ito’y may dalang iba’t ibang sandata.

Sumenyas ang leader at sabay- sabay sumugod ang mga bagong dating sa kanila ni Archiel. Sinubukang sirain ng ilan sa mga ito ang hawla ngunit bigo ang mga ito. Ilang Kontaminados ang napabagsak ng mga palaso ni Olivia. Nagdulot din ng katapusan sa mga kalaban ang mga espada ni Archiel.

Nagliwanag ang buong katawan ng Kampilan. Noong una’y inalakang libo- libong palaso ang nakita ni Olivia ang nagmula sa mga puno sa paligid. Tumama sa mga natitira pang kalaban ang mga dahong nagmistulang mga patalim. Hindi tumigil ang pag-ulan ng mga dahon hanggat hindi nauubos ang mga itim na nilalang.

“Sagabal ka sa misyon ko, aswang.” Pinunasan ng Kont-X ang umagos na pula at berdeng dugo sa gilid ng labi nito. Tinanggal nito ang mga sumaksak na dahon sa braso nito. “Pasensya ka na, Olivia. Ikaw ang sadya ko rito pero hindi kita maharap.” Ngumiting tumingin ito sa kanya matapos nitong saluhin ang panang itinira ni Olivia patungo rito. “Uunahin ko muna sya. I’ll get back to you.”

Watermelon DreamsWhere stories live. Discover now