Birthday Eve

658 69 24
                                    

CHAPTER THIRTYFIVE

SUMMER OF 2005

“I love you more than anything else, Olivia. I will walk through fire and back for you.” Those were Erin’s exact words Olivia kept replaying on her mind since.

“Nice watch.” Isang boses ang pumutol sa pag-iisip ni Olivia. Nakatingin si Pris sa wooden watch na suot nya.

“Thanks.” Olivia smiled when she remembered Erin giving it to her before they temporarily parted ways three weeks ago. She unconsciously touched it from time to time to remind herself that everything, including Erin, was real.

“Umamin ka nga,” Pris leaned forward across from her and whispered conspiratorially but enough for everyone on the table to hear, “may naging boyfriend ka sa mga volunteers noh?” She gave Olivia a teasing smile. “I won’t tell Mom and Dad about your summer romance. Promise.” She even winked at her.

Olivia tried hard not to throw the sausage she was about to bite on at Pris. She just glared at her grinning sister.

Jessica, who was sitting next to Pris, tried to hide her smile by sipping on her coffee.

“Lagi ka kasing nakangiti.” Nanunukso rin ang boses ng katabi nyang si Kristine.

“Is that a crime?” Hiniling ni Olivia na huwag sanang mamula ang pisngi nya habang pinapasadahan ng tingin ang Headline sa broadsheet na nakalapag sa mesa. She turned on the society page and saw an article about that year’s Asia’s Heroes of Philantropy. Her Lola Esmeralda was one of the awardees.

“Hindi naman. Kaso kadalasan nagde-daydream ka, Ate,” sagot ni Kristine at sabay- sabay na humagikgik ang tatlo.

Olivia tried not to mind them and went on eating. They were having their usual breakfast beneath the mango trees. Dumating sila sa Grego Farm one week ago. Sa Ilocos sya hinatid ni Erin kung saan nagbabakasyon ang kapatid at mga kaibigan.

Sumama ang mga ito sa kanya sa Grego Farm dahil doon nya gustong magcelebrate ng 18th birthday. Matagal na nyang nakumbinsi ang buong pamilya na simpleng celebrasyon lamang ang nais nya kaysa magarbong handaan. Ang perang dapat na gagamitin sa party ay idinonate nya sa Foundation nila para mas mapalawig pa ang mga proyekto para sa kalikasan.

Pupunta sila sa isang orphanage bukas para pakainin ang mga bata at magbigay kasiyahan sa mga ito. Magdo-donate din sya ng halaga para sa institusyon upang mas makatulong sa edukasyon ng mga bata. Magkakaroon naman ng simpleng dinner sa farm kinagabihan kasama ng mga kaibigan at pamilya.

Sa gitna ng Patapat Viaduct sila lumitaw ni Erin nang ihatid sya nito sa Ilocos. Walang ibang tao roon kundi sila at isang driver na nakasandal sa nakaparadang kotse sa dulo ng tulay habang naghihintay kay Olivia. Ito ang maghahatid sa kanya sa bahay-bakasyunan nila.

“Taruk is a Kampilan?” Ilang taon ng driver ng Lola nya ang lalaking naghihintay.

May mga Kampilan ang lihim na nakatalagang magbantay at pumrotekta sa mga taong tunay na kakampi ng kalikasan. Matagal ng naka-assign si Taruk para protektahan ang Lola Esmeralda nya.

“And this is me protecting you.” Inilabas ni Erin mula sa bulsa ng windbreaker nito ang isang maliit na kahong yari sa kahoy. Isang espadang kampilan na may hanging nakaikot dito ang nakaukit sa ibabaw. Isang relong yari sa kahoy ang laman niyon. “Lagi mong isusuot ito. Para alam ko kung ligtas ka. Malalaman ko kung nasa panganib ka. Darating ako agad.”

Isinuot ni Erin ang relo sa kanya. “Paano kung miss kita, darating ka ba kaagad?” Biro ni Olivia habang pinagmamasdan ang relo. The wood strap design was an intertwined vines and the clock face was like a triangular watermelon slice.

Watermelon DreamsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα