Chapter 1

8.4K 119 8
                                    


Mabilis akong tumakbo nang makita ko ang grupo nila Xane na papalapit sa akin. Nagtago ako sa ilalim ng bleachers para hindi ako makita.

Sumilip ako ng kaunti para tignan siya, nakita kong nakikipagtawanan ito sa mga kasama niya. Bakit nga ba ako nandito? Kainis kasi inutusan pa ako ni Warren para kunin ang t-shirts nito kuno, e pupunta naman pala iyon dito. At kasama pa ni Xane!

"Pare, kita mo si Hannah? Yung chick? Ang lagkit ng tingin sa iyo, parang kakainin ka ng buhay!" umaingawngaw ang tawa nila sa loob ng gynasium. Nakasuot ang mga ito ng jersey uniform pang basketball, mukhang mag pa-praktis na naman sila.

Pero hindi kasama ni Xane iyong mga kaibigan niyang sina Lance, Jett, Waytt at Elijah. Oo, kilala ko sila--kilala sila ng lahat. Kasama niya sila Warren, Zack at ng iba pang kasama sa Team Tigers.

"E yung isa? Iyong Amanda 'yung pangalan? Ayaw mo ba sa kaniya? Balita ko patay na patay iyon sayo" napairap ako sa pinsan kong si Warren dahil sa pinagsasabi niya. Alam niya kasing may crush ako kay Xane, pero hindi naman patay na patay!

Pinigil ko ang aking hininga at mas yumuko pa ng magsimula na silang mag laro. Hinintay ko iyong sagot ni Xane pero wala akong narinig.

"Ano pare? Ayaw mo ba? Sayang naman ang ganda pa--"

"Do you like her?" kumalabog ng mabilis ang puso ko dahil sa lalim ng boses na iyon. Sa mata ng lahat ay pilyo at babaero si Xane Reyes, pero para sa akin ay hindi. I believe there is something within him, and I wanna know what it is. 

Rinig ko ang malakas na tawa ni Warren "kung naririnig ka niya, anong sasabihin mo pare?" natatawang tanong nito habang nag di-dribble.

"She's too lame, I don't like plain girl" parang walang pake nitong sabi. Bigla ay para naman akong nasaktan sa sinabi niya, e ano namang magagawa ko kung plain lang ako? Wala naman akong maibibiling pera para sa mga mamahaling gamit gaya ng suot ng mga babaeng kasama niya.

"Oh-- baka hindi kana nun dalhan ng cupcakes" natatawang sabi ng isang kasama nila. Dumukdok ako sa ilalim ng bleachers bago sumalampak ng upo do'n. Malamang madudumihan iyong puting uniporme ko, pero ibababad ko nalang pag uwi ko, kaysa naman mangawit ako dito at manguryente pa ang mga paa ko.

Nasa pinakadulong bahagi kasi ako, pag gumapang ako maski dahan-dahan ay malamang makikita parin nila ako. Kaya minabuti ko nalang sumiksik do'n tsaka nangalumbaba sa upuan. Nakakapagod ngayong araw na ito, nag long test kami sa tatlo kong subject.

Pakiramdam ko ang nananakit iyong balikat ko, namamanhid din iyong legs ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, dahan-dahan akong tumayo takot na baka may paipit na ugat sa'kin dahil sa maling posisyon ko ng pagtulog.

Umupo ako sa bleachers "Ay kabayo!" napapikit ako at hindi maiwasang hawakan ang aking dibdib dahil sa gulat.

Bumungad lang naman sa'kin iyong mukha ng crush ko! Nakangisi siya at parang siyang-siya pa na pinagmamasdan ang pagkawindang ko.

"A-ano ba 'yan.." mahinang bulong ko tsaka nag-ayos sa sarili, pasimple kong kinapa iyong bibig ko at baka may takas na laway. Nakakahiya!

"Nursing student aren't allowed here, especially in this hour" napayuko ako dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang gwapo talaga ni Xane, kaya maraming nahuhumaling dito dahil sa walang kapantay ang ka-gwapuhan nito. Lalo pag nakangisi!

"May ki-kinuha lang"

"Really? I've been here for almost an hour, I didn't see you went inside. Ang layo ng building niyo sa gymnasium, are you stalking me again?"

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon