Chapter 6

2.5K 71 4
                                    


Amanda's POV

Paggising ko kinaumagahan ay mabilis ang kilos ko, kumain lang ako ng cup noddles dahil nagtitipid ako para sa susunod pang mga araw. Kahit tinotoo nila Janine ang sinabi nilang babayaran nila ang dapat kong sasahurin sana sa restobar ay tumanggi ako, pakiramdam ko kasi 'pag kinuha ko iyon ay parang pinatotohanan ko narin ang bintang sa akin ni Xane. At ayukong mangyari iyon, magutom man ako at least hindi ako nag-mukhang gold digger kay Xane.

Bumuntong hininga ako 'tsaka kinuha iyong reviewer ko sa maliit at sira-sira kong study table. Sayang at hindi ko siya magagawan ng cup cakes ngayon dahil wala akong ingredients pambili pero sa susunod na lunes nalang, babawi ako.

Lumabas na ako sa apartment at sumakay ng jeep papuntang Azet, bali dalawang sakay pa ako kaya gagastos pa ako ng sixteen pesos balikan. Buti nalang talaga at hindi ko nagagalaw iyong budget ko sa pamasahe.

Pagkarating ko sa Azet ay tumakbo ako agad, hindi pa naman ako late pero ayuko kasing makita sila Lena dito sa coridor. Pero pagkatapak ko palang papuntang med building ay natatanaw ko na sila malapit sa bench do'n sa soccer field.

Yumuko ako at dinahan-dahan ang paglalakad. Pero hindi pa ako nakakalagpas sa pwesto nila ay may nabunggo akong matigas na bagay. Kainis naman oh! Sabay ng mabilis kong pagtingin kung sino iyon ay ganon din ang pag-awang ng labi ko.

Dumako agad ang paningin ko do'n sa mapupula niyang labi na kapag ngumisi ay makalaglag panty, at sa matangos niyang ilong na parang ang sarap pisilin. Idagdag pa iyong mga kilay niyang naka-arko na naiinis dahil sa pagkabangga ko sa kaniya.

"Uhm.. X-xane.." Napapikit ako dahil sa bulol na pagkabigkas ko sa pangalan niya. Kailan naman kaya magiging tuwid iyong pananalita ko pagdating sa kaniya?

"Amanda" kumalabog ng mabilis iyong dibdib ko sa pagbigkas niyang iyon sa aking pangalan. Natandaan niya 'yung pangalan ko! Nakakatuwa!

"About last night.." Naglumikot ang aking mga mata.

"Lets forget about it, that was insensitive of me. Just don't get near with Janine and her friends then we'll be good" tila nasamid ako sa sinabi niya. Ni hindi manlang siya kumurap habang sinasabi iyon.

"Hi-hindi naman ako lumalapit--"

"Good" putol nito sa sasabihin ko pa sana. Mabilis itong umalis at nilagpasan ako. Nahigpit ko ang kapit ko sa strap ng aking bag. Ayukong maging negatibo dahil sa sinabi niya. Kapag lumayo ako kila Janine ay magiging good daw kami, ibig sabihin ay may pag-asa kahit maging friends manlang kami. First step to make him fall inlove with me.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Buti nalang ay hindi tumingin sa gawi namin iyong tatlo dahilan para hindi nila ako makita.

Pumasok na ako sa unang klase ko na si Ms. Gretchen, iyong nagkakagusto kay Xane. Napanguso ako, kahit medyo may edad ay walang ligtas kay Xane. Nakakainis hmmp!

"'Manda, nag review ka?" Napalingon ako kay Rick na bumulong sa'kin. Ewan ko ba pero wala akong kaibigan na babae dito sa mga ka-klase ko. Hindi naman ako nangaaway, hindi naman ako masungit maski ang mukha ko ay hindi naman.

"Oo" bulong ko.. Saglit nga, ba't ba kami nagbubulungan e kami palang namang dalawa dito.

"Talaga? Pakopya mamaya ha" hindi ko maiwasang mag pocker face dahil sa sinabi niya. Bakit kasi hindi nagre-review ang lalaking ito, ang hirap-hirap ng pa quiz ni Ms. Sinasayang lang niya iyong pera ng parents niya pampaaral sa kaniya.

"Oo na, alam ko na, na sinasayang ko lang yung pera ng magulang ko kasi hindi ako nag aaral mabuti. Amanda naman, puyat lang kagabi kaya hindi nakapag-review" baklang 'to.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon