Chapter 25

2.4K 48 0
                                    

"Bakit hindi? Kapag ibang babae naman ang nagkaganito ay gustong-gusto niyo, bakit pag ako hindi pwede?" Pumadyak-padyak pa ako bago umupo sa sofa at nagkunwaring galit. Sa totoo lang ay nanginginig ang aking mga tuhod kaya kailangan kong umupo para hindi ako bumagsak. Kinakabahan ako. 

"What the h.ll are you saying Amanda Dela Cruz?!" Nag linya ang aking mga labi para iwasan ang pag tawa. Kailangan pa ba niyang kumpletuhin ang pangalan ko? Galit na galit ang mukha nito at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. 

"Totoo naman, Xane, pag ibang babae ang nag suot ng ganitong damit ay todo tingin kayong may mga girlfriend na pero pag ang girlfriend nyo naman ang nag suot ay nagagalit kayo" hindi ko matanto kung nagtunog galit ba iyon o mahinahon, hindi ako marunong magalit! Pero salamat kay Janine ay nagkaroon ako ng idea sa sasabihin ko sa kanya. 

"Wow, now you are learning to talk me back huh. Where did you learned it? From Auring? From your friends? Huh? Where Amanda?" Hinila nito ang aking kamay sabay hapit sa aking katawan. 

"You are now learning to disobey me, should I ready myself for a rebel girlfriend then?" Bulong nito, sobrang seryoso. Napatungo ako, bigla naman akong nakonsensya. 

"S-sorry po.." Hindi naman ako nag rerebelde.. Kumalas ako sa yakap niya at agad na tinungo ang pinto ng cr tsaka pumasok doon. 

Umupo ako sa gilid ng pinto nun, sa may dingding para kalmahin ang aking sarili. Dapat ay hindi ko na lang iyon ginawa! Baka mamaya ay isipin niyang matigas ang ulo ko at bigla nalang akong iwan dahil hindi ako sumusunod. 

Napakurap-kurap ako para mawala iyong namumuong tubig sa aking mga mata. Bigla akong natakot sa kaalamang baka hiwalayan ako ni Xane kasi hindi ko sinunod ang utos niya. Pwedeng-pwede niya akong palitan kahit ano mang oras ang gusto niya. 

Natanto kung dehado pala talaga ako sa kanya. Sa simpleng mga salita lang niya ay nababaliw na ang utak ko sa kakaisip ng maaari niyang gawin dahil sa hindi ko nasunod ang gusto niya. 

Dehado ka Amanda.. Dehadong-dehado. 

"*tok *tok, Amanda?" Napapikit ako ng mariin sa gulat ang kaba. Hindi ako nagsalita at hindi gumalaw sa aking pwesto. 

"Babe? Open the door" tinakpan ko ang aking tainga at pinigil ang pagtulo ng aking luha. 

Bakit ganito? Bakit sobra akong natatakot? Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan sa sarili ko.

"Amanda, open the door babe. I'm sorry if I am too demanding, open the door or I'll destroy it." Narinig kong sabi niya habang kinakatok ng paulit-ulit yung pinto. Pinunasan ko ang aking luha at tumayo, nakatungong binuksan ko ang pinto. 

"Hey.." Hinawakan nito ang aking braso bago ang aking baba para magtagpo ang aming mga mata. 

Kita ko ang paglambot ng ekspresyon niya ng makita ang medyo basa kong mata dahil sa pagluha. 

"You cried" seryosong pahayag nito. 

Umiling ako, "n-nag hilamos lang ako.." Palusot ko pero mukhang hindi naman siya naniniwala. 

"You stuttered yet you dare to lie" iling-iling nitong sabi. Napayuko ulit ako "I-ikaw nalang ang kumain, hindi napo ako sasama" mahinang bulong ko bago tumalikod sa kaniya at pumunta sa kama bago maghalungkat muli ng pantulog na damit sa aking bag. 

"Sh.t naman" rinig kong mura nito bago siya lumapit sa akin. 

"Fine! You can wear that but at least wear my jacket to cover your upper body. That's too revealing babe, every man will get a hard on if ever they see you like that, believe me" parang napipilitan nitong sabi. Hindi ako tumingin sa kaniya at umiling nalang bago ipinagpatuloy ang paghahanap ko ng damit. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon