Chapter 24

2.2K 54 0
                                    


Amanda's POV

Napatingin ako sa pinto ng tumunog iyon, agad akong napaigik ng makaramdam ng medyo masakit sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko maiwasang pagpawisan dahil sa kaganapan na rumihistro sa aking isipan. 'Yung nangyari kanina sa amin ni Xane! 

Kaya pala ako nilagnat dahil sobrang-- "Amanda?" Napukaw ang paglalakbay ng aking balintataw ng marinig ko ang boses ni Janine. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mabango't magandang pinsan ni Xane. Nakangiti ito na parang natutuwa sa gagawin namin. 

"Ang tagal mo mag bukas, may ginagawa kayo?" Agad akong nag yuko para itago ang aking mga mata, magaling bumasa si Janine, tutuksuin na naman ako nito pag nagkataon o kaya baka sabihan na naman niya akong magingat kay Xane. 

"Uhm.. Nasa shower room si Xane" tumalikod ako para umupo sa sofa, rinig ko ang pagsunod ni Janine at pag upo sa tabi ko. 

"Okay, so here is it!" Excited na sabi nito. Napatawa ako dahil bahagya pa niyang inilundag ang pangupo sa sofa bago ipakita sa'kin iyong dala niyang kakapiranggot na damit. 

"Sigurado kabang iyan ang isusuot ko?" Alanganing tanong ko sa kanya, napanguso ako ng pumaikot ang mata nito. Siguro ay nakaka sampung beses ko ng tanong iyon simula ng sinamahan ko siya sa mall para bumili, at nakukulitan na siya sa akin. 

"Yes, ayaw mo ba?" Pinaglaruan ko ang aking mga kamay, baka kasi magalit si Xane. Kaninang umaga nga lang ay pinasuot niya ako ng jacket niya tapos ngayon naman ay mag susuot ako ng two piece? Baka bumuga iyon ng apoy! 

"Uhm.. Baka kasi pagalitan ako ni Xane?" 

"Tsk, panira talaga 'yang tubol na 'yan. Pag siya pwede tumingin sa sexy-ng babae tapos ikaw bawal tingnan ng ibang lalake?" inis na sabi nito, itinupi niya ang black two piece, maong shorts, at see through sa tabi niya bago muling tumingin sa akin.

"Kaya hindi ako pumapayag pag nag iinarte si Jett sa mga damit ko eh. Kung lolosiyang losyang ka titingin 'yan sa iba, tapos magseselos ka kasi pakiramdam mo may mas maganda sa paningin niya" napapikit-pikit ako sa sinabi ni Janine, seryoso ang tingin nito sa akin, walang halong pagbibiro. 

May punto nga naman siya, kung lagi nalang ganito ang suot ko ay baka hindi higpitan ni Xane ang kapit niya sa'kin. Naturalesa sa mga lalaki ang mapatingin sa magagandang babae lalo na pag nakakaakit din ang suot ng mga ito. Napatingin ako sa damit ko, isang mahabang short na hanggang tuhod at 'yung white t-shirt ni Xane. 

"Well.. If it's not your cup of tea then I won't force you to wear this--iyon ay kung gusto mong mas pagpantasyahan ni tubol ang ibang babae kesa sayo" napailing ako ng paulit-ulit sa sinabi niya bago kinuha 'yung mga damit at ipinatong ko sa aking hita. 

"Sige susuotin ko na ito" mabilis kong sabi. Ayoko namang mangyari iyon! 

Ngumiti si Janine na parang nanalo sa loto, napanguso ako. Wala akong no choice. Yumakap ito sa akin bago tumayo, "paano, hihintayin nalang namin kayo sa lobby. Wear that okay? Make him insane more para hindi ka niya lokohin" natatawang sabi nito. Ngumiti ako sa kaniya at sinamahan siya palabas ng pinto. 

"Ingat!" Sigaw ko ng makarating siya sa elevator, sa susunod na palapag lang siya kasama niya sila Lena at Emerald. Ngumiti ito ay iwinagayway ang kamay sa akin. Pumasok ako sa loob at tinignan ko iyong two piece, napabuntong hininga ako, kakayanin ko ito!

Napaigtad ako ng biglang bumukas ang pinto ng cr kaya mabilis kong itinago sa likod ko iyong mga damit. Buti nalang at nakayuko siya habang nagpupunas ng buhok.

Nakasuksok lang sa baywang nito ang kawawang tuwalya na parang malalaglag na, nakagat ko ang loob ng aking pisngi, ang hot ni Xane! 

Pinatungan ko muna ng throw pillow iyong two piece kasama ng maong shorts at see through bago lumapit sa kanya at tinulungan siyang mag patuyo ng buhok. Ng makalapit ako ay agad niyang hinapit ang aking baywang saka ako niyakap. 

"Hmm.. Why you still smell really good after we make love so many times?" Nag init ang aking pisngi, kailan pa ba niyang ipaalala iyon? Ang kulit kasi nya eh, kung 'di pa ako nakatulog sa pagod ay 'di pa siya titigil. 

"Mas mabango ka na" biro ko bago ko punasan iyong basa pa niyang dibdib at braso. Tumingin ako sa kaniya at medyo basa pa ang mukha at leeg niya kaya iyon naman ang sunod kong pinunasan. 

"Dapat ay punasan mong mabuti ang katawan mo bago ka lumabas ng cr, malamig pa naman dito sa loob" sabi ko habang abala sa pagpunas. Napatingin ako sa kaniya ng hindi siya nagsalita. 

"Bakit?" tanong ko. Nakatingin lang din kasi ito sa akin, hindi ko masabi ang emosyon ng kanyang mga mata kung nawiwili ba siya o nagulat. 

"Nothing" sabi nito tsaka ako hinalikan. Napangiti ako bago tumugon sa magaan niyang halik. Nagtagal pa iyon ng ilang segundo bago ako nito yakapin at halikan sa leeg. Napapansin kung ang hilig humalik ni Xane sa leeg. Baka alam niyang mas nakikiliti ang mga babae sa parteng iyon kaya walang mintis ang paghalik niya do'n. 

"Take a shower then will be having our dinner in the restau." Kumalas ako sa kaniyang yakap at tumango, pumunta ito sa kama at kinuha ang damit na inihanda ko para sa kanya ako naman ay palihim na kinuha yung kaninang itinago ko sa throw pillow. 

Ng makuha ko ay mabilis akong pumasok sa cr at nagbihis. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, isipin ko palang ang reaksyon niya ay parang nanginginig na ako sa takot. 

Pagkatapos kong maligo ay doon na rin ako sa loob nag bihis. Tinignan ko ang aking itsura sa salamin, unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Ibang-iba ang aking itsura ngayon, dahil sa maputi ako ay mas nadipina pa ito dahil sa suot kong itim na see through at halata ang itim ko ring panloob. Naging halata iyon dahil sa braso at tiyan kong maputi. 

Humugot ako ng malalim na hinga bago pinihit ang seradura at lumabas ng cr. Paglabas ko ay agad kong nakita si Xane na nakahiga sa sofa habang hawak ang telepono. Suot na nito ang white polo, isang brown short na hanggang tuhod at mayroon din itong mamahaling relo sa kamay. Napaka-gwapo niyang tignan! Sigurado akong mapapalingon na naman ang mga kababaihan dito. 

Dahil sa kaba ay maingat ang paghakbang ko, dahan-dahan.. Huminga ako ng malalim ng makarating ako sa ref para uminom ng tubig napapitlag ako at mariing napapikit ng marinig ko ang boses ni Xane. 

"What the h.ck Amanda?!" Dahan-dahan ang pagpihit ko sa harap niya, nakatayo na pala siya! 

Masamang-masama ang tingin nito sa akin na parang may gingawa akong malaking kasalanan. 

"The f.ck?!" Lumapit ito sa akin bago ako hinagod ng tingin mula sa aking talampakan hanggang sa aking mukha. 

"Change!" Napatungo ako, kaya mo 'to Amanda! Kaya mo! 

"Ayaw.." umiling-iling ako, pinaglaruan ko ang aking mga daliri dahil sa kaba. 

"I. Said. Change." Madiin nitong sabi. 

"Ngayon lang naman babe.. Sige na" lumabi ako at yumakap sa kaniya, sabi ni Lena ay lambingin ko raw para pumayag. Sabi naman ni Emerald ay mag galit galitan daw ako, samantalang huwag ko raw pansinin sabi ni Janine. Ayuko naman siyang awayin kaya susubukan ko ang sinabi ni Lena. 

"Who gave you those sh.ts? You bought it? Where did you get it?" Napatingala ako sa kanya, ayokong sabihing kay Janine galing ito, baka makipag away na naman siya sa pinsan niya. 

"Ngayon lang naman. Nandiyan ka naman.. Please payagan mo na ako.. Please.." Hinawakan ko pa ang kaniyang magkabilang pisngi bago ko siya kinantalan ng magaan na halik sa labi. 

"NO." Napanguso ako, hindi effective? Kay Emerald naman. Sana naman..

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon