Chapter 44

2.2K 48 2
                                    


Amanda's POV

"Paano? Iwan na kita rito?" napangiti ako ng hawiin ni Lena ang takas kong buhok. 

"Sige Lena, salamat" ngumiti ito sa akin at yumakap. Maghapon kaming magkasama ni Lena, Emerald, at Janine sa school. Hinila ako ng mga ito sa kanilang meeting kanina para sa susunod na laban ng Azet sa Jinza. Wala naman akong naitulong-- ginawa pala nila akong secretary. Pinaglista nila ako ng plano nila para sa event na mangyayari. 

Nakaka-amazed nga dahil napaka galing nila mag plano, makikita kung gaano kagaling si Emerald mamuno, kung paano siya mag latag ng plano. Nakakatuwa. 

Hinatid ako ni Lena rito sa restaurant malapit sa condo nila Janine, gusto nga ni Janine na siya na ang maghatid sa akin pero madadaanan ito ni Lena papunta sa bahay nila kaya siya balang ang nag prisinta. Maaga ang dismissal namin kanina.

Kumaway ako kay Lena habang paalis ang sasakyan nito. Bumuntong hininga ako tsaka tumingin sa paligid, napakaganda naman ng restaurant na ito. 

"Good afternoon, ma'am. Any reservations?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. 

"Uhm.. Opo, Amanda Dela Cruz" sabi ko rito. Ngumiti ito tsaka ako iginiya papasok sa second floor ng restaurant. 

"You really reserved this special place, I am sure you will absolutely enjoy your date here, ma'am." turan ng babae, napatingin ako sa first floor ng restaurant, nakikita ko iyong mga customer na masayang nag uusap habang kumakain. Nakakatawa lang isipin kasi ako lang itong naka uniform at lahat sila ay maayos ang damit. 

Marami pang sinabi 'yung babae na sa tingin ko ay siya 'yung manager dito. Umupo muna ako habang hinihintay si Xane. 

Tinext ko siya kanina na pumunta siya rito sa restaurant. Ililibre ko siya ngayon! Pinag ipunan ko talaga ito dahil gusto ko ako naman ang gumastos ngayong second monthsary namin. 

Nag bake ako ng maraming cupcakes at binenta ko sa mga kaklase ko, hindi niya iyon alam kasi madaling araw ako gumagawa at masinop kung itinatago iyon sa aking bag para hindi niya mapansin. Nag gawa rin ako ng mga assignments at reviewers ng mga kaklase ko, kapalit nun ay babayaran nila ako. Ipinapaliwanag ko ng mabuti kung paano nakukuha ang sagot ng mga takdang aralin namin para mapag aralan din nila. 

Pero napapansin ni Xane na ang pagiging busy ko, hindi naman siya nag dedemand ng oras dahil nasa tabi ko lang siya, nanggugulo kapag may ginagawa ako. Hinahayaan ko lang din siya para hindi niya mapansin na may plano akong ganito. 

Napatingin ako sa oras, mag aalas sais na, sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot. 

Naiinip na ako at nagugutom. Pumangalumbaba ako sa mesa habang tinitignan iyong orasan sa aking relos.  Nakalimutan ba niya?

Sa halos dalawang oras kong paghihintay ay biglang tumunog ang aking selpon. Mabilis ko iyon tinignan at napangiti ako ang pangalan ni Xane. Nag text. 

Binasa ko ang kanyang mensahe, biglang bumagsak ang aking balikat ng hindi raw ito makakapunta. Tinanong ko kung bakit pero hindi na ito nag text. 

Nanghihinayang ako sa reservation. Malungkot kong nilisan ang restaurant na iyon tsaka sumakay sa taxi at nagpahatid sa condo. Habang nasa sasakyan ay hindi ko mawari kong ano ang nararamdaman ko. Para akong nababalisa na kinakabahan, hindi ko maintindihan. O baka nadismaya lang ako sa sagot ni Xane? Nakalimutan ba niya na monthsary namin ngayong araw? Pero imposible naman, napag usapan pa nga namin kung ano ang gagawin namin ngayong araw. Hindi lang natuloy kasi nag practice sila kanina. 

Napabuntong hininga ako tsaka itinuon ang tingin sa daan. Gabi na, ilaw na galing sa malalaking gusali at sa daan nalang ang nagiging tanglaw namin. Habang pinagmamasdan ang gabi ay para akong nalulumbay, kakaiba pala sa pakiramdam kapag gabi na mainam pa rin pag maliwanag ang paligid. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon