Chapter 52

2.1K 45 0
                                    

Amanda's POV

"Amanda, please talk to me" binilisan ko ang paglakad para hindi ako mahabol si Xane. 

"Angel" tawag ulit nito. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin? Malinaw naman ang mga sinalita ko sa kanya noong nakaraang araw. 

Ilang araw ko na rin siyang iniiwasan. Kapag nag aaya sila Janine ng lunch ay hindi ako sumasama, alam ko kasing nandoon siya. Kapag may lakad ay nag papaiwan din ako. Kahit na bumalik na ako sa apartment kahapon ay hindi parin ako lumalabas. Liban lang pag pumapasok ako rito sa school. 

"Amanda, please.." tumigil ako sa aking paglakad ng maulinigan ko ang pagod sa boses nito. 'H'wag ngayon, Amanda' 

Pumikit ako ng mariin. Kung paiiralin ko ang aking puso, sa putikan na naman ang bagsak ko. Ayos na. Tapos na. Wala ng babalikan. 

"Angel.." hindi ako nagpumiglas ng yakapin ako nito patalikod. Hindi ako lumingon, ayokong makita ang mukha niya, baka malusaw ang pader na unti-unti kong itinatayo sa pagitan namin. 

"Babe.. Ayaw mo na ba talaga akong kausapin?" mahinang bulong nito. Ako'y nananatiling bingi. Hindi na maintindihan kung ano pa ang ipinaglalaban ni Xane. Kung hindi niya ako mahal, ano pa ang rason niya? Dahil ba nabasag ang ego niya? O talaga pinagti-tripan lang niya ako? 

"Xane, bitawan mo ako." mahinang sabi ko pero umiling lang ito. Humipit pa lalo ang kanyang yakap sa akin. 

"Ano pa ba ang gusto mo?" 

"I want you back, Angel. Please.." umiling ako. 

"Gusto mo akong bumalik, para saan? Ang daming ibang babae diyan. Doon ka nalang." bulong ko. Kahit papaano ay nakakaya ko na siyang ipagtabuyan, pero kahit anong kubli ko, nalalasahan ko ang pait ng pagtataboy ko sa kanya. 

"I don't want to. Ikaw ang gusto ko" nailing ako. 

"Sinungaling" mahinang sabi ko. Ramdam ko ang pagtigil niya at pagluwag ng kanyang yakap. 

"What?" lumunok ako at lakas loob na humarap sa kanya. 

"Parausan mo lang naman ako diba? Ngayong bumalik na ang girlfriend mo, ang bilis mong makipagtalik sa kanya. Sana manlang nakipag hiwalay ka muna sa akin bago mo iyon ginawa. E'di sana hindi mas masakit." tumulo ang aking luha sa realisasyong iyon sa aming relasyon. Noong pumasok iyon minsan sa aking isipan ay sobrang sakit, pinipilit kong alalahanin 'yung mga ipinakita niya na mukha namang totoo. 

Kinulong ko ang sarili ko sa mga ala-alang iyon. Sa mga salita niyang matatamis. Pero natanto kong habang ikinukulong ko ang aking sarili, lalo lamang akong nalulunod sa sakit. 

"That's not true" malamig nito sabi. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pants. 

Napalunok ako sa kaba. Malamig ang tingin nito sa akin. "Is that what you thought of yourself? Do you think I would waste my time to chase you if I don't like you?" nakagat ko ang loob ng aking pisngi. 

"I may have committed mistakes, Amanda, but I never think of you in that way. I never treat you like that" diretso ang tingin nito sa akin. 

"K-kung ganon, bakit hindi ka nagsasabi sa akin?" kahit nahihirapan ay pinantayan ko ang kanyang mga tingin.

"Magka-klase kayo ng babae mo. Ni hindi mo manlang nabanggit sa akin, susuyuin mo ako habang nagkikita kayo? Sa tingin mo Xane, maniniwala pa ba ako?" nagsimula ang pagkasira ng tiwala ko dahil sa sakit na ibinigay niya sa akin. Iyon ang nakuha ko sa sobrang pagtitiwala sa mga sinasabi niya at nararamdaman ko para sa kanya. Walang magandang dulot. Gustuhin ko mang iwaksi ang mga agam-agam sa puso ko, hindi ko magawa. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon