Chapter 60

2.4K 69 9
                                    

Amanda's POV

It's been 5 years..

It's been 5 years but Xane never bothered to contact me. I've been living like a marionette for the last 5 years of my life. Maybe he already forgot about me. Wala akong balita kahit ano, maski kahit kila Emerald.

Pinunasan ko ang aking luha at itinago sa drawer ang picture frame na magkasama kami ni Xane. Bumuntong hininga ako, kailan magiging maayos ang puso ko?  

"Love!" Ang kaninay pangungulila ko ay agad napalitan ng galak ng masilayan ko ang masayang tumatakbong bata papalapit sa akin. 

"'Ma, may starts ako" mabilis na ipinakita ng aking anak ang kaniyang starts sa kamay.   Kinuha ko ang maliit niyang bag na superman at tsaka siya niyakap ng mahigpit. Paano ako makakalimot gayong araw-araw pinapaala ni Zen ang wangis ng kaniyang Ama.

"'Ma.. Ma, hindi na 'ko makahinga" mabilis ko siyang pinakawalan dahil sa reklamo ng pilyo kong Anak. 

"Sorry baby, na miss ka lang ni Mama" tumingin ito sa 'kin habang naniningkit ang mga mata. Hindi naniniwala sa sinabi ko! 

Ginulo ko ang malampong niyang buhok, medyo basa pa iyon dahil sa pawis. "Saan ka na naman ba nagsususuot? Nakipag habulan ka na naman ba kay Lilay?" Tanong ko, nakita ko ang kaniyang pag nguso at pag irap. Ang batang ito! 

Kinuha ko ang bimpo nito sa bag at ipinunas sa kaniyang tiyan at likod. "Si Lilay? Yung maarteng piling maganda? Ipalapa ko pa siya sa aso ni Mang Perding eh. Piling mayaman, piling marunong mag english. Wherea your there daw" nanlalaki ang aking mga mata dahil sa naririnig ko sa batang ito. Gusto ko mang tawanan ang kaniyang panggagaya sa kapit bahay namin bata ay baka isipin niyang tama ang pagsusungit niya sa bata.

Pinaharap ko ito sa akin, "Zen Xaipper! Saan mo natutunan iyan ha?" Sigaw ko sa kaniya. 

"'Ma, 'wag mo akong sigawan, nandito lang ako oh, sa harap mo. Nabibingi 'yung gwapo kong tainga." napatampal ako sa aking noo. Mukhang tatanda ako ako ng maaga sa batang ito. 

"Oh siya, magbihis ka na't aalis na tayo" mabilis kong kinuha ang kaniyang extra shirt sa aking bag, inilabas ko rin ang bulbos nito para mabango siya. Ayaw na ayaw niya kasing nangangamoy maasim siya. Hindi na raw siya gugustuhin ng crush niya pag nagkataong maamoy siyang mabaho. Napaka bata pa pero may crush-crush ng nalalaman. Mana talaga sa Ama! 

"Saan ka sumakay? Kay Manong Juan ba?" tanong ko sa kaniya habang binibihisan siya. H'wag ko na raw siyang suduin at siya na ang pupunta dito sa maliit namin flower shop dito sa bayan. Ibinilin ko naman siya kay Manong Juan, iyong tricycle driver at family friend do'n sa amin na dito na ibaba ang aking anak. Kada buwan naman ay binabayaran ko ang service ni Zen sa kaniya. 

"Oo 'ma." maikling sagot nito, tumaas ang kilay ko ng lumapit ito sa kaniyang bag at may hinalungkat doon. 

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan. Habang lumalaki si Zen ay nagiging kamukha niya ang kaniyang Ama. Kaya hindi na ako magtataka kung marami itong mapaiyak na kadalagahan paglaki nito. 

Sa dinami-dami ng pasakit na naranasan ko kay Xane. Lahat iyon ay napawi dahil sa anak namin, siya man ang naging dahilan ng pagkadurog ko, siya rin naman ang dahilan kung bakit ako may Zen ngayon. Kung babalik man ako sa panahon kung kailan ako lumagapak. Pipiliin ko paring masaktan dahil kay Zen. Pipiliin kong danasin ulit ang mga bagay na iyon para sa anak ko. Siya ang nagsilbing ilaw ko sa mga panahong nagsisisi at nasasaktan ako. Siya ang nagsilbing lakas ko sa buhay. Siya ang naging dahilan kung bakit ako bumangon at magpakatatag. 

"Umiiyak ka na naman. Hindi ko talaga alam kung bakit andaming nanliligaw sayo gayong ang pangit-pangit mo umiyak" napatawa ako dahil sa sinabi ng anak ko habang pinupunasan nito ang aking mga luha gamit ang kaniyang maliliit na kamay. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon