Chapter 10

2.6K 68 1
                                    

Pasado alas singko na ng umaga ng magising ako. Ng maalalang natulog kagabi dito si Xane ay mabilis kong nilingon ang pwesto niya, pero wala siya doon.

Umupo ako sa maliit kong kama tsaka inabot iyong comforter ni Xane para tupiin. Asa'n naman kaya iyon? Baka umuwi na.

Hindi ko naman siya masisisi, ito baja nga masakit ang likod nun dahil sa hindi komportableng higaan nito.

Pagkatapos kong magtupi ay agad akong lumabas sa aking silid.

"F.ck! Sh.t! Sh.t!" Napadako ang aking paningin sa maliit na kusina ng apartment. Nangangamoy sunod!

"Xane?" Lumpapit ako sa lalaking nagtatatalon-talon dahil sa mantikang tumatalamsik sa kaniya.

"Xane"

"F.ck! Babe, stay away from here! Sh.t! aw!" Hindi ko maiwasang mapahalakhak ng magtata-talon pa ito ng sobra. Parang nangangarate na ewan si Xane. Ang cute niya!

"What's funny?!" Sinamaan ako nito ng tingin tsaka inusog ng kaunti palayo sa niluluto niyang tocino na nagkandasunog-sunog na.

Hinihingal ito habang hawak ang tyanse at takip ng kawali. Masamang-masama ang tingin sa akin.

"Babe" babala nito ng makita niyang tatawanan ko na naman sana siya.

"Eh bakit kasi ganiyan ka?" Natatawang tanong ko bago siya nilapitan at pinunasan ang pawis niya sa noo.

Madaling araw pero pinagpapawisan. "Akin na 'yan" sabi ko at akmang kukunin ang hawak niya ng biglang pigilan ako nito.

"No. look, you're so fragile, the boiling oil might eat you" napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hirap mairihistro ang tinuran niya.

"Joke ba 'yan?" Tinantiya ko ang mukha niya pero parang hindi naman siya nag jo-joke. Inusog pa niya ako para ipagpatuloy ang pagpi-prito niya.

Napangiwi ako ng dumako ang paningin ko sa niluto niyang hotdogs, sobrang sunog! Hindi ko na nga makilala kong ano iyon.

Narinig kong muli ang malutong niyang pagmura ng may buong mantika na tumalsik sa braso niya. Naiiling akong lumapit at kinuha ang pagkakataong iyon para patayin ang kalan.

"Babe"

"Ako na diyan, ba't ang aga mong nagising?" Kinuha ko iyong tyanseng hawak niya ako hinango na iyong tocino na sunog. Mag-uuling pala si Xane. Hindi manlang niya ako sinabihan.

"Why are you smiling?" Yumapos ito bigla sa aking baywang at ipinatong ang baba nito sa aking balikat na animoy pinapanood ako sa aking ginagawa.

Pinilit kong huwag ma-distract at ignorahin ang maiinit niyang hininga sa aking leeg. Para kaming mag-asawa!

"Wala lang. Bakit nga ang aga mong nagising?" Pinahap ako nito sa kaniya para sana halikan ng takpan ko iyong bunganga ko.

"Hmp.. 'Di pa ako nagtu-toothbrush"

"I don't care, I want your kiss in the morning" sabi nito at pilit na binabawi ang kamay kong nakatakip sa aking bibig. Gusto ko mang kiligin pero nakakahiya talaga!

"Hmmp" umiling-iling ako at hindi nagpatinag.

"Give me a kiss, Amanda" seryosong sabi nito habang marahang lumalakbay pabalik-balik ang kamay niya sa aking baywang. Tumabingi ako para ituro ang aking pisngi.

"Okay, dito nalang po" pinindot-pindot ko pa iyon para sugsugan siyang do'n nalang ako halikan.

"Fine, but I'll kiss you next time on the lips" ngumiti ako tsaka tumango ng paulit-ulit, hindi tinatanggal ang takip sa aking bibig.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon