Chapter 38

2K 42 0
                                    

Amanda's POV

"Gurl, narinig mo na ba ang bali-balita dito sa campus?" napatigil ako sa pagsusulat ng pumangalumbaba si Rica sa aking mesa. 

"Anong balita?" 

"'Yung transferee nakita mo naba? Ang ganda niya. Bali-balitang kaibigan daw 'yon ni Ms. Janine." napahinga ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga walang pinapalagpas itong si Rica. 

"Hindi pa." tipid kong sabi, tingin ko naman ay wala na ako doon. Kung gusto ni Janine na magkaayos sila nung kaibigan niya ay ayos lang, suportado namin siya. 

Tsaka malaki ang campus, hindi ko nga makita si Hannah-- bakit ko naman siya gugustuhing makita? 

"Ano ba 'yan. 'Di ka talaga marunong maki-socialize, kaya ka napag iiwanan sa issue eh." nagkibit balikat ako, sabi ng dapat nag masscom ang binabaeng ito eh. Tsaka hindi naman ang makialam sa buhay ng iba ang dahilan kung bakit ako nag-aaral dito sa Azet.  

"Oh siya, mauna na ako. Mag review ka, may long quiz tayo bukas" umirap si Rica sa akin. 

"Sige na ma'am, salamat sa paalala" sarkastikong sabi nito. Napatawa ako bago niligpit ang aking mga gamit. Mabilis akong magpaalam ng makita ko si Xane sa may pinto ng classroom. Kaya pala ang tahimik dahil tinitignan pala ng mga ka-klase ang lalaking ito. 

Ngumiti ako ng matamis bago lumapit sa kanya. "Babe" tawag nito kapagkuwa'y hinagkan ang aking labi. Nagyuko ako, nakakahiya naman! 

Hinila ko siya paalis sa classroom, kinuha nito ang aking bag at sabay kaming naglakad sa coridor. 

"Kumain kana?" masiglang tanong ko. 

"Do you think I can eat without you?" napanguso ako. Hindi ko naman hawak ang cafeteria. 

"'Tatanong lang, ta's magtatanong din" bulong-bulong ko. Narinig ko ang kanyang pagtawa, hinapit nito ang aking baywang. Gaya ng dati, marami paring mga matang mulawin na nakatingin sa amin. 

Hindi ko nalang pinapansin, basta't hindi naman sila nakakasakit pisikal ay ayos lang. 

Sabay kaming pumasok sa cafeteria, nilibot ko ang aking paningin, hindi ko makita sila Janine. 

"Asan ang pinsan mo?" tanong ko habang pinaghihila ako nito ng upuan.

"They are having their practice--with her team." napatango ako, Volleyball captain pala si Janine. 

"Babe?" napatingin ako kay Xane, seryoso ang boses at mukha nito. 

"Po?" nangunot ang aking noo ng unti-unting may sumilay na ngiti sa kanyang labi. 

"Do you want to stay in abuela's house? I mean.. Abuela asked me if it's okay with you, us, to stay on their house. I think she badly wanted to be with you and she's just using me so you could agree" natatawa nito sabi sabi. Talaga? Nakakatuwa naman. Napakabait talaga ni Lola Reina, napapaisip tuloy ako kung lahat ba ng naging nobya ni Xane ay ganun niya itrato. Maaari, kung likas na mabait ang tao, kahit sino pa kaharap niya sigurado akong papakitaan niya ng kabutihan. 

"Sige, gusto ko ring makilala pa ng maigi si Lola. Tuturuan ko siya mag-bake ng cupcake!" exited kong sabi. Ngumiti si Xane habang tumatango, dumukwang ito sa akin saka hinalikan ang aking noo. 

"Thank you.." bulong niya habang nakangiti. 

"Thank you rin" ngiting sabi ko. 

Nag order muna si Xane ng lunch namin, alam kong maraming nakatingin sa gawi niya kasi nililibot ko ang paningin ko at karamihan ng mga babae lalo na ng mga first year ay nakatingin sa kanya. 

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon