Chapter 45

2.2K 53 5
                                    

Tulala ako habang kumakatok sa condo ni Janine, hindi ko alam pero dito ako dinala ng aking mga paa. 

Wala naman akong ibang lalapitan at mapagsabihan ng sama ng loob. Bukod kay Rica na malayo ang bahay ay wala na akong ibang kaibigan na malapit, sila Janine lang. 

"Amanda?" hilam ang matang tumingin ako kay sa babaeng nagbukas ng pinto. 

"E-emerald.." kasabay ng pagyakap ko sa kanya ang aking pag hagulgol.

"Oh my gosh! Janine! Janine!" 

"Ano ba Eme-- Amanda?" yumakap ako kay Janine ng lumapit ito sa amin ni Emerald. 

"Janine.. A-ang sakit-sakit" patuloy lang ako sa paghagulgol. Hindi ito nagsalita at tahimik na hinahagod ang aking likod. Dahil dun ay mas lalo akong nanghina. Bakit kailangang dumating sa ganito?  

"Shh.. Ano bang nangyari?" parang umi-echo  sa aking pandinig iyong mga narinig akong ungol nilang dalawa dahil sa tanong ni Emerald. 

"Shh.. Calm down, Amanda." pagpapatahan ni Janine. 

"Here drink this" agad kong kinuha 'yung baso ng tubig at ininom. 

"Mag kwento ka kapag kaya mo na" seryosong sabi ni Janine. Tumango-tango ako tsaka yumakap sa kanya. 

Ilang minuto rin akong umiiyak, at nakita ko nalang si Lena na humahangos habang nakayakap sa akin, tinatanong kung ano bang ang nang. 

"S-si Xane nakita ko siya may k-katalik sa loob ng condo niya. Sa kwarto kung saan kami n-natutuog" sumbong ko habang umiiyak. Ang sakit-sakit. 

'Yung condo-ng tinurin ko ng pangalawang bahay, 'yung taong tinurin ko ng mundo, 'yung mga masasayang memoryang ginawa naming magkasama. Lahat 'yun sa isang iglap ay naagaw ni Isah. 

Tumabi sa akin si Emerald at niyakap ako ng mahigpit. 

"Sinabi ko naman sa lalaking iyon na huwag kang paiiyakin" seryosong sabi nito. 

"Tangnang Xane 'yan" palatak na mura ni Janine. 

"Kahahatid ko lang sayo kanina ha, dapat pala sinamahan nalang kita at ng mailampaso ko 'yung mukha ng babae sa sahig!" hesteryang sabi ni Lena. 

Patingin kami sa pinto ng bumukas iyon, pumasok si ma'am Serene, nakalarawan sa mukha nito ang pag-aalala. 

"Oh my.. Amanda.." yumakap ito sa akin, naglandas muli ang aking mga luha. Hindi ko talaga alam ang aking gagawin kung wala sila ngayon sa tabi ko. 

Pagkalas ni ma'am Serene sa yakap ay paulit-ulit ang pagtunog ng aking selpon. Tinignan ko kung sino iyon. 

"T-tumatawag siya" hikbing turan ko. Hinahanap mo ba kung nasaan ako Xane? Bakit hindi mo nalang ako hinabol kanina? Nagtanong ka paba sa babae mo kung pwede mo akong sundan o hindi? Napailing ako sa aking naisip.

"Hayaan mo siya, sira ulo niya, pagkatapos mambabae ngayon ay kinukulit ka. Akin na nga 'yan!, kainis siya" galit na sabi ni Janine 'tsaka kinuha yung selpon ko at tinurn-off iyon. 

Pinunasan ko ang aking luha, parang hindi iyon nasasaid, patuloy parin sa pagpatak. 

Naramdaman ko nalang ang muling pagyakap ni ma'am Serene sa akin. Tumingin  ako sa kanilang lahat bago kay ma'am Serene, "A-ang sakit.. Ang sakit sakit. Sabi niya magbabago siya, sinunod ko lahat ng gusto niya. Hindi ko siya hinusgahan, inintindi ko ang lahat ng pag uugali niya pero nakuha pa rin niya akong lokohin. Ang sakit na Serene, n-nakakapagod siya." paglalabas ko ng sama ng loob.

"P-pero kasalanan ko naman, ayaw niya sa'kin.. Pinilit ko lang siya kasi gustong-gusto ko siya kaya wala akong karapatan na magalit sa kanya dahil ako naman ang nagpumilit." nagkamali ba ako? Dapat ba hindi na ako nakipaglapit kila Janine? Dapat ba ay hindi na ako sumama sa party ng lola nila? Kung hindi ko iyon ginawa ay hindi naman niya ako mapapansin. Kung itinigil ko ng maaga iyong pagpapansin ko sa kanya, pag iiwan ng letters at cupcakes sa locker niya ay baka hindi niya ako napansin. 

"Pero sabihin niyo, d-deserve ko ba ang masaktan ng ganito? Ang p-pagtaksilan niya?" damang-dama ko kung gaano ako kaimportante sa mga pinapakita niya, akala ko mahal na niya ako dahil sa mga salitang lumalabas sa labi niya. Lahat pala ng iyon ay kasinungalingan lang. 

"Shh.. Hindi mo deserve masaktan Amanda, walang babaeng deserve masaktan" ngumiti ako ng mapait sa sinabi ni ma'am. Sana nga ma'am Serene, kasi para na akong pinapatay ngayon sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. 

"Bakit kasi hindi mo nalang siya hiwalayan?" tumingin ako kay Emerald. 

"M-matitiis kong m-masaktan Em, pero h-hindi ang hindi m-makapag-aral" pano nalang ang pag-aaral ko? Bakit kasi humantong pa ako sa ganito? 

Kung itinigil ko ang pantasya ko sa kanya sana ay hawak ko parin ang scholarship ko, wala sana akong nararamdaman na sakit ngayon.. Hindi ko sana nakilala kung gaano siya ka-sweet, kung gaano niya ako pagalitan kapag may ginagawa akong bagay na ikakasakit ko, kung paano siya mag selos. Hindi ko sana nakita kung paano siya gumalaw sa ibabaw ng ibang babae..

Pero sa kabilang banda, hindi ko sana sila makikila.. Si Janine na makulit, si Lena na maingay, si Emerald na sweet, at si Ma'am Serene na matured mag-isip sa aming lima. 

"What do you mean?" tanong ni Janine. 

Ipinaliwanag ko sa kanila ang lahat, 'yung pagkawala ng scholarship ko at pag ako ni Xane doon.  

Gusto ni Janine na hiwalayan ko na iyong pinsan niya. Nasasaktan ang puso ko dahil iyon naman ang gagawin ko. Kahit masakit na bitawan 'yung taong mahal ko, wala akong magawa dahil niloko niya ako. 

Parang sa isang iglap ay nabura lahat ng kasiyahang naramdaman ko sa piling niya, napalitan iyon ng sakit. 

Siguro nga ay hindi niya talaga ako gusto, kasi hindi naman niya magagawa iyon kung totoo ang nararamdaman niya. O maaaring gusto niya nga ako pero hindi kasing lalim ng pagkagusto niya kay I-isah.. Baka nga ay mahal niya pa ito. Isipin ko palang ay parang pinipiga ang puso ko.. Gusto kong magtanong kay Janine kung ano ang relasyon noon ni Xane at ng babae niya, pero hindi ko kaya.. Hindi ko pa kaya sa ngayon. 

Ilang minuto pa ang lumipas at inalok ni Janine na siya na ang bahala sa scholarship ko, doon ako mas lalong naiyak. Pati si Emerald ay sinangayunan ang alok ni Janine na doon muna ako tumira sa bahay nila. Pumayag naman ito ng ura-urada. 

Nakakahiya man pero tinanggap ko ang gusto nila, kasi kahit tumanggi naman ako ay wala akong magagawa. 

Ayuko pang makita si Xane, at siguradong alam niya kung saan ako pupuntahan. Kahit matunton niya ako sa bahay nila Emerald ay hindi naman ako lalabas. Sabi pa ni Emerald ay nandoon naman ang kuya niya para protektahan kami kung sakaling manggulo doon si Xane. 

Kahit nakakahiya kay Sir Sebi ay nilunok ko ang pride ko. Nagulat pa ito ng makita ako sa bahay nilang sobrang laki, pero hindi naglaon ay kinulit ako nito ng kinulit hanggang sa maging komportable ako at mawala ang pagkapahiya ko. 

Bumuntong hininga ako at tumalikod ng higa kay Emerald. Oo, sabi nito ay gusto niya akong katabi ngayon dahil baka raw umiyak lang ako ng umiyak pag sa guest room nila ako natulog. Pumayag naman ako para hindi ko maisip masyado ang nangyari kanina. 

Pero ng makatulog siya ay muling kumakatok sa isip ko ang pagtataksil ni Xane. 

Kinuha ko ang aking selpon at binuksan iyon, hindi na ako nagulat ng makita ko kung gaano karami ang tawag at text niya. Hindi nag abalang basahin kahit isa man sa mga iyon, bata nakatutok lang ang aking mga mata sa mga letrang itinitipa ko sa text box. 

'Xane, mag break na tayo' sinend ko iyon bago ko binura ang kanyang number sa contact list ko. Wala akong lakas ng loob para sabihin iyon harapan sa kanya. Hindi ko pa siya kayang makita, sobrang sakit. 

Ipinikit ko ang aking mga mata. Kung pwede lang sana panaginip na lang ito. Sana paggising ko nasa tabi ko pa siya, nakayapos sa akin. Sabay pa kaming kakain at papasok sa school-- pero sino ba ang niloloko ko? Kinurot ko ng paulit-ulit ang aking sarili kanina, nagbabakasakaling panaginip lang ang lahat. Pero nasaktan na ako't lahat-lahat ay hindi naman ako nagising. 

Ngumiti ako ng mapait, sa importanteng araw pa na ito nadurog ng pino ang aking puso.. "Happy Second Monthsary, Xane.." mahinang bulong ko at ngumiti ng mapait. Bago nag pahila sa antok kimkim ang sakit sa aking puso.

The Mr. Playboy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon